"Kunin mo nga 'yung cellphone ko sa kwarto ko!" Pabulyaw na sabi sa akin ni Aivan.
Naka-higa siya sa pahabang sofa habang nanunuod ng basketball sa telebisyon. Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan pero — ito kaagad ang naabutan ko.
"Hindi mo na ako naririnig, Avygail huh?! Sinabi ko... Kunin mo 'yung cellphone ko sa kwarto!" Paulit na sigaw sa akin ni Aivan.
Kapag wala sila Daddy at Tita Cassandra ay ganyan lagi si Aivan sa akin. Lagi niya akong inuutusan, minsan pa nga ay hindi ko na kayang gawin ang ipapautos niya.
Pag-akyat ko sa 2nd floor ng bahay ay dumiretso muna ako sa kwarto ko, at doon ibinaba ang bag ko. Mabilis akong nagpalit ng damit at pagkatapos ay saka ako pumunta sa kwarto ni Aivan.
Sa ilalim ng unan niya ay nakita ko ang cellphone niya. Doon ko kasi madalas na makita ang cellphone niya sa tuwing pinapalinis niya sa akin ang kwarto niya.
Mayroon namang maid sa bahay, pero sa tuwing wala sila Daddy at Tita ay ako ang ginagawang katulong ni Aivan.
Bitbit ko ang cellphone ni Aivan, at nang makababa ako ay agad ko 'yong iniabot sa kanya.
"May assignment ba tayo sa Trigonometry, huh?" Tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nakatingin lamang sa iPhone niya.
Parehas kaming Grade 10 at sa kasamaang palad ay kaklase ko pa siya. Kaya araw-araw na nasa kalbaryo ang buhay ko.
Kanina, nag-cutting na naman siya sa last subject namin na Trigonometry. Lagi niya namang ginagawa iyon kapag gusto n'ya o di kaya naman ay kapag wala sa Pilipinas si Daddy at Tita Cassandra.
"Oo 'yung tungkol sa spherical and—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil may kausap na siya sa cellphone niya.
"What the hell is your problem Aliana? Sinabi ko na sa'yong wala nang tayo! Hindi mo ba naintindihan 'yon?......... One night stand lang iyon!... Pwede ba?? Wala nga kasing tayo! Huwag kang mapilit!" Sabi niya at muntik na akong mapatalon sa gulat nang hampasin niya ang sofa.
"Shet si Aliana! Sinabi na ngang 'break na kami' tapos nagpupumilit na naman!" Aniya at saka ibinaba ang cellphone, "Badtrip ampucha!"
Natauhan na lamang ako nang bigla niya akong sigawan, "Ano pang ginagawa mo sa harapan ko? Umalis ka nga!"
Lagi siyang high blood sa akin, lalo na kapag wala sila Daddy at Tita. Simula palang noong nakilala niya ako ay alam kong masama na ang loob niya sa akin. Simula pa lang naman ay ramdam kong ayaw niya sa akin, alam ko naman iyon.
Hindi ko naman siya tunay na kapatid. Alam kong anak ako ng nagngangalang Arianne na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita at kahit nakakausap man lang sa telepono. 'Yung totoong Daddy ko naman ay hindi ko naman alam ang tunay na pangalan, at hindi ko rin siya nakikita.
Fifteen years old na ako at magsi-sixteen na sa susunod na tatlong buwan. Mas matanda nga lang ng isang buwan sa akin si Aivan.
Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Daddy Blake at Tita Cassadra, kahit na hindi ko sila tunay na pamilya ay pinaramdam pa rin nila sa akin na anak nila ako — kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung wala sila ay siguro hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka nga sa kalsada nga ako natutulog ngayon, kung hindi nila ako nakilala.
Dinala ko ang hapunan ko sa kwarto ko. Kailangan ko kasing mag-umpisa sa gagawin kong assignment sa Trigonometry. Medyo mahirap rin kasi iyon kaya kailangan ko nang gawin ngayon habang kumakain.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."