Kabanata 32

80.2K 1.9K 270
                                    


Hindi ko alam kung kailan matatapos itong problemang nararanasan ko. Sunod-sunod at tila walang pumipigil.

"Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Aivan.. Alam kong makikinig siya sa'yo." Sabi pa ni Daddy sa akin.

Marahan akong tumango at pinipigilan ang pagluha, "Opo, Daddy."

Nang maka-alis sila Daddy at Tita Cassandra ay sakto naman ang paglapit ni Aivan sa pwesto ko, hinawakan niya ang kamay ko at dinala pa niya iyon sa labi niya.

"Hmm... Saan mo gustong kumain?" Malambing na tanong niya sa akin.

Napalunok naman ako bago magsalita, "M-Magpapaalam lang ako kay Papa."

Sinamahan niya ako sa kinroroonan nila Papa kasama ng ibang mga pamilya niya, nagpaalam ako sa kanya na pupunta na muna ako sa bahay nila Daddy Blake. Hahanap na lang ako ng iba pang pagkakataon para makausap si Papa kung anak ba talaga niya ako.

Nasa sasakyan na kami ni Aivan nang mapansin niya tahimik pa rin ako. "Okay ka lang ba talaga? Anong napag-usapan niyo ni Papa kanina?"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin ko sa kanya, para kasing ayaw nang bumuka ng bibig ko dahil sa sari-sari kong nararamdaman. Una ay namatay na si Mama, iniwanan na niya ako. Hindi pa nga ako natatapos sa ay may darating na naman ng panibagong pagsubok. Ngayon, nalaman ko naman na kapatid ko pala si Aivan sa Ama.

"Kanina pa kita kinakausap? Masama ba ang pakiramdam mo?" Malambing na tanong sa akin ni Aivan habang nagmamaneho ng sasakyan.

Umiling naman ako, "Umuwi na muna tayo sa bahay. Doon na lang tayo mag-usap." Sabi ko sa kanya.

"Bakit sa bahay pa? Akala ko ba kakain na muna tayo?" Maang na tanong niya pa.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako makapagsalita, sina Daddy Blake at Tita Cassandra ay nasa kani-kanilang mga kwarto. Samantalang kami ni Aivan ay narito pa sa may kusina at nanlalambing pa sa akin.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung ano ang problema mo.. Baka sakaling matulungan kita." Sabi pa niya sa akin habang kumakain.

Nasa harapan kami ng hapagkainan pero sa nararamdaman ko ngayon ay hindi ako nakakaramdaman ng kahit na anong gutom. Kaya kahit na nawawalan ng gana ay pumilit pa rin ako ng makakain ng kaunti.

Ilang minuto pa ay bumaba na rin sila Daddy, "Papa! Umuwi na muna kami ni Avy dito sa bahay." Ani Aivan kay Daddy.

Lumingon naman sa akin si Daddy, "Nasabi mo na ba sa Kuya mo?"

Napalunok ako, magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Aivan. Hindi ko inaasahan na darating sa pagkakataon na may ganito pala. Matagal ko nang alam na ampon ako ng pamilya nila at inaasahan ko na wala naman akong anomang koneksyon sa kanila. Pero ngayon? Nag-iba na ang ihip ng hangin.

Kapatid ko ma si Aivan sa Ama. Kuya dahil kapatid ko siya at mas matanda siya sa akin ng halos na isang buwan.

"Kuya? Sinong Kuya? May kapatid ba si Avy?" Nakakunot-noong tanong niya kay Daddy.

Nakita kong bumaba mula sa 2nd floor ng bahay si Allen, ang bunsong kapatid ni Aivan. Na ngayon ay kapatid ko na rin. May inabot siyang isang envelope kay Daddy.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon