Kabanata 43

76.3K 1.8K 171
                                    


"Twinkle twinkle little star..
Si baby ay love ni Papa.." Kanta ni Aivan habang nilalaro-laro ang tiyan ko na hindi pa naman halata ang pagka-umbok.

"Aivan... Pwede bang itahimik mo muna iyang bibig mo? Kanina pa kasi ako inaantok. Di ako makatulog sa ingay mo." Sabi ko sa kanya.

Almost 12 midnight na rin ng gabi at sa tingin ay wala pa siyang balak na matulog.

Dito nagpasyang matulog si Aivan dahil nakapagpaalam naman siya kay Stacey at ang idinahilan ni Aivan ay makiki-birthday lang siya sa kaibigan niya.

Kanina ko lang din nalaman na kaya pala ilang araw na hindi umuuwi sa bahay nila Daddy si Aivan ay dahil nagsasama na sila ni Stacey. Ang kwento naman sa akin ni Aivan ay ayaw niya namang sumama sa babae kung hindi lang siya tinakot ng Papa ni Stacey.

"Bahay kubo... Kahit munti.... Ang halaman doon... Ay sari-sari, singkamas at talong sigarilyas at mani——" Makulit na kanta ni Aivan na mas lalo ko namang ikinainis.

"Aivan, pwede ba? Bukas ka na kumanta! Inaantok na talaga ako." Inis na sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinangiti na tila ba nang-aasar.

"Sweetheart ko... Matulog ka na diyan. Hindi naman kita ginagalaw, kinakantahan ko lang si baby natin." Sabi niya habang hinahalik halikan ang tiyan ko.

Mariin akong napapikit at pilit na natutulog pero sadyang kahit na bumubulong lang si Aivan ay sumasakit pa rin ang tainga ko dahil sa boses niya.

"Sana talaga lalaki ka, para parehas tayong gwapo... Tuturuan din kitang maglaro ng basketball at kung paano manligaw ng babae.." Magiliw na sabi pa ni Aivan sa tiyan ko.

Parang baliw lang, hindi naman sumasagot ang tiyan ko kaya kanina pa siya nagmumukhang baliw kakasalita pero wala pa rin sa kanya iyon dahil patuloy pa rin siya.

"Manunuod din tayo ng movie! Alam mo ba 'yung Spiderman? Saka Deadpool? Favorite ko iyon eh...... At saka oo nga pala! 'Yung train to busan favorite ko iyon! Manunuod tayo non ah?"

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at pilit na isiniksik doon ang mukha ko.

"Ipapakilala ko din sa'yo si Maria Ozawa! Pinapanuod ko 'yung video non eh."

"Aivan!"

"Bakit, Misis?"

Nanggigigil kong binato sa kanya ang unan na nasa mukha ko. Sumapol naman iyon sa mukha niya.

"Baliw ka ba?! Kung anu-anong kabastusan ang lumalabas diyan sa bibig mo!"

Hindi ko naman dapat kilala si Maria Ozawa na iyon kung hindi lang nabanggit sa akin ni Zach na iyon pala ang paboritong adult movie actress ni Aivan!

Napanguso naman siya na tila ba nagpapaawa, "Hindi naman bastos ang lumalabas sa bibig ko... Kasi ang bastos, iyon 'yung nakahubad tapos may lumalabas na put—"

"Aivan! Lumabas ka na ng kwarto!" Singhal ko sa kanya na ikinatahimik naman niya, "Hindi mo ba alam kung anong oras na ha?! Alas dose na ng madaling araw pero gising na gising ka pa rin!"

Napayuko naman siya at napahinga ng malalim.

"Masaya lang naman ako."

Marahan siyang pumwesto sa tabi ko at saka ako niyakap na para bang ayaw na niya akong mawala sa buhay niya.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong niya habang yakap-yakap ako.

Umiling naman ako, "Hindi.. Nakukulitan lang ako sa'yo."

Muli na naman siyang napanguso, napatawa ako at saka ko pinisil ang matangos na ilong niya.

"Aray!" Reklamo niya sa kurot ko, "Galit ka yata sa akin eh?"

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon