Kabanata 46

74.1K 1.5K 286
                                    

"Didiinan ko pa ba, sweetheart?"

Napalunok ako bago dahan-dahang tumango. Napahiyaw pa ako sa sakit na nararamdaman ko dahil mas lalo pang diniinan ni Aivan.

Napahinga naman ako ng malalim matapos ang ilang minuto.

"Ayan na, Aivan.... Medyo nasasarapan na ako."

Marahan naman niyang hinalikan ang labi ko at pagkatapos ay itinuloy na muli niya ang kanyang ginagawa.

"Diinan ko pa lalo?"

Napakagat ako sa labi ko sabay tango kay Aivan na ngayon ay pinapawisan na.

"Aray!" Sigaw ko sabay hampas ko sa kamay niya, "Masyadong madiin! Balak mo ba akong patayin? 'Wag mo na nga akong hilutin! Tinatamad na ako!" Inis na sabi ko pa kay Aivan.

Hinihilot kasi ni Aivan ang binti ko. Medyo sumakit kasi pero kayang-kaya ko naman. Katunayan ay kanina pa nga niya ako hinihilot. Mabuti nga at medyo nawala na ang kirot.

"Eh sabi mo kasi diinan ko.. Madiin naman iyon ah?" Nakakunot noong sabi ni Aivan sa akin habang nakayapos sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko at kanina pa niya ako nilalambing. Sus, kaya lang naman sumobra ang lambing niya sa akin ngayon ay nagpaalam siya sa akin kanina na iinom siya ng alak mamaya sa party.

Hindi ko naman siya pinayagan dahil baka mahirapan na naman ako sa kanya.

Makulit pa naman si Aivan sa tuwing nalalasing.

Isa pa ay wala rin si Zach, hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari sa lalaking iyon. Simula kasi nang masaktan niya si Liz ay hindi na siya nagpakita sa amin.

"Huwag mo nga akong daanin sa lambing na iyan, Aivan... Alam ko na 'yang galawan na iyan. Kilala na kita!" Naaasar na sabi ko sa kanya.

Pagak naman siyang napatawa, "Hindi naman ako nagpupumilit na uminom ng alak mamaya. Pwede naman akong uminom dito sa bahay kung gusto ko, atleast hindi kita mapeperwisyo. Gusto lang naman kitang lambingin pati na si Baby natin."

Nagpapalipas lang naman kami ng oras ni Aivan dahil mayamaya lang ay pupunta na kaming dalawa sa party na gaganapin sa isang hotel.

"Hindi ba nagte-text at nangungulit si Stacey sa 'yo?" Tanong ko kay Aivan.

Umiling naman siya. "Hindi nga eh, mabuti na rin iyon para mabawasan naman ang pagkabagot ko sa kanya."

Nanuod na lang kami ng movie. Gusto nga ni Aivan na manuod ng action na movie pero ayoko naman. Hindi ko kasi type ang mga ganoong klase ng movie.

Kaya naman ipinagpilitan kong manuod kami ng Annabelle 2. Favorite ko kasi ang mga horror movies, at si Aivan naman ay kanina pa sumisimple ng yakap sa akin.

Hanggang sa matapos ang movie ay nakayakap siya sa akin na tila ba ayaw na niya akong mawala pa sa buhay niya.

"Magbihis ka na, malapit na ang party." Sabi ko sa kanya.

Humikab naman siya, "H'wag na lang kaya tayong pumunta sweetheart? Medyo inaantok kasi ako."

Napa-irap naman ako. Kinurot ko ang malambot na pisngi niya, "Magbihis ka na at kailangan ka doon sa Party!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya.

Tatawa-tawa lang naman siya habang pisil-pisil ko ang pisngi niya.

Habang nasa biyahe patungo sa hotel kung saan gaganapin ang party ay nakasimangot lamang si Aivan.

Pinag-initan ko kasi ang pabangong gamit niya. Sinabihan ko siya kanina na huwag na niyang gamitin ang pabango niya dahil ang baho-baho.

Pero nagpupumilit pa rin siya, mabango naman daw ang pabango niya at paborito ko pa nga ang amoy niyon. Pero dati iyon, ayoko na ngayon.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon