Sa mga sandaling ito ay nanatiling tulala ang lahat, matapos masaksihan ang ginawa ng magkakapatid na Icarus. Sa katunayan ay saglit na natigilan ang nagwawalang dragon, matapos mapigilan ang ginawa nitong pag-atake.
Natigil lang ang lahat sa pagkatulala matapos sumigaw ni Zinon at sa pagkakataong ito ay mabilis nang nagsilikas ang lahat. Sa tulong ng mga guro at mga staff, at pati na rin sa tulong nina Sapphire ay matagumpay nilang nailabas ang halos lahat ng mga sibilyan sa loob ng campus. Subalit batid nilang hindi na ligtas ang buong Odin, kaya sa pamumuno ni Poseidon ay agad niyang inutos na lumikas ang lahat patungo sa Gaia City, kung saan nanatiling nakabukas ang barrier na magpo-protekta sa kanilang lahat.
"*Hmm... Mukhang oras na siguro para magsimula. *Fufu..." Sambit ni Zilan.
Matapos magsalita ay isang sandata ang kaniyang inilabas, ang Doombringer, ang sandata ng kanilang ama.
Mabilis nabalutan ng apoy ang buong sandata, subalit hindi naman ito nagtagal at tila mabilis lang na hinigop ng sandata ang apoy na bumalot sa kaniya. Kasunod nito ay ang isang kakaibang aura ang bumalot sa santada, kasabay ng saglit na pagliwanag nito.
Matapos makumpirma ang lahat ay mabilis na lumipad patungo sa malaking dragon si Zilan. At sa loob lang ng ilang sandali ay nagawa niyang makarating sa uluhan nito.
Wala namang magawa ang malaking dragon, laban kay Zilan, dahil limitado lang ang kaniyang mga kilos.
Hanggang sa ilang sandali pa ay isang malakas na pag-ungol mula sa malaking dragon ang narinig. Kasunod nito ay mabilis nabalutan ng apoy ang buo nitong katawan, dahilan ng mabilis nitong pagbagsak.
Dala ng labis na takot na baka madaganan ng malaking dragon ay mabilis nang lumikas ang mga nagpaiwan, subalit bago tuluyang bumagsak sa mga gusali ang malaking katawan ng dragon ay nabalutan ng liwanag ang buong katawan nito at kalaunan ay mabilis na naglaho. Ngunit kasabay ng pagkawala ay isang katawan ng binata ang kanilang nakita at mabilis itong bumagsak sa lupa.
"Jared!" Sigaw ni Rynn.
Mabilis na tumakbo sina Rynn, patungo sa lugar kung saan bumagsak si Jared. Hanggang sa ilang sandali pa ay nakita nila itong walang malay.
"Jared..." Sambit ni Rynn.
Samantala, patuloy lang sa pag-usad ang hukbo ni Erdie at bakas sa kaniyang mukha ang saya habang pinagmamasdan ang kaguluhang nalikha ng malaking dragon. Subalit ilang sandali pa ay labis siyang nagulat, matapos makitang nabalutan ng apoy ang buong katawan ng dragon at kalaunan ay maglaho.
"Hades!!" Sigaw ni Erdie.
Batid ni Erdie na si Hades ang sanhi sa mabilis na pagkatalo ng malaking dragon. At batid din niya ang sandata nito ang may likha nito. Dahil ang sandatang ito ay pinagtulungan nilang likhain sa nakaraan at tukoy niya ang abilidad at kapangyarihan nito.
"*Tch! Hindi ko naisip na gagamitin niya agad ang doombringer! Pero mabuti na rin ito dahil hindi na ako mag-iisip pa ng paraan para lang pigilan siya." Sambit muli ni Erdie.
Matapos magsalita ay mabilis niyang inutusan ang isang pangkat sa kaniyang hukbo at matapos marinig ang kaniyang utos ay mabilis ng kumilos ang mga ito.
Sa isang iglap ay mabilis naging dragon ang hindi bababa sa isang daang mythical shaman at sa ngayon ay mabilis silang lumilipad patungo sa nagkakagulong bayan.
Mabalik tayo sa paaralan, sa ngayon ay pansamantalang humupa ang kaguluhan, buhat ng pagkawala ng malaking dragon. Agad nagsaya ang lahat, dahil batid nilang tapos na ang kaguluhan at ligtas na ang lahat. Subalit tukoy ng magkakaibigan na hindi pa dito nagtatapos ang lahat.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...