Ilang araw pa ang sumunod na lumipas ay medyo naging maayos naman ang lagay ni Mama sa hospital, 'Yun nga lang ay hindi pa rin siya gumigising.Sabi naman ng doktor sa amin ni Papa ay may posibilidad na maaari magising si Mama pero kahit na magising ay hindi pa rin kayang malunasan ang sakit niya. Katunayan ay binigyan na nga si Mama ng anim na buwan na taning.
Ngayon pa lang, hindi ko na maisip na bakit pa kailangang mangyari sa akin ito. Hindi ko naman pinangarapna mangyari iyon kay Mama. Kahit na hindi pa kami nagkikita simula noon, kahit na ngayon lang kami nagkitang dalawa- Hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa Mama ko.
Naaawa na nga ako kay Papa. Minsan ay nakikita ko na siyang nakatulala sa kawalan, alam ko naman ang kalagayan niya na katulad ko ay hirap na hirap na rin sa sitwasyon pero bilib ako sa Papa ko dahil pinipilit niyang maging matatag. Kahit na mahirap.
"Wala na yata akong kausap." Si Jao pala na nasa harapan ko, hindi ko man lang napansin, "Hindi mo naman ako pinapakinggan."
Natawa ako at mahina ko siyang hinampas sa kanyang braso.
"Ano nga ba ulit ang sinasabi mo?"
"Sabi ko... Kung pwede bang ipakilala ko sa'yo 'yung nililigawan ko? Gusto lang kitang ipakilala sa kanya."
Tumango ako at nag-thumbs up sa kanya, "Oo naman. Ano bang pangalan ng nililigawan mong 'yan ha?"
"Hindi mo siya kilala, nasa tourism department kasi siya." Sabi at pagkatapos ay saglit na uminom ng juice, "Pero... Mabait naman 'yon."
"Kailan ba 'yan?"
"Sasabihan na lang kita, Avy... Medyo busy kasi siya ngayon." Sabi naman niya.
Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Jao ngayon, sabay kaming kumakain. Sabi niya ay mayroon daw siyang nililigawan at masaya naman ako para sa kanya. Mabuti nga iyon para mabaling naman sa iba ang atensyon niya.
Bumalik na kami sa aming klase bago pa mag-ring ang bell. Dalawang subject na lang at matatapos na ang klase ko para sa araw na ito.
Habang nagtuturo ang Professor namin ay nag-vibrate naman ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ni Aivan. Binigay ko kasi sa kanya kahapon ang cellphone number ko dahil panay ang pangungulit niya sa akin.
From: Aivan
Tapos na ba ang klase n'yo?Nag-tipa naman ako sa cellphone ko.
Hindi pa.
Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bulsa ko nang muling mag-vibrate, ang bilis mag-reply ni Aivan.
From: Aivan
Okay, nandito ako sa labas ng school n'yo. Sa tabi ng gate. Hintayin kita! :)Hindi na ako nag-reply pa sa kanya. Malapit na rin naman kasing matapos ang klase ko, at isa pa ay araw-araw rin naman akong hinihintay ni Aivan sa labas ng school ko. Mas nauuna kasing matapos ang klase niya kaya pagtapos ng klase niya ay dumidiretso siya kaagad sa labas ng school ko para antayin ako.
Hindi ko pa naman siya lubusang napapatawad, pero araw-araw niyang ipinaparamdam at sinasabi sa akin kung gaano siya humihingi ng sorry para sa akin.
Kapag hinahatid naman niya ako ay hindi ko na siya pinapapasok sa kwarto ni Mama. Pero nagpakilala na siya sa Papa ko, ang lakas nga ng loob niya, eh. Siya pa talaga ang nagpakilala kay Papa para sa sarili niya, close na tuloy silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."