Chapter 29: Panibagong banta III

2.8K 103 12
                                    

Hapon na nang makarating si Tyki sa bahay nina Zenon. Sa loob ay sandali silang nag-usap ni Cleo at hiningi nito ang kaniyang tulong, upang hanapin ang kapatid at pinsan nito. Batid kasi niyang may hindi magandang nangyari sa mga ito, kaya labis na siyang nag-aalala.

"Sigurado ka bang hindi mo na ito sasabihin pa kina Zenon?" Tanong ni Tyki.

"Hindi na kailangan, dahil hindi naman niya ako papayagang umalis." Tugon ni Cleo.

Napakamot na lang si Tyki at halos kasabay nito ay ang kaniyang pagbuntong hininga. Samantala, napangiti na lang si Cleo dahil batid na niyang hindi na ito makakatanggi pa sa kaniya.

"Kung handa ka na ay tayo na." Sambit muli ni Cleo.

Matapos magsalita ay mabilis nang umalis si Cleo. Tila hindi naman nagulat si Tyki sa kakaibang bilis nito, bagkus ay muli lang siyang napabuntong hininga.

"Dapat kasi hindi ko na lang nalaman na isa siyang mythical shaman. *Sigh." Sambit ni Tyki.

Mapunta tayo kina Zenon. Sa ngayon ay patungo na sila sa isang lugar kung saan may naganap na paglalaban kagabi. At base sa ibinigay na impormasyon nina Warren sa kanila ay mga tao lang ang nasangkot sa nasabing paglalaban.

Samantala, sa mga sandaling ito ay halos sabay-sabay na naglalakad palabas ang mga mag-aaral sa Olympus university. Tapos na kasi ang mga klase at mahigpit na ipinag-uutos sa kanila na umuwi agad sa kani-kanilang mga bahay. Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa nahuhuli ang mga nilalang na umatake sa magkakaibigan, kaya hindi pa rin ligtas na manatili sa labas at magpagala-gala.

Palabas na rin ng campus sina Lai at halos kasunod lang sila nina Lyra at ang mga kaibigan nito. At hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya alam ang kaniyang gagawin para bumalik sa dati ang kaniyang mga kaibigan. Batid naman niyang isa lang ang solusyon sa problema ng mga ito, at ito ay walang iba kundi ang kaligtasan ni Jared. Napabuntong hininga na lang siya habang naglalakad, subalit ilang sandali pa ay may napansin siyang kakaiba sa ikinikilos ni Zenith. Napansin na din niya ito kaninang umaga nung nakapasok na siya sa loob ng kanilang classroom. At dala na rin ng labis na pagtataka ay minabuti niyang sundan ito. Nagpaalam naman siya sa kaniyang mga kaibigan na tumango lang naman sa kaniya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang nawala sa kaniyang paningin si Zenith. Batid naman niyang ginamit na nito ang kaniyang abilidad, ang kakayahang maglaho o maging invisible. Sumagi na rin sa kaniyang isipan na gagawin ito ni Zenith, dahil posibleng napansin na siya nito. Subalit labis na matalas ang kaniyang pang-amoy, kaya masusundan pa rin niya ito kahit hindi na niya ito nakikita pa.

Mabalik tayo kina Zenon. Sa ngayon ay hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita, dahil ang gusali kung nasaan sila ay pagmamay-ari ng isa sa dating kaibigan ng ika-apat na Zenon.

"Imposible! Base sa mga alala ng ika-apat na Zenon, mabait ang Papa ni Annie!" Sambit ni Zenon.

"Pero malinaw na ang mga nasirang laboratoryo na ito ay para sa paglikha ng mga Anti-myths weapon." Sambit ni Eclaire.

"*Tsk! Alam kaya ito nina Mark?" Tanong ni Zenon.

"Malalaman natin sa oras na makausap natin sila, pero mas makakabuti kung ililihim muna natin ang tungkol sa bagay na ito." Sambit muli ni Eclaire.

Matapos magsalita ay mabilis na silang umalis gamit ang kapangyarihan ni Eclaire. Samantala, mabilis na tumatakbo si Lina patungo sa lugar na sinabi sa kaniya ng kaniyang istudyante, si Liezl. Batid niyang mapanganib ang magtungo mag-isa, subalit batid din niyang may nagmamatyag sa kaniyang mga kilos, kahit hanggang sa ngayon at ramdam niya ang presensya nito.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon