Kabanata 45

80.1K 1.7K 192
                                    


Problemado akong napahilamos sa mukha ko habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

Nakatulog lang ako sandali sa kwarto ay ganito na agad ang tumambad sa akin.

Binalingan ko ng tingin si Aivan na nakayuko habang pinagdidikit niya ang dalawa niyang kamay na tila ba nahihiya pa sa akin.

"Tingnan mo ang ginawa mo sa fried chicken mo." Sabi ko sa kanya sabay turo sa fried chicken na nakahain sa mesa.

Tinignan naman ni Aivan iyon at pagkatapos ay napakamot sa ulo, "Bakit? Ayos naman, ah?"

Napahinga ako ng malalim. Ewan ko ba dito kay Aivan kung ano na naman ang mga kalokohang iniisip.

Hindi na pinuntahan ni Aivan si Stacey dahil ang sabi sa amin ni Papa ay layuan na niya muna ang babae, at isa pa. Kailangan din naming mag-ingat lalo na't mayroon akong dinadala.

Malakas din ang paniniwala ko na hindi anak ni Aivan ang ipinagbubuntis ni Stacey. Instinct ko iyon, eh.

Nakakapagtaka lang kung bakit gustong ipagpilitan ng pamilya ni Stacey na si Aivan ang Ama ng ipinagbubuntis ni Stacey.

Wala pa namang resulta ang imberstigasyon. Kumuha kasi ng mga experts from private investigator sila Daddy Blake. Hinihintay na lang namin ang resulta.

"Tsk..."

Muli akong napatingin kay Aivan na ngayon ay nakasimangot na habang inilagay niya sa plato niya ang fried chicken na niluto niya.

"Hindi mo ako bibigyan?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo naman ng sunog, di 'ba?" Sabi niya, hindi ko namalayan na sa kakaisip ko kanina ay nalagyan na pala niya ng mga gulay ang pagkain ko.

Ito 'yung ulam namin kagabi. Gusto kasi ni Aivan na kumain ako ng maraming gulay para healthy si Baby.

"Pwede ko namang tikman iyang luto." Sagot ko na lang sa kanya para hindi na siya magtampo.

Alam kong ngayon pa lang ay nagtatampo na sa akin si Aivan. Eh alam naman niyang hindi siya marunong magluto, ipinagpipilitan pa niya.

"Sus.. H'wag na. "

Isa pa, kagabi ay humihirit siya ng isa sa akin kagabi pero hindi ko pinagbigyan kaya buong gabi niya akong hiindi kinausap. Pagalaw-galaw din siya sa tabi ko kagabi na para bang hindi mapakali.

Alam naman niyang buntis ako eh, hihirit pa siya. Pero ipinagpipilitan pa niya sa akin na pwede namn daw naming gawin iyon. Hindi naman ako naniniwala, hindi ko kasi iyon naitanong kay Doktora. Pagbalik namin siguro ni Aivan sa clinic ay saka ko itatanong para makasigurado.

"Anong oras tayo aalis mamaya?" Pagbasag ko sa katahimikan. Tumitindi na naman kasi ang topak ni Aivan.

Mamayang gabi ay pupunta kami sa isang party. Invited kasi kaming dalawa ni Aivan at dahil nga simula na ng trabaho ni Aivan sa susunod na linggo ay kailangan naming puntahan ang party na iyon.

Launching yata ng product ng company ni Daddy Blake at tiyak ako na nandoon din ang pamilya ni Stacey dahil investor ang Papa ni Stacey sa company ni Daddy Blake.

Gusto na ngang ipa-breach ni Daddy Blake Ang kasunduan nila ng Papa ni Stacey kaya lang ay baka mas lalo lang na lumala ang galit ng pamilya ni Stacey sa amin.

"Seven ng gabi.." Sagot sa akin ni Aivan pagkatapos naman niyang uminom ng tubig, "Wag na lang kaya tayong pumunta? Baka mapagod ka lang doon?"

"Party naman iyon at minsan lang tayo magsaya, Aivan. Maganda rin iyon para makilala mo rin ang mga makakatrabaho mo sa company." Sagot ko naman.

Tumango naman siya, "Baka awayin mo na naman ako mamaya ah.." Ngumungusong sabi niya sa akin.

Ewan ko ba kung bakit madalas ko ring inaaway si Aivan kahit wala namang ibang dahilan. Siguro ay dahil pinaglilihian ko siya?

Gusto ko kasing nakikita si Aivan na tila ba nagpapaawa sa akin. Ang cute niya naman kasi sa paningin ko sa tuwing ginagawa niya iyon.

"Huwag ka lang tumingin sa ibang babae mamaya. Hindi kita aawayin." Sabi ko pa sa kanya na ikinatawa niya.

Ang moody talaga ng isang ito. Kanina lang ay nakasimangot siya na tila ba nagtatampo, tapos ngayon naman ay nakangiti na ang loko.

Siya yata ang naglilihi sa aming dalawa, eh.

Nang matapos na kaming kumain ay isa-isa kong kinuha ang pinagkainan namin ngnit pinigilan ako ni Aivan.

Kinuha niya ang mga pinagkainan namin na hawak ko at dadalhin ko sana sa lababo, "Sweetheart.. Ako nang bahala, magpahinga ka na muna doon." Malambing na sabi sa akin ni Aivan.

Napangiti naman ako, "Alam mo... Konting-konti na lang at papasa ka na, na maging husband ko." Sabi ko pa na ikinaliwanag ng mukha niya.

"Talaga?!" Sabi niya.

Ibinaba niya sa lababo ang mga hawak niya at maligaya siyang napasuntok sa hangin, "Yes! Yes! Di ko pa tinatanong pero pakakasalan na ako! Shet!"

Napa-irap naman ako, "Mister.. 'Wag OA."

Humarap naman siya sa akin, "Kasalanan ko bang maging OA? Ayaw mo nun? Alam mo na masaya ako dahil gusto ko na pakasalan mo ako." Napakagat siya sa ibabang labi niya at saglit na napayuko.

Bumulong pa siya pero dahil malapit kami sa isa't-isa ay narinig ko iyon.

"Shet! Gwapings ko talaga!"

Muli akong napa-irap sa kanya, "Kung lalaki lang ang anak nating dalawa. Sana ay hindi siya magmana sa'yo."

Sumimangot naman siya. Isinandal niya sa pader ang kaliwang kamay niya at mas lalo pang lumapit sa akin na tila ba kino-corner ako.

"Bakit naman ayaw mo?" Tanong niya, "Gwapo naman ako? Gusto mo bang maging maganda ang anak natin kahit lalaki siya?"

"Yan ka na naman... Tumigil ka nga, Aivan!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Okay, sweetheart. Szeretlek!" Sabi niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Je t'aime!"

"Aivan, hindi kita maintindihan!" Asar na sabi ko sa kanya ngunit mas lalo lang siyang napangiti.

"T'estimo!"

"Isa!"

"Se agapó!"

"Dalawa!"

Mas lalo siyang napatawa at sa inis ko ay hahampasin ko na sana siya nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Szeretlek in hungarian, Je t'aime in french, T'estimo in catalan, se agapó in greek, wô ài nì in chinese. Lahat 'yan sinearch ko pero iisa lang naman ang kahulugan." Mahina niyang kinurot ang pisngi ko at pagkatapos ay saka niya idinikit ang malambot na labi niya sa labi ko.

"I love you in english."

Pinilit kong pigilan ang kilig na nararamdaman ko, "Saranghae!"

Akala mo ikaw lang ah!

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon