Kung minamalas ka nga naman. Kanina lang ay napalabas pa ako ng Professor namin, dahil sa bwisit na Aivan na iyon. Sa next class na lang tuloy ako nakapasok.Kaninang next class ko ay pinatay ko na ang cellphone ni Aivan dahil baka biglang mag-ring na naman ang may sapi niyang cellphone, ayoko pa naman sa lahat na mapapagalitan ng teacher ko.
Malapit na rin palang matapos ang klase ko. Sabi sa akin ni Aivan kanina; alas dos pa lamang daw ay nasa labas na siya ng classroom ko. Gusto daw niya kasi na mapanuod ko kung paano siya makakapasa sa try-out niya mamaya bilang varsity ng basketball.
"Class dismiss." Sabi ng aming Professor.
Muntik pa akong mapahiyaw nang marinig ko ang salitang iyon. Napa-aga pala talaga ang class dismissal namin ngayong araw. Wala pa ngang alas dos, eh.
"Saan ang punta mo, Avy? Bakit parang nagmamadali ka?" Ani Liz sa akin nang lapitan niya ako.
"Uuwi na. Baka kasi abutan pa ako ni Aivan dito." Sagot ko naman sa kanya. "Oh sige na, uuwi na ako. Bukas na lang ulit." Sabi ko pa.
Paglabas ko ng classroom namin ay napahinga ako ng maluwag. Buti na lang at wala si Aivan sa labas ng classroom ko.
Bahala siya sa buhay niya kung hindi niya ako makita sa klase ko. Ayoko naman talagang sumama sa kanya dahil pagtitripan na naman niya ako.
Mabilis akong naglalakad pababa sa building at kasalukuyan akong nasa hagdanan nang makita ko si Aivan na naglalakad paakyat habang tutok ang mata sa hawak niyang cellphone ko.
Namilog ang mata ko at napahinga ng malalim. Nakita ko kasi siyang inis na inis na pinipindot ang cellphone, siguro ay may tinatawagan siya pero hindi naman siya sinasagot.
Yumuko ako para hindi niya ako mahalata, pero mukhang araw yata ng kamalasan ko ngayon dahil naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko na tila pinipigilan ako sa paglalakad ko.
Lumingon ako sa kanya na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin ang mukha, "Bakit hindi mo sinasagot ang mga calls ko?"
Napa-irap ako, "Hoy Aivan! Hindi mo ba alam kung ano ang nangyari sa akin kanina sa klase ko ha?! Pinalabas lang naman ako ng Professor namin dahil sa'yo!" Singhal ko sa kanya.
Ngumisi naman siya kasabay ng pagkamot sa ulo niya, "Ah, iyon ba?" Sabi niya na may ngiting nakakapag-pang-asar sa akin, "Kalimutan mo na lang iyon. Tara na, baka mahuli pa ako sa try out ko." Aniya pa.
"Bakit ba kailangan ay kasama pa ako? May gagawin din kasi ako sa dorm ko, Aivan. Maglalaba ako ng mga damit ko ngayon, kaya pwede ba? Tigilan mo na muna ako." Sabi ko pa sabay bitiw sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Natigilan naman siya. Mabuti at hindi na rin naman siya napumilit na hawakan ako sa braso ko.
Pansin ko ang paghinga niya ng malalim sabay talikod sa akin, "Sige, umuwi ka na lang."
Hindi na niya ako pinansin pa, naglakad na siya papunta sa gymnasium ng paaralan kung saan gaganapin ang try out para sa mga varsities.
Napapabuntong hininga na lamang ako habang nakatitig sa papalayong si Aivan. Pansin ko kasi na para siyang nawawalan ng gana sa ikinilos niya, bagsak ang balikat niya habang patungo sa gym.
Sa puntong iyon ay muli ko din siyang tinawag, "Aivan!" Sigaw ko pero hindi naman niya ako nilingon kahit alam ko naman na narinig niya ang pagtawag ko sa pangalan niya.
Lakad takbo ako para makalapit sa kanya, "Aivan Marcus!" Tawag ko pa.
Tumugil naman siya sa paglalakad at nilingon ako na may ngisi sa labi, nilapitan niya ako at saka pinunasan ang mga pawis sa noo ko. "Sabi ko na nga ba, at hindi mo matitiis ang kagwapuhan ko eh, noh?" Aniya na tila may pagmamayabang.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."