Wala akong ginawa sa buong maghapon kundi ang umiyak. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako napapagot sa kakaiyak.Kanina pa nakauwi sila Stacey at ang Papa niya. Wala ni kahit na anong imik sila Daddy sa nasabi ng Papa ni Stacey.
Bakit ba kasi nararanasan ko ang lahat ng ito?
Kung kailan okay na, kung kailan masaya na ako kasama si Aivan saka pa susulpot ang ganitong problema.
Pesteng Aivan kasi! Kung hindi dahil sa kalandian niya, hindi naman mabubuntis si Stacey.
Kahit kailan talaga ang Aivan na iyon. Puro pasarap lang kasi ang naiisip.
Agad akong napatalukbong ng kumot sabay punas sa luha ko nang marinig kong may kumakatok.
Nagkunwari akong tulog at nararamdaman ko naman na may palapit sa akin.
Ipinikit ko ng husto ang mata ko para mas maging kapani-paniwala na tulog ako.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko si Aivan sa tabi ko, alam kong si Aivan iyon dahil malakas anh instinct ko sa ganoon. Tinanggal niya ang nakatakip na kumot sa mukha ko at marahang hinapos ang pisngi ko.
Gustong-gusto ko ng imulat ang mata ko para makita ko ang mukha niya pero pinilit ko na lamang na pigilan iyon. Hanggang da naramdaman ko na may tumulong tubig sa pisngi ko.
Sa pagkakataong ito, alam kong luha iyon ni Aivan. Alam kong umiiyak siya dahil naririnig ko ang pigil na pagsinghot niya.
"M—Mahal na mahal kita." Mahinang sabi niya pero malinaw pa rin iyon sa pandinig ko.
❇❇❇❇❇❇
"Avygail.... Nandiyan na ang Papa mo.. Hinihintay ka na niya sa baba." Sabi sa akin ni Tita Cassandra nang makapasok siya sa kwarto ko.
Kakagising ko lang din naman, apat na oras rin pala akong nakatulog. Napalalim pa yata ang tulog ko kanina marahil ay sa kakaiyak.
Tumango ako at ngumiti, "Sige po. Bababa na po ako, Tita." Sagot ko naman kay Tita Cassandra.
Bago ako bumaba ay nagtungo na muna ako sa banyo para maligo at mag-toothbrush. Halos kalahating oras labg naman ang itinagal ko at pagkatapos ay saka na ako bumaba.
Nakita ko si Papa na nakaupo sa sofa habang kaharap at kausap si Daddy Blake.
Nang makita naman ako ni Papa ay saka siya tumayo at nilapitan ako para yakapin, "How'r you, honey? Are you okay?"
"Yes, Papa..." Sagot ko na lamang sa kanya. Kaya niya siguro naitanong iyon ay napansin pa niya ang namumugtong mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina pa lang.
Inilibot ko ang tingin ko para makita ang taong pinakamamahal ko, pero laking pagtataka ko nang hindi ko makita si Aivan kaya napakunot ang noo ko.
Narito naman si Tita Cassandra, si Allen at si Daddy Blake.
Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon?
Hindi ko ba tuloy mapigilan laya nagtanong na ako kay Tita Cassandra, "Tita, nasaan po si Aivan?" Tanong ko.
Kanina kasi bago ako bumaba dito ay tinignan ko pa ang kwarto ni Aivan pero wala naman siya doon.
"May binili lang siya, Avy..." Sagot niya sa akin, "Baka mamaya lang ay nandito na iyon."
I nod, "Pasabi na lang po sa kanya na uuwi na po muna ako. Hindi po kasi ako nakapagpaalam sa kanya." Ani ko pa.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."