Kabanata 15

100K 2.5K 114
                                    

"Bakit ba hindi ka makatingin sa akin?"

Hindi pa man natutuyo ang buhok ko ay nahiga na kaagad ako sa kama ko. Si Aivan kasi, simula nang matapos akong maligo ay hindi na tumigil sa pang-aasar sa akin.

Hindi na nga ako natutuwa sa mga sinasabi niya, pero hinahayaan ko na lang dahil alam ko naman na kapag sinabihan ko siya na tumigil ay hindi naman siya susunod sa akin.

"Hayyyy... Sarap pala talaga sa feeling na matulog tapos solved na solved noh?" Ani Aivan at kasunod non ay naramdaman ko siyang tumabi ng pagkakahiga sa akin, "Ang heaven!"

Nandito pa rin ako sa inuupahang bahay ni Aivan, ayaw naman niya akong paalisin dahil gusto niya na dito ako matulog sa inuupahan niya. Ewan ko ba sa kanya kung anong problema niya kung bakit ayaw niyang umalis ako sa bahay niya, or in some point — ayaw niya na akong paalisin sa tabi niya.

"May nakita ako.... May nakita ako.... May nakita ako...." Rinig kong pang-asar sa akin ni Aivan. Ikinakanta-kanta pa n'ya ang tono ng pananalita niya na mas lalo ko namang ikinainis.

"Ano ba?!" Siniko ko siya, "Tumigil ka na nga! Hindi na ako natutuwa sa'yo!" Galit na sabi ko sa kanya sabay baling ng tingin sa kanya.

Ngumisi naman siya at pagkatapos ay kinindatan ako na mas ikinainis ko pa ng sobra sa kanya, "May nakita naman talaga ako ah? Gusto mo bang idetalye ko pa sa'yo?" Aniya pa.

Itinaas ko ang kilay ko, "Ang bastos mo noh? Kailan ba titigil 'yang kamanyakan mo?"

Naramdaman ko pa ang mas pagtabi niya sa akin kaya hinampas ko na siya na mas lalo niya namang ikinatawa.

"Hindi naman ako manyak ah? Sinasabi ko lang ang totoo... May nakita ako.." Aniya sabay turo sa pader ng bahay niya, "'Yun oh! 'Yung butiki! Kumakaway saken."

Napahinga naman ako ng malalim at kasabay non ay ang pagpikit ng dalawang mata ko. Wala na akong oras pa para patulan ang mga susunod pang mga kalokohan ni Aivan.

"Matutulog ka na?" Tanong ni Aivan pero hindi ko siya pinansin. Nanatili lang na nakapikit ang dalawang mata ko. "Good night, Avy!!" Sigaw niya kaya mabilis kong minulat ang mata ko at hinampas siya ng unan na nakatapong lang sa tabi ko.

"Hayyy...." Buntong hininga niya pero hindi na naman nasundan pa ng kung anong kalokohan niya.

Kinabukasan, naalimpungatan ako nang matamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Nakabukas pala ang bintana at sumakto sa mukha ko ang nakakasilaw na araw.

Tinignan ko rin ang paligid, wala si Aivan. Pero may naamoy akong tila may nagluluto sa kusina kaya nang tumayo ako at naglakad patungo sa kinaroroonan ng kusina ay nakita ko si Aivan na pasayaw-sayaw sa harap ng kawali habang nagluluto siya.

Nang mapansin ako ni Aivan ay mas lalong sumilay ang ngiti niya, "Good morning, Avy! Wait ka lang diyan ah? Nagpa-prito pa ako ng hotdog at itlog na alam kong paboritong-paborito mo naman." Sabi niya sabay kindat sa akin ng nakakaloko.

Napa-iling na lamang ako, "Baliw na talaga." Bulong ko pero mas mukhang malakas ang pandinig niya kaysa sa akin kaya nag-react agad siya sa sinabi ko.

"Hindi ah!"

Sabay kaming kumain ng almusal. Habang kumakain nga kami ay napakarami niyang kwento, hindi nga siya nauubusan eh.

Sobrang daldal pala talaga ni Aivan?

"Ano? Payag ka na?" Tanong ni Aivan pagkatapos uminom ng tubig.

Napakunot naman ang noo ko, hindi ko kasi maintindihan kung ano ba ang tinutukoy niya. Parang lumulutang kasi ang isip ko dahil kung anu-ano ang naiisip ko.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon