"Wait?! What?! Nababaliw ka na ba, Avygail?!" Ani Liz at halos nanlalaki ang matang nakaharap sa akin.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Zach. Katunayan ay kanina pa kami narito ni Aivan.... And speaking of Aivan. Naroon siya ngayon sa hardin ng bahay nila Zach, magkakasama silang magto-tropa at umiinom ng alak.
Kanina, bago kami makarating dito sa bahay ni Zach ay paulit-ulit ko pang pinaalalahanan si Aivan na huwag masyadong maglasing. Mahirap na— kung uuwi siyang lasing mamaya, lalo na't ako ang kasama. Baka mamaya sa sobrang inis ko sa kanya ay iwanan ko pa siya dito.
Pinakilala na rin ako ni Aivan kanina sa mga kaibigan niya at sa mga girlfriend nito. Madali namang pakisamahan ang mga kaibigan ni Aivan, lahat naman sila ay mababait.
Kaming dalawa lang ni Liz ang narito sa loob ng bahay bukod sa mga katulong sa bahay nila Zach. 'Yung Mama at Papa naman ni Zach ay kaaalis lang noong nakaraang linggo patungo sa Japan dahil may summit na pupuntahan. 'Yung ibang mga babae na kasama ng mga kaibigan ni Zach at Aivan ay nasa hardin din at kayakap pa nila ang mga boyfriend nila.. Kung wala nga si Liz dito, bored na bored ako panigurado.
Marahan akong tumango at napahinga ng malalim.
Narinig ko ang mahinang mura ni Liz sa harapan ko, "Bakit mo siya sinagot?! Magkaka-anak na pala 'yang boyfriend mo?! Nababaliw ka na ba? Ginagawa mo talagang komplikado ang sitwasyon niyong dalawa." Ani Liz.
Ganyan naman ang kaibigan ko kapag naiinis, pero alam kong concern siya sa akin.
Kinwento ko kasi kay Liz ang tungkol sa nangyari kay Aivan... Kung bakit siya biglang napa-uwi rito sa Pilipinas, sinabi ko sa kanya ang lahat...
Napakibit-balikat ako, "H—Hindi ko alam Liz.... S—Siguro nga nababaliw na ako."
"Eh paano ngayon 'yan? Mag-jowa pala kayo ngayon ni Aivan, tapos 'yung boyfriend mo... May naanakan pala sa Amerika? Anong balak mo?"
Mariin akong napapikit nang marinig ko ang sinabi niya. Iyan din ang tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sagot. Sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa magiging anak ni Aivan. Nakakaramdam ako ng guilty.
"Napag-usapan niyo na ba ang tungkol sa bagay na 'yan?" Tanong ni Liz sa akin.
Umiling ako, "Ang sinabi niya lang sa akin, hindi siya sigurado kung sa kanya nga ang ipinagbubuntis ni Stacey." Sagot ko sa kanya at muling napabuntong-hininga bago muling nagsalita, "Pero inamin niya naman sa akin na may nangyari sa kanila."
"Gaga ka!" Napatayo si Liz mula sa kinauupuan, "May nangyari sa kanila, at tulad nga ng nai-kwento mo sa akin kanina... Si Aivan lang ang naging boyfriend ni Stacey! Eh di kay Aivan nga ang ipinagbubuntis ni Stacey.."
"P—Parang...." Marahan akong napayuko, "P—Parang hindi ko kaya na lumalaki 'yung bata na walang kinikilalang Ama."
"'Yun na nga eh." Tinapik ni Liz ang balikat ko, "Hindi ko akalain na may iba ka pa palang pinagdadaanan bukod sa nangyayari sa Nanay mo, Avy.. Ang hirap ng sitwasyon mo, pero sana kayanin mo.. Isipin mo kung ano ang tama: Kung ano 'yung mas nakakabuti."
Napalunok ako, "A—Ayokong iwan si Aivan."
"Alam ko, Avy. Nararamdaman ko 'yon. Ako bilang kaibigan mo, nandito lang ako para suportahan ka sa lahat ng desisyon mo."
"Salamat, Liz." Sabi ko, hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko.
"Alam na ba 'yan ng Daddy Blake at Tita Cassandra mo? Alam na ba nilang kayong dalawa na ni Aivan?"
Napatingin kami ni Liz sa may pintuan nang bumukas iyon. Si Merly pala, girlfriend ng isang kaibigan nila Aivan at Zach.
"Saan 'yung washroom dito?" Tila nahihiyang tanong niya sa amin.
Tinuro naman ni Liz ang kinaroroonan ng washroom at saka bumalik sa pwesto naming dalawa, "Ano? Alam na ba nila?"
Umiling ako, "Natatakot ako sa magiging reaksyon nila... Ang tingin nila sa aming dalawa ni Aivan ay magkapatid na."
"Ang alam ng iba, magkapatid talaga kayong dalawa ni Aivan... Hindi nila alam na hindi ka naman talaga tunay na anak nng Daddy at Tita mo." She said, "Basta ako.... Lagi akong nandito para sa'yo, kahit makaka-graduate na tayo sa college next week. Nandito pa rin ako, pwede mo akong puntahan, pwede kang magkwento. Makikinig ako."
Totoo ang sinabi ni Liz. Alam ng marami na magkapati kami ni Aivan. Bata pa lang kami ni Aivan, kapag may nagaganap na party sa bahay o kaya naman ay sa company ni Daddy ay lagi kaming ipinapakilala ng sabay ni Aivan. Kulang na nga lang ay mapalitan ng Gonzales ang apelyido ko.
Nagpahid ako ng luha ko at niyakap ang kaibigan ko, "Maraming salamat, Liz.. Nandito din ako para sa'yo."
Nanuod na lang kami ni Liz ng movie dito sa kwarto ni Zach. Tinatamad pa kasi kaming lumabas. Can't Help Falling In Love ang napili naming pelikula na isalang sa DVD, paborito ko ang palabas na iyon, at isa pa ay dati na ring nanligaw sa akin ang bida ng movie na iyon. Si Daniel Padilla, 'yun nga lang... Naudlot dahil umeksena bigla si Aivan.
Masaya na nga ako para kay Daniel dahil mayroon na rin siyang sariling love life, 'yun ay si Kathryn Bernardo. Napanuod ko ang ilang interview nil sa television at nakaramdam ako ng kilig para sa kanilang dalawa.
Habang nanunuod ng palabas ay nag-vibrate ang phone ko.
1 message received from Aivan:
Sweetheart? Binigyan ako ni Zach ng isang stick ng marlboro black, pwede ba akong mag-yosi?Napangiti ako, hindi ko alam pero parang may lumilipad na paru-paro sa tiyan ko. Nagpapaalam lang naman siya na magsisigarilyo siya ay ganitong kinikilig na kaagad ako?
I replied, Isa lang.
1 message received from Aivan:
Miss you. :*Mas lalo akong napangiti.
Miss agad? Eh nasa labas lang naman siya.
Hindi ko namalayan na nakikibasa na pala sa aming conversation si Liz, "Wow! Kinikilig ang Reyna!"
Hindi na pinansin ang pang-asar ni Liz at nagtipa na lang sa cellphone ko. Hindi ko pa naman naise-send ang itinatype ko ay muli akong nakatanggap ng mensahe. Ang akala ko nga ay kay Aivan ulit pero nagkamali ako.
1 message from Papa:
Honey, please come here. Your Mama is dying, She needs you here.Mabilis na nag-alpasan ang luha ko nang mabasa ko ang mensahe na iyon. Nahihirapan na rin akong makahinga at unti-unti na ring nanlalabo ang paningin ko, ang huli ko na lang na naaalala ay inaalo na ako ni Liz habang tinatawag si Aivan.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."