Kabanata 48

78.5K 1.8K 384
                                    

Nang bumalik ang malay ko ay napasigaw pa ako sa labis na sakit ng ulo ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

Agad namang may humawak sa kamay ko, "Sweetheart... Nandito ako." Boses iyon ni Aivan.

Unti-unting napakunot ang noo ko nang wala akong makita na kahit ano.

"A—Aivan.... Nasaan ako? Bakit hindi ako makakita?" Tanong ko habang ang kamay ko naman ay marahang humahaplos sa iyan ko. "Si baby natin?"

Naramdaman ko naman ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Aivan na para bang ayaw na niya akong mawala pa sa tabi niya.

"Sssshhh... Huwag ka na umiyak. Sweetheart.. N—Naiiyak na rin kasi ako."  Sabi niya sa akin habang yakap.

"Ang baby natin?"

Naramdaman ko naman ang pagdikit ng labi niya sa tiyan ko, "Okay si baby. Matapang, parang ikaw." Sabi niya sa akin kaya naman nawala ang matinding kaba na lumukob sa dibdib ko.

Mabuti naman at walang nangyaring masama sa baby ko. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring hindi maganda sa anak namin ni Aivan.

"Kamusta ang pakiramdam ng sweetheart ko?" Malambing na tanong sa akin ni Aivan.

Ilang beses kong pilit na ipikit at muling idilat ang mata ko pero wala naman akong nakikita na kahit na ano.

"W—Wala akong makita, Aivan... Medyo masakit din ang mata ko.. Ano bang nangyayari? Nasaan tayong dalawa?" Tanong ko sa kanya.

Binalot ng katahimikan ang lugar kung nasaan kami. Hindi makasagit si Aivan, ngayon pa lang ay alam ko na ang nangyayari sa akin.

Ang huling beses kong naaalala bago ako nagising ay bumangga pa ang sinasakyan namin ni Stacey.

"Si Stacey? Anong nangyari sa kanya? Nasaan siya?"

Mariing hinawakan ni Aivan ang kamay ko, "Hindi na nakaligtas si Stacey mula sa trahedya. Tumusok ang malaking bubog sa  leeg niya kaya naman halos maputol na iyon." Muli ko na namang naramdaman ni Aivan ang yakap niya. "Mabuti na lang at hindi ka nawala sa akin, kayo ni baby.. Kasi hindi ko kakayanin."

Napakagat ako sa labi ko nang malaman kong umiiyak si Aivan. Alam kong umiiyak na siya dahil umaalog-alog na ang balikat niyang nakayakap sa akin.

"B—Buti na lang hindi mo ako iniwan."

Niyakap ko rin ng mahigpit si Aivan. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala na sa buhay namin si Stacey.

Kinwento ko kay Aivan ang lahat. Simula sa umpisa kung bakit ako nawalan ng malay sa comfort room, hanggang sa mag-agawan kami ng baril at natamaan pa ako sa may bandang balikat ko.

Kahit papaano ay kaunting kirot na lang ang nararamdaman ko sa balikat ko. Hindi naman kasi ganoong kalalim ang tama ng bala sa balikat ko.

"Avygail. Kumusta ang pakiramdam mo?" Boses iyon ni Tita Cassandra.

Kahit na hindi ko siya nakikita ay sumagot ako, "Medyo masakit pa po ang mata ko at hindi rin po ako makakita." Sagot ko sa kanya.

"Avygail. Pumasok ang maliliit at maraming bubog sa mata mo, at nasugatan rin ang mukha mo, pero humihilom na naman ang sugat." Sabi ni Tita Cassandra sa akin.

Mas lalo pang hinigpitan ni Aivan ang paghawak niya sa kamay ko na tila ba pinapalakas niya ang loob ko.

"Damaged na ang mga nata mo, Avygail." Malungkot na sabi sa akin ni Tita.

Kahit na anong pilit kong pigilan ang pagluha ko ay hindi ko magawa. Wala akong ibang makita, tanging boses lang ang naririnig ko at wala nang iba.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon