🔆🔆🔆🔆🔆🔆
"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!"
Napasimangot ako nang makita kong naghubad si Aivan nang suot niyang polo at sando, pagkatapos ay nahiga na sa kama ko.
"Hindi ka sa kama ko mahihiga!" Ang naiinis na sabi ko sa kanya, kinuha ko ang unan na yakap niya at saka iyon inihampas sa kanya, "Umalis ka diyan! Saan ako mahihiga ngayon ha?!"
Nakakainis! Dapat pala ay hindi na ako pumayag na dito siya matulog sa dorm ko.
"Hmmm." Nagkunwari pang natutulog si Aivan kaya mas lalo talaga akong nainis.
Hinila-hila ko pa ang braso niya, "Tayo na kasi! Ano ka ba?!" Sabi ko pa.
"Ano sabi mo?" Aniya at ngumisi.
"Tayo na! Diyan ako!" Sabi ko habang sumisiksik ng higa sa tabi niya. Sinisiksik ko siya para mahulog siya sa isang gilid, pero si Aivan ay panay halakhak sa tabi ko na mas lalo ko naman talagang ikinainis.
"Hindi pa nga kita sinasagot tapos tayo na?" Sabi n'ya at pagkatapos ay tuluyan nang tumayo. Mabuti naman!
"Baliw!" Hinagis ko sa kanya ang unan, "Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko: Tumayo ka! Assuming ka rin no?"
Tumawa naman siya, at hindi ko na naman pinansin pa ang nakakainis na paghalakhak niyang iyon, sa halip ay binuksan ko na lamang ang television.
"Maliligo muna ako." Napalingon ako sa gawi niya na siyang ikinagulat ko ng todo.
Agad akong napatakip ng mukha sa nakita ko, "Oo na! Maligo ka na!" Sabi ko habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.
Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya mas lalo akong naasar. Paano ba naman kasing hindi ako magtatakip ng mukha. Naka-display kasi ang katawan niya sa akin, wala siyang suot maliban sa boxer brief niya.
Hindi ko na siya inintidi pa. Ipinokus ko na lang ang paningin ko sa television, maganda kasi ang palabas sa star movies.
Nasa kalagitnaan ako ng panunuod nang may marinig ako na parang may umuungol. Medyo hininaan ko pa nga ang tunog ng t.v para lang masigurado ko na may naririnig talaga ako.
Napakunot ng bahagya ang noo ko nang mapansin kong mula sa banyo ang naririnig kong ungol.
"Uhmm.."
What the hell?
Mabilis kong tinumbok ang pinagmumulan ng ingay at napamura na lang ako nang makita ko kung ano ang ginagawa ni Aivan sa loob ng banyo. Hindi kasi niya ini-lock ang pintuan!
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."