June 16, CS262. Araw ng sabado. Ngayong araw ay umuwi na ang mga magulang ni Jared sa kanilang bahay. At kahit inaasahan na ni Liyann ang kalagayan ng kanilang bahay ngayon ay hindi pa rin niya naiwasan ang hindi magulat.
"Grabe ang kalat! Mabuti na lang at may nag-apply na sa'tin nung nakaraang araw." Sambit ni Liyann.
"Pero bukas pa siya darating, kaya ang mabuti pa ay maglinis ka muna dito." Sambit ni Mike.
Hindi na tumugon pa si Liyann, bagkus ay nagsimula na itong maglakad patungo sa kwarto ng kaniyang anak.
"Jared.. Nandito na kami ni Papa." Sambit ni Liyann.
"Pabayaan mo na munang matulog ang anak mo." Sambit ni Mike.
"*Hmm.. Ang mabuti pa ay magluluto muna ako. Maglinis ka muna saglit, Papa." Sambit muli ni Liyann.
"Roger that." Tugon ni Mike.
Matapos mag-usap ay agad nang nagtungo si Liyann sa kusina dala ang kanilang mga pinamili. Samantala, agad naglinis si Mike sa may sala, dahil nagkalat dito ang mga pinagkainan ni Jared.
Makalipas ang ilang minuto ay nagising na si Jared. At agad nagising ang kaniyang diwa matapos maamoy ang masarap na pagkain na nagmumula sa may kusina. Walang pag-aaksaya ay mabilis na siyang nagtungo dito, upang alamin kung totoo ba ang kaniyang naamoy.
"Mama?!" Sambit ni Jared.
"Mabuti naman at gising ka na! Bakit hindi mo man lang magawang itapon sa basurahan ang mga kalat mo?" Tugon ni Liyann.
"Pagod na pagod po kasi ako sa club activities na'min sa school, kaya po matapos kong kumain ay natutulog agad ako." Sambit muli ni Jared.
"Pasensya ka na anak ah. Naging maganda kasi ang takbo ng negosyo na'tin, pero wag kang mag-alala dahil nakahanap na kami ng kasambahay." Sambit muli ni Liyann.
"Talaga po? Sa wakas at mukhang hindi na puro cup noodles at canned goods ang kakainin ko." Sambit muli ni Jared.
"Sorry talaga anak ah. Wag kang mag-alala, bukas na bukas ay darating na siya dito." Sambit muli ni Liyann.
"Okay lang po, Mama. Nauunawaan ko naman po, kung bakit kayo busy. At isa pa ay hindi naman po ito bago sa'kin. Yun nga lang ay iniwan nyo ako kina Lola non." Sambit muli ni Jared.
"Ang mabuti pa ay tulungan mo na ang Papa mo na maglinis. Sandali na lang ito at maluluto na." Sambit muli ni Liyann.
"Okay po!" Sambit muli ni Jared.
Naging maganda ang araw na ito para kay Jared, dahil sa wakas ay muli silang nakumpleto. Buong araw din siyang nakapagpahinga at hindi na siya kumain ng noodles at delata ngayon.
"Sa wakas! Hindi na ako magtitiis pa sa araw-araw na cup noodles at canned goods! Bukas is the day!" Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Kinabukasan, tanghali na ng nagising si Jared. Inaantok pa ng lumabas siya ng kaniyang kwarto. Sandali na siyang nagmasid sa kanilang bahay at tulad ng kaniyang inaasahan ay wala na dito ang kaniyang mga magulang.
"*Hmm.. Mukhang hindi pa rin dumarating ang kasambahay na sinasabi nina Mama. Pero siguro naman ay nagluto si Mama, bago sila tuluyang umalis." Sambit ni Jared derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay naglakad na si Jared patungo sa kusina upang kumain. Agad siyang napangiti matapos makita ang isang kaserola, batid kasi niyang pagkain ito na niluto ng kaniyang ina. Ngunit bago siya tuluyang makalapit dito ay sandali siyang napahinto sa harapan ng kanilang refrigerator. May isang papel kasing nakadikit dito. Walang pag-aaksaya ay agad niyang itong kinuha at kalaunan ay binasa.
BINABASA MO ANG
School of Myths: Ang ikatlong aklat
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Dahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Eup...