Kabanata 39

73.2K 1.7K 130
                                    


Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang tumama ang sikat ng araw na pumasok mula sa siwang ng nakabukas na bintana sa kwarto ko.

Nag-unat pa ako at saka umupo sa kama. Nakaramdam pa ako ng sakit sa may gitnang bahagi ng katawan ko.

Doon ko lang naalala ang nangyari sa amin ni Aivan kagabi.

Teka?

Nasaan si Aivan?

Napahinga ako ng malalim habang isinusuot naglalakad patungo sa banyo. Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit na anong pagsisisi sa ginawa namin ni Aivan kagabi.

Oo nga pala, nakalimutan ko na ring umuwi kagabi sa bahay namin ni Papa. Mabuti na lang at nai-text ko rin siya kagabi para magpaalam.

Napahikab ako at akmang pipihitin ang seradura ng banyo nang may marinig akong pamilyar na boses na mula pa sa loob nito.

"Love is like the sun....
Love is in the air...
Love is everywhere..
Unlimited and free my love.."

Bahagya pa akong napatawa habang pinapakinggan ang nakakalokong boses ni Aivan. Hindi ko naman sinasabing hindi maganda ang boses niya, 'Yun nga lang ay wala talaga sa tono ang himig niya.

"Love love love love love love love love. Love love love love love love love love love love love love."

Sa puntong ito ay hindi ko na mapigilan pa kaya naman bumuhos na ang tuwa ko.

Sakto namang bumukas ng pintuan at nakita ko pa si Aivan na ngingiti-ngiti habang nakatitig sa akin.

"Hello, sweetheart.."

Muntik na akong mapamura nang marinig ko ang sobrang husky na boses niya.

Hindi tuloy ako makasagot. Nananatili akong nakatulala sa kanya, at sa hubad niyang..... Oh my god!

"Chill ka lang sweetheart.... Ganyan talaga ang bespren ko, hard talaga siya pag umaga... Gusto mo bang palambutin natin?"

Sa pagkabigla ko ay nahampas ko pa siya gamit ang tuwalya na kinuha ko pa mula sa balikat niya, "Bastos ka talaga kahit kailan!"

"Woah!" Natatawang sabi niya habang nakataas ang kamay na tila sumusuko ba, pero alam kong pang-asar niya lang iyon sa akin na mas lalo ko namang ikinainis. "Ako pa ang bastos? Eh ikaw nga itong tuwang-tuwa na naka-tatlong rounds tayo kagabi at——" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita dahil tinulak ko na siya habang ako naman ay papasok sa banyo.

Ni-lock ko ang pintuan at saka nagsimula sa morning rituals ko, narinig ko pa ang mga pagkatok ni Aivan. As usual, may halong pang-aasar na naman.

"Sweetheart.. Buksan mo 'tong pintuan. Gawa tayong memories diyan sa banyo."

Hindi ko na pinansin pa ang kalokohan ni Aivan.

Nang matapos ako sa pagligo at pag-toothbrush ay hindi ko na naabutan pa si Aivan na nasa kwarto ko.

Malamang ay bumalik na iyon sa kwarto niya, o di kaya naman ay nasa kusina na at kumakain na ng almusal. 'Yung isang iyob pa naman ay hindi talaga magpapatalo lalo sa mga kainan.

Hindi naman ako nagkamali, tama naman ang hinala ko. Nang makababa ako patungo sa kusina ay doon ko nakita sina Daddy Blake, Tita Cassandra, Allen at ang nakangising si Aivan.

"Good morning, Avygail... Kumain ka na rin. Sabay-sabay na tayo." Magiliw na sabi sa akin ni Tita.

Tumawa naman si Aivan ng malakas, "Busog 'yan Ma. Pinakain ko siya ng hotdog kagabi."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong hotdog? Sa pagkakaalam ko ay wala naman tayong stock ng hotdogs dito sa bahay ah?"

Magsasalita pa sana si Aivan nang unahan ko na siya, "Tita... Nagpabili po kasi ako sa kanya ng hotdog doon sa kanto." Sagot ko na mas lalo lang na ikinatawa ni Aivan na mas lalo ko namang ikina-asar sa kanya.

"Wala akong biniling hotdog, may sarili kasi akong—" Hindi na naipagpatuloy ang sasabihin ni Aivan nang marinig namin na tumunog ang doorbell.

Save by the bell!

Tumayo si Daddy Blake para siya na ang tumingin kung sino ang tao sa labas, pasimple ko pang sinipa si Aivan sa ilalim ng mesa na dahilan para mapasigaw niya.

"Aray!" Reklamo ni Aivan, "Mama, sinipa ako ni Avygail oh!" Sumbong pa niya kay Tita.

Nakakainis!

Kahit kailan talaga itong lalaking ito!

"Aivan.. Anong nangyari diyan sa sugat mo sa mukha? Napa-away ka ba?"

Napa-kamot naman sa ulo si Aivan, "Medyo nagkainitan kami ni Zaxh kahapon. Sinabihan kasi niya akong supot kahit hindi naman." Sagot ni Aivan.

Napa-iling na lamang ako sa kasinungalingang naisip niya.

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at ilang saglit pa ay bumalik na rin si Daddy kasama ang isabg babae.

Pinasingkit ko pa ang mata ko para mas malinawan ko kung sino ang kasama ni Daddy pero hindi pa man nakakalapit ng tuluyan ang babae ay nakilala ko na agad ito.

"Good morning po, Tita. Mayroon po akong dalang cake. I'm sure na magugustuhan niyo ito lalo na ni Allen, right babe?" Ani Stacey at saka mabilis na hinalikan si Aivan sa tabi na ngayon ay natulala.

Mariin akong napapikit sa nasaksihan.

Si Tita Cassandra ay nananatiling tahimik habang pinagmamasdan si Stacey, si Allen naman ay patuloy lamang sa pagkain habang si Aivan naman ay ramdam kong pasinple niya rin akong tinitignan na tila ba gusto niyang malaman kung ano ang reaksyon ko.

Si Daddy Blake naman ay kausap ng Daddy ni Stacey.

"Anong ginagawa niyo dito Stacey?" Tanong ni Aivan na ikinangisi naman ni Stacey.

"Para pag-usapan ang kasal nating dalawa, babe."

Halos mapako ako sa kinauupuan ko sa aking narinig, para bang gusto ko nang tumayo at ihakbang ang sarili ko palayo sa lugar na ito pero hindi ko naman magawa.

"Oh my god!" Ani Stacey nang mapansin niya ako, "Siya ba si Avygail na lagi mong ikine-kwento sa akin noon? She's pretty! Ang ganda pala ng ampon niyo!"

Kung may pagkakataon lang ako ay sasampalin ko na talaga ang lukaret na ito. Napatingin ako kay Aivan, at gusto kong ipaalam sa kanya na hindi ko na gustuhan ang sinabi sa akin ng babae niya, pero alam ko namang napansin niya iyon. Hindi naman siya manhid.

"Uhmm... Stacey.. Di ba, sinabi ko naman sa'yo na huwag na muna natin ituloy ang kasal hangga't wala pang DNA results?"

Nawala naman ang ngiti sa labi niya at saka lumapit sa Papa niya, "Dad! Ayaw akong pakasalan ni Aivan. Paano na iyan? Paano na ang kawawang baby ko kung hindi ako pakakasalan ni Aivan?"

Tumingin naman sa amin ang Papa ni Stacey, "Huwag kang mag-alala, anak. Pakakasalan ka rin ni Aivan sa ayaw at sa gusto niya..." Sabi ng Papa ni Stacey.

Napayuko ako, naipatong ko sa hita ko ang nanginginig kong kamay.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong hinawakan ni Aivan ang kamay ko na nakapatong sa binti ko sa ilalim ng lamesa.

Napatingin ako sa kanya pero hindi naman niya ako tinatapunan ng tingin. Patuloy lamang siya sa paghaplos sa kamay ko na tila ba gusto niya akong pakalmahin.

"Alam niyo naman siguro ang kaya kong gawin sa oras na biguin niyo ang anak ko." May pagbabanta sa boses na sabi ng Daddy ni Stacey. "Hindi ako takot pumatay, Aivan."

Napalunok ako.

Nagawi rin ang tingin ko kila Daddy Blake na ngayon ay nakatingin din sa Daddy ni Stacey. Oo nga pala at nasabi sa akin ni Daddy Blake noon na mayroon silang pagkakautang sa Daddy ni Stacey.

"Kaya huwag na huwag mong susubukan na saktan ang anak ko, Aivan..." Sabi pa niya, "Handa akong pumatay para sa anak ko."

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon