"Bakit ba kasi wala kang imik? Napapa-isip tuloy ako kung may problema ka diyan!" Ani Lizette habang kumakain ng burger.
Nasa canteen kami ngayon, recess time kaya dito kami dumiretso. Araw ng lunes ngayon. Ewan ko ba kung bakit lunes na lunes ay tinatabangan ako.
"Ano pa lang sabi ni Tito Blake at Tita Cassandra?"
Napahinga naman ako ng malalim, "Eh di hayun.. Hindi pa rin nila alam kung nasaan si Aivan, gusto ko man sabihin sa kanila na nandito na si Aivan pero hindi ko magawa."
"Ewan ko nga ba diyan kay Aivan kung anong problema niyan at kung bakit ayaw ipaalam sa magulang niya na narito na siya sa Pilipinas." Ani Lizette sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya nang maramdaman niyang nag-vibrate iyon sa hulsa niya, Pag-open niya ng cellphone niya ay pangalan na naman ni Aivan ang nabasa niya sa screen ng cellphone niya.
1 message from Aivan: Nasaan ka? I have news. :)
Hindi na siya nag-reply. Wala naman kasi siyang load kaya paano niya mare-repkyan si Aivan? Bahala siya sa buhay niya, siguro kalokohan na naman iyang news-news na sasabihin niya sa akin.
"Oo nga pala, nasaan si Aivan? Himala yata na hindi ka pinepeste ng isang iyon." Sabi pa ni Liz sa akin.
Napatawa naman ako, "Nasa klase pa siguro iyon."
"Kilala mo ba 'yung transferee?" Tanong pa ni Liz sa akin.
Umiling ako, "Sinong transferee?"
"Ewan ko, kaya nga tinatanong ko sa'yo kung kilala mo." Natatawang sabi ni Liz.
I shook my head, "Hindi ko kilala iyon. Alam mo naman na ilan lang ang kilala ko sa school na ito." Sabi ko pa sa kanya.
"Sa bagay naman.. Pero, infairness! Ang ganda ng transferee na iyon! Parang artista lang talaga." Sabi pa ni Liz sa akin.
Kibit-bakikat ako at magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang lalaking umakbay sa akin ay nakilala ko na kaagad, "Aivan.. Pwede ba? Huwag ka ngang dumikit sa akin! Hindi ko type ang pabangong gamit mo! Sakit sa ilong!"
Ngumisi naman si Aivan at saka naman pinisil ang ilong ko.
"May ilong ka pala?"
Agad ko siyang binatukan dahil sa inis ko, "Bwisit ka! Umalis ka nga! Ano ba?!"
"Bwisit ka! Umalis ka na nga! Ano ba?!" Mas lalo akong nainis nang pilitin niyang gayahin ang boses ko.
"Papansin ka!" Inis na sabi ko pa sa kanya.
"Papansin ka!" Gaya pa niya.
Napahinga naman ako ng malalim marahil ay sa dala ng inis. Kahit kailan talaga itong Aivan na ito, pagdating sa asaran panalong-panalo na siya!
Napataas ang kilay ko nang may naisip ako, tumikhim pa ako at pasimpleng napangiti bago magsalita.
"Supot ako."
"Supot ak—" Napatawa ako nang hindi naituloy ni Aivan ang sasabihin sana niya, sa halip ay kunot noo niya lang akong tinignan, "Anong sabi ko? Supot? Ako?" Tanong niya habang ang hintuturo niya ay nakaturo sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."