Sa ngayon ay hila-hila si Jared ni Krysel patungo sa kaniyang dorm. Walang ideya si Jared sa kung saan sila pupunta o kung ano ang kanilang gagawin, hanggang sa huminto sila sa isang malaking gusali. Sandali siyang napatitig dito, ngunit hindi naman ito nagtagal at agad natukoy kung nasaan na sila.
"Sandali lang, ito ang dorm nyo hindi ba?" Sambit ni Jared.
"*Uhm!" Tugon ni Krysel.
"Pero bakit mo naman ako dinala dito?" Tanong muli ni Jared.
Hindi kaagad tumugon si Krysel at napangiti lang ito. Labis naman itong ipinagtaka ni Jared, kaya muli siyang nagsalita.
"Krysel?" Tanong muli ni Jared.
"Isa 'yong sekreto.. *Hehe.." Tugon ni Krysel.
Napalunok na lang si Jared, dahil bigla siyang kinabahan sa mga sinabi ni Krysel. Ilang sandali pa ay muli na siyang hinila nito papasok sa gusali. Subalit sa kanilang paglalakad ay sandali silang napahinto matapos makasalubong ang isang babae na halos kalalabas lang sa kaniyang kwarto.
"Nakabalik ka na pala Krysel. *Oh! Sino 'yang kasama mo?" Sambit ni Nicole.
*** Nicole Floria. Siya ang nakababatang kapatid ni Khaye at sa ngayon ay 34 years old na. Tulad ni Airen ay isa din siyang guro sa Olympus university, kaya pansamantala siyang tumutuloy sa dorm na ito.
Slim pa rin ang pangangatawan ni Nicole, pero hindi tulad ng dati ay sobrang ganda na nito ngayon. Nasa 5'5" ang kaniyang taas, kulay apple green at katamtaman ang haba ng kaniyang buhok, maputi ang kaniyang balat at hindi tulad ng dati ay sobrang ganda na ng kaniyang pyutsur ngayon! (if you know what I mean :3) ***
"Tita! Siya po si Jared, boyfriend ko po." Tugon ni Krysel.
"Magandang araw po, miss Nicole. Ako po si Jared Euphemia, ang boyfri.. *Eh?! Boyfriend mo ako?!" Sambit ni Jared.
Bakas ang pagkagulat ni Jared sa tono nang pagkakasambit niya sa bandang dulo. At dahil dito ay agad natukoy ni Nicole ang kasalukuyang nangyayari, subalit napangiti na lang siya.
"*Hmm.. Kung ganon ay siya ang lalaking bumihag sa puso ng pamangkin ko. *Fufu.. Magugulat si ate Krystine sa oras na malaman ang tungkol dito." Sambit ni Nicole derekta sa kaniyang isipan.
"Ganon ba? Okay nauunawaan ko. Sige mauna na ako! Kailangan ko pang bumalik sa school, dahil may gagawin pa ako don. Bumalik lang ako dito para kunin ang gamit ko, sige enjoy your youth. *Fuehehehe.." Sambit ni Nicole.
"Okay po!" Sambit muli ni Krysel.
Ilang sandali pa ay nagsimula nang maglakad papaalis si Nicole, habang nananatiling gulat at tulala naman si Jared. Hindi nagtagal ay muling hinila ni Krysel si Jared, hanggang sa tuluyan silang makapasok sa kaniyang kwarto.
Sa loob ay tuluyan nang nanumbalik sa kaniyang sarili si Jared at dito ay labis siyang namangha sa ganda at linis ng buong kwarto. Iniwan siya ni Krysel sa mismong higaan nito at sa mga sandaling ito ay wala siyang ideya sa kung ano ang kanilang gagawin. Ngunit ilang sandali pa ay may narinig siya mula sa hinihinala niyang kusina at dahil dito ay labis siyang kinabahan.
"Masama ito! Nagluluto ba siya?" Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Ngunit ilang sandali pa ay biglang nabura ang kabang naramdaman niya, matapos makarinig ang mabilis na pagbagsak ng tubig. Batid niyang mula ito sa banyo, kaya sandaling napanatag ang kaniyang kalooban.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasíaGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...