Chapter 28: Panibagong banta II

3K 99 16
                                    

Kinabukasan, naging tampunan nang tingin ang magkakaibigan, dahil nagsimula na silang magbalik sa paraalan. Labis namang natuwa sina Dave at Emma, dahil unti-unti nang nagbabalik sa dati ang lahat. Subalit hindi pa rin pumapasok si Sapphire at hindi rin nila nagawang makausap ito kahapon. At kahit mabuti na ang kalagayan ng bawat isa ay hindi pa rin nila maiwasang malungkot sa oras na maalala nila si Jared, na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nawawala.

Nang makapasok sa kani-kanilang mga classroom ang magkakaibigan ay inasahan na nila na tatanungin sila ng kanilang mga kaklase. Gayumpaman ay tinugon nila ang mga ito ng maayos at ipinakita na mabuti na talaga ang kanilang kalagayan. At tila batid naman ng mga kaklase nila ang tungkol kay Jared, kaya walang nagtanong tungkol dito sa kanila. Samantala, nananatili pa ring tahimik sina Rynn at Krysel. Batid naman ni Lai ang dahilan, subalit wala siyang magawa upang tulungan ang mga kaibigan.

"Bakit ba kasi sa nag-iisang lalaki lang sila na-inlove? Nasaan ka na ba kasi Jared?!" Sambit ni Lai derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang guro, si Zinon. Napangiti na lang ito matapos makita si Lyra. Ngunit hindi naman ito nagtagal, dahil agad niyang napansin na bakante pa rin ang upuan ni Sapphire. Gayumpaman ay agad na siyang nagturo, matapos niyang makuha ang attendance.

Mapunta tayo sa bahay nina Rain. Sa ngayon ay hindi mapakali si Cleo, habang hawak ang kaniyang telepono. Kanina pa kasi niya tinatawagan ang kaniyang kapatid, si Zane, subalit hindi nito sinasagot ang kaniyang pagtawag.

"*Tch! Bakit hindi sinasagot nina kuya ang tawag ko?! Dapat nasa kweba na sila ngayon, dahil 'yun ang usapan namin." Sambit ni Cleo.

Ilang sandali pa ay lumabas na ng kaniyang kwarto si Zenon at kasabay ng kaniyang pag-iinat ay napansin niya si Cleo, suot ang nag-aalalang ekspresyon. Mabilis naman niya itong nilapitan upang alamin ang problema nito. Hanggang sa kutuban na siya ng masama, matapos sabihin ni Cleo na hindi sinasagot ng kaniyang kapatid ang kaniyang mga pagtawag.

"Hindi ba't ang sabi mo ay may minamanmanan silang building kagabi?" Tanong ni Zenon.

"*Uhm! At dapat ay nasa pinagtataguan na namin sila ngayon at naghihintay sa pagtawag ko." Tugon ni Cleo.

"Hindi ito maganda. Posibleng tama ang building na pinuntahan nila at posible ring napalaban sila, kaya hanggang sa ngayon ay hindi nila masagot ang mga tawag mo." Sambit muli ni Zenon.

"Kung ganon ay ano ang gagawin natin?" Tanong ni Cleo.

"Mabuti pang sabihin ko muna ito kina ama. Pupuntahan ko na rin sina Aviona, para alamin kung may nangyari nga ba kagabi." Sambit muli ni Zenon.

"Ako? Ano ang gagawin ko?" Tanong ni Cleo.

"Mabuti pang maghintay ka na lang dito. Mas ligtas ka dito!" Sambit muli ni Zenon.

Gusto pa sanang magsalita ni Cleo, subalit hindi na niya ito nagawa dahil mabilis na umalis si Zenon. Sa ngayon ay hindi pa rin maalis ang kaba sa kaniyang dibdib, dahil posibleng may hindi magandang nangyari sa kaniyang kapatid at pinsan.

"*Tch! Hindi pwedeng nandito lang ako! Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman ang nangyari kina kuya!" Sambit ni Cleo.

Hanggang sa ilang sandali pa ay muli niyang ginamit ang kaniyang telepono at kalaunan ay may kinausap.

"*Uhm! Puntahan mo ako dito! Kailangan ko ang tulong mo, Tyki!" Sambit ni Cleo.

Mabalik tayo kay Zenon. Sa ngayon ay napa-alam na niya kina Hades ang balita at kasama na niya si Eclaire sa mga sandaling ito. Hindi na sila nag-usap pa at mabilis na silang umalis, patungo sa Ceto kung nasaan sina Aviona.

School of Myths: Ang ikatlong aklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon