Nanghihina akong napaupo sa kama ko. Para bang nawalan na ng lakas ang buhay ko dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang sakit nang malaman kong planado lang pala niya ang lahat.
Kaya pala....
Kaya pala noon pa, napapansin ko na. Kaya pala noon pa ay pinagbawalan na niya akong mag-boyfriend o magpaligaw dahil gusto niya ay sa kanya ako mahulog, 'yun ba iyon? Iyon ba ang gusto niyang mangyari? Ang masaktan ako ng sobra na higit pa siguro sa inaakala niya?
Masakit, oo. Sobrang sakit. Hindi ko nga maipaliwanag, eh. Noong malaman ko nga lang na ibang klase ang trabaho ni Aivan ay sobra na akong nasaktan, noong nalaman ko rin na nagkabalikan na pala si Cheska at si Aivan nasaktan na ako, paano pa kaya itong nalaman ko?
Ibig ba niyang sabihin? Lahat ng ikinikilos niya, lahat ng kabaitan niya sa akin ay pawang mga pakitang-tao lang?
Napa-aray ako nang may tumamang papel sa mukha ko, nang makita ko ang mga iyon sa lapag ay nakita kong mga lilibuhing pera iyon na inihagis ni Aivan sa mukha ko, "Hayan ang bayad ko sa'yo! Tangina, ang yabang mo! Wala ka rin namang binatbat sa akin, eh!"
Mabilis kong pinunasan ang luha ko para pang hindi niya makita na lumuluha na talaga ako, pero sa pagkakataong ito.. Alam na naman niya siguro na umiiyak na ako. Hindi ko na maitatago pa ang sarili ko sa emosyong nararamdaman ko.
Pinanood ko lang siya habang inilalagay niya sa maleta niya ang mga gamit niya. Si Cheska naman, alam kong alam na niya kung ano ang nangyayari sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lang at hindi na siya nakisali pa dahil kung mangyayari iyon ay baka mas lalo pa akong mawalan ng lakas.
Muli kong pinunasan ang luha ko nang matapos si Aivan sa pag-e-empake kaya naman humarap na siya sa akin at muling nagsalita, "Aalis na ako. Magsasama kami ni Cheska, gagawa kami ng pamilya. Bubuntisin ko siya, at kapag nangyari 'yon..... Sana mas masaktan ka pa."
Iyon ang salitang binitawan niya bago siya lumabas ng kwarto. Ilang minuto akong natulala sa kawalan. Sa isang iglap, ganoong kabilis ang nangyari. Parang bombang bigla na lang sumabog ang pangyayaring kahit na kailan ay hindi naman pumasok sa isipan ko.
Unang beses akong nagmahal, natalo pa ako. Nasaktan pa ako, naging bigo pa ako. Sa pagkakataong ito, ano pa kayang lakas ang ihaharap ko para sa panibagong yugto ng buhay ko?
Idinaan ko na lang muna sa tulog ang sakit na nararamdaman ko. Iyak kasi ako ng iyak simula nang umalis si Aivan kasama si Cheska.
Nang magising ako bandang alas-kwatro ng hapon. Pinag-isipan ko pa talaga kung itutuloy ko ba talaga ang gagawin ko. Ewan ko ba, natutuliro ako.. Parang umaatras ang sarili ko na gawin iyon pero gusto naman ng isip ko.
Kaya nagpasya ako na pumunta sa bahay nila Daddy. Alam kong magagalit sa akin sila Daddy sa gagawin ko, pero heto lang ang paraan para mapalagay sa maayos na buhay si Aivan.
Alam kong kaya nagagawa ni Aivan ang mga bagay na iyon dahil kapos siya sa pera, marami siyang bayaring mga utang at marami rin siyang naiisip. Kaya heto, bumabyahe ako patungo sa bahay nila Daddy.
Ito na ang oras para ipaalam kina Daddy at Tita Cassandra ang lahat, sasabihin ko sa kanila na matagal nang nandito si Aivan.. Sasabihin ko sa kanila ang lahat ng nangyari, wala akong ititira na kahit na ako.. Sasabihin ko rin, ultimo ang nararamdaman ko para kay Aivan.
Siguradong magagalit sa akin sila Daddy kung bakit ngayon ko lang sinabi sa kanila ang lahat pero wala akong magagawa, Ito ang dapat kong gawin. Para sa ikakasaayos ng buhay ni Aivan.
Pagbaba ko ng taxi ay nag-doorbell kaagad ako. Pinagbuksan ako ng isa sa mga katulong, "Ma'am, Avygail. Ikaw po pala iyan, kamusta po kayo?"
Pagak akong ngumiti, "Okay naman po ako, Tita Lilibeth."
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko pa si Daddy na nanunuod ng replay ng NBA sa sala, "Daddy."
Paglingon sa akin ni Daddy Blake ay napatayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko, "Tagal mong di pumunta dito, anong balita sa'yo? Ang pag-aaral mo?"
"Mabuti naman po, Daddy." Sagot ko nang mayakap ko siya, "Nandito rin po ba si Tita Cassandra?" Tanong ko sa kanya kaya tumango siya.
"Baby? Si Avygail ay nandito." Malakas na sabi ni Daddy Blake dahilan kaya lumabas mula sa kusina si Tita Cassandra, yumakap rin ako sa kanya.
"Tita.. Pasensya na po kung ngayon lang po ako nakadalaw."
"Wala namang problema sa akin iyon, Avy. Ang mahalaga, mag-aral ka. Kaya nga ikinuha ka namin ng dorm na malapit sa school mo ay para hindi ka na mahirapn sa pagbyahe. Naiintindihan ka naman namin kung bakit paminsan-minsan ka nalang nakakabisita rito." Sabi sa akin ni Tita Cassandra.
Inaya nila ako na sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Hindi naman ako nakatanggi dahil miss na miss ko na rin ang senaryong ito. Habang kumakain kami ay mabilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kabilis.
"Daddy... Tita....." Tawag ko sa kanilang dalawa nnag matapos kaming kumain, tumingin naman sila sa akin, "M-May sasabihin po ako sa inyo."
Mariin akong napapikit at napakagat pa ng mariin sa labi ko bago muling magsalita, "T-Tungkol po kay Aivan.... Alam ko na po na matagal na siyang narito sa Pilipinas.."
Nahinto ako sa pagsasalita nang makita kong napailing si Daddy na pansin ko pa ang pagkadismaya, inaasahan ko na rin naman ito. "P-Pasensya na po kung ngayon ko lang po nasabi.. S-Sinabihan po kasi niya ako na huwag na huwag raw akong magtatangka na sabihin sa inyo kung nasaan siya. P-Pinagbantaan niya po ako kaya hindi ko na magawang sabihin sa inyo ang totoo."
Tumango naman si Tita Cassandra pero wala naman siyang sinasabi na kahit na ano. Nakikinig lamang siya sa mga sinasabi ko kaya muli kong pinagpatuloy, "N-Nanirahan po siya ng ilang linggo sa apartment na inuupahan niya pero hindi rin po siya nagtagal doon dahil nauubusan na raw po siya ng pera kaya nagpasya na po ako na sa dorm ko na lang po muna siya tumira kahit na pansamantala lang muna..."
Nakita ko ang paghimas sa noo ni Daddy na mukhang sumasakit na naamn ang ulo, "P-Pasensya na po... Hindi ko po alam.." Hindi ko na maiwasan ang pag-iyak, "Noong una naman po ay nag-aaral pa siya, pero nitong mga huling linggo.. Napansin kong nag-iba na po siya, p-parang may nagbago na po."
"Anong ibig mong sabihin, anak?" Tanong ni Tita Cassandra.
"S-Simula po nang magkatrabaho siya.. Napansin ko na po ang pagbabago niya, akal ko po ay service crew po siya sa isang fast food chain dahil iyon po ang sinabi niya sa akin pero nagsinungaling po pala siya... Dahil... Dahil ang trabaho po pala niya ay pagbebenta po ng katawan."
"Diyos ko!" Napatayo si Tita Cassandra sa narinig, Si Tito Blake naman ay tahimik lang ngunit alam kong nagngingitngit na sa galit, "Ano bang nagyayari sa anak natin? Hindi ko naman siya pinalaking ganon!"
Mariin akong nappikit at saka pinunasan ang dumadaloy na luha sa pisngi ko, "K-Kanina lang po siya lumayas sa dorm ko dahil nagkaroon po kami ng hindi pagkakaintindihan.. Sinabihan ko lang naman po siya na masama po ang ginagawa niyang trabaho, kahit na kumikita pa siya ng perang malaki.. Kahit na anong sabihin niyang rason mali pa rin ang magbenta ng katawan... 'Yun lang naman po ang sinabi ko sa kanya pero nagalit na po siya, k-kaya po lumayas na siya sa dorm ko kasama ng girlfriend niya na si Cheska."
Tumayo naman si Daddy Blake at saka naman sinalinan ng tubig ang baso ko. "Uminom ka na muna ng tubig, Avy." Mahinahon ang boses niya, alam kong hindi na siya galit sa akin, "Naiintindihan kita kung bakit ngayon mo lang nasabi sa amin ang lahat.. Kilala namin ang ugali ni Aivan, masayadong maotoridad. Gusto niya, lahat ng gusto niya, dapat na masunod. Iba ang ugali niya, ang akala ko noon ay sa akin pa nagmana ang isang iyon dahil sa tindi ng ugali pero sobra pa pala sa inaakala ko ang naging ugali niya niya. Kaya nga nagdesisyon kami ni Cassandra na ipadala sa Amerika si Aivan noong bata pa siya at doon na manirahan para magtino."
Itinuloy ni Daddy ang pagsasalita, "Pero nang malamn namin na may kalokohan rin pala si Aivan sa Amerika, mas lalo lang akong nadismaya. Kung anu-anong mga kalokohan pala ang pinaggagawa niya. At mayroon pang isang malala."
Napalunok ako, bago muli uminom ng tubig. "Ano po iyon?"
"Ang dahilan kung bakit naglayas si Aivan sa bahay ng Lola niya sa Amerika ay dahil nakabuntis si Aivan ng isang Pinay sa Amerika, at ayaw niyang akuin ang bata."
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Roman d'amour"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."