"Gago talaga ang mga lalaki! Walang mga kwenta! Walang ginawa kundi ang saktan tayo." Ani Liz na kanina pa ako pinapatahan."A—Ako naman kasi ang tanga.. Alam ko naman na magkakaroon na siya ng pamilya pero ako pa rin itong pasok ng pasok sa buhay niya." Walang patid ang pagdaloy ng luha ko.
"Oo nga.. Gaga ka rin eh, matagal na kitang sinabihan na kung maaari, iwasan mo na 'yang Aivan na iyan. Mukha pa nga siyang mas maloko kay Zach, 'Yun pala ay parehas lang silang gago." Aniya matapos inumin ang tinimpla niyang kape. "'Wag mo na munang isipin ang Aivan na iyon, ang importante humihinga ka at staying pretty ka pa rin like me."
Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya. "Loko ka talaga... Nakapag-usap na kayo ni Zach?"
Umiling siya at napahinga pa ng malalim, "Oo nga pala, Nakahanap na ako ng pansamantala ko munang matitirhan. Nakakahiya naman kung dito ako sa bahay niyo nakikitulog."
Agad ko siyang tinutulan, "Welcome ka naman dito sa bahay. Wala namang problema kahit nandito ka pa araw-araw."
Umiling ulit siya, "Maraming salamat, Avygail. Pero napakabuti mo talaga. Pero buo na ang desisyon ko, lilipat na ako ng matitirhan. H'wag kang mag-alala. Bibisitahin pa rin naman kita dito."
"Kapag may kailangan ka pang iba. Pwede kitang matulungan." Sabi ko sa kanya, "Mayroon naman akong extra diyan na pera. Pwede kong ibigay sa iyo 'yun."
Ngumiti siya at saka niya ako niyakap ng mahigpit, "Hindi ko maiintindihan iyan, Avy. Sa ngayon habang wala pa akong nahahanap na trabaho ay tatanggapin ko muna iyan. Pero h'wag kang mag-alala, babayaran naman kita."
"Ano ka ba... Huwag na! Kaibigan kita!ano pang silbi ng pagkakaibigan nating dalawa kung hindi rin naman tayo magtutulungan, di ba?"
"Kaibigan talaga kita! Parehas tayong maganda, eh." Aniya habang natatawa-tawa.
Matagal-tagal rin kaming nag-kwentuhan ni Liz, hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Tanghali na pala at mayamaya lamang ay aalis na siya sa bahay.
Masaya kasama ang kaibigan ko. Kahit na may problema ako ay nawawala kapag kasama ko siya, kaya sana 'yung problema na nararanasan din ni Liz ngayon ay mabawasan.
Si Papa ay wala dito sa bahay dahil pumasok siya sa trabaho niya. Kaya kaming dalawa lang ni Liz ang tao dito.
Habang kumakain kami ni Liz ay sabay pa naming narinig ang pagtunog ng doorbell.
Tumayo ako, "Wait lang, Liz.. Titignan ko lang kung sino ang tao sa labas." Sabi ko sa kanya habang naglalakad papalabas.
Nang makarating ako sa may gate ay saka ko binuksan iyon, nakita ko ang dalawang lalaki na nakapamulsa habang seryosong nakatitig sa akin.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba kaya isasara ko na sana ang gate nang harangin nila iyon gamit ang kamay nila.
"Ikaw ba si Avygail Mira Dela Cruz?" Tanong ng isang lalaki sa akin.
Napalunok ako bago kinakabahang tumango.
May tinawagan ang isang lalaki sa cellphone niya. "Sir.. Nandito na po si Avygail." Sabi ng lalaki na may kausap sa cellphone.
Ilang sandali pa ay iniabot ng lalaki sa akin ang cellphone niya pero hindi ko iyon kinuha, "Kunin mo. Kausapin mo ang Papa mo. Hawak siya ngayon ni Boss." Sabi pa niya.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ng lalaki, idinikit ko iyon sa tainga ko at narinig ko kaagad mula sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki.
"Hello Avyvail." Sabi ng nasa kabilang linya, "Gusto kong ipaalam sa 'yo na nasa akin ang Papa mo ngayon. Kung ayaw mong may mangyaring masama sa Papa mo ay susundin mo lang ang sinasabi ko."
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."