Kabanata 37

73.6K 1.8K 80
                                    


"Ngumiti ka naman." Sabi ko sa kanya habang itinatapat ang front cam ng cellphone ko sa aming dalawa.

Ngayong ang araw ng graduation ni Aivan at masaya ako para sa kanya. 'Yon nga lang, hindi ko alam dito kay Aivan kung ano ang ikinatatampo na naman.

"Tss..." Mas lalong napasimangot si Aivan kaya ang ang panget tuloy ng picture naming dalawa.

"Ano ba?! Umayos ka nga! Ang arte mo, ayaw mo ba akong makasama sa picture?" Inis na tanong ko sa kanya.

Balak ko pa naman sanang i-upload sa facebook at instagram ang picture naming dalawa.

Hindi naman siya sumagot at umiling-iling na lang. Ngumiti naman siya sa harap ng camera pero ang plastik naman ng ngiti niya.

Napabuntong hininga ako at muling naalala kung bakit nagtatampo sa akin si Aivan.

Kagabi kasi ay magka-text kaming dalawa, pero dahil sa antok ko ay hindi na ako naka-reply sa kanya, nakatulugan ko na rin kasi... Hindi kasi ako natulog sa bahay nila Daddy Blake, kasama ko si Papa at doon kami umuwi sa bahay namin. Kaya hayan tuloy, si Aivan... Panay ang text at tawag sa akin kagabi.

Paggising ko tuloy kanina ay nakatanggap ako ng napakaraming missed calls at texts at lahat iyon ay nagmula kay Aivan. Nag-aalala siya dahil baka may kausap akong ibang lalaki. Loko-loko lang di ba?

"Kumain ka muna bago tayo pumunta doon sa graduation mo. Sila Daddy susunod na lang sa atin."

"Tss..."

Napa-irap ako sabay baling ng tingin kay Aivan. Naabutan ko pa siyang nakatingin sa akin pero nang tumingin ako sa kanya ay agad niyang iniwas ang paningin niya.

"Ano bang ikinaka-arte mo diyan? Yung tungkol ba sa kagabi? Sinabi ko naman sa'yo na hindi ako naka-reply sa'yo dahil nakatulog na ako. Hindi naman sa lahat ng oras magka-text tayo!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Napakapabebe naman kasi ng ikinatatampo. Simpleng bagay lang pero pinapalaki niya.

Nagulat ako nang ibato niya ang toga niya na dapat ay susuotin niya mamaya sa graduation niya, "Kung gusto mo, ikaw na lang um-attend diyan sa graduation ko! Isama mo na rin 'yang supot na Gabriel mo!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya, "Si Gabriel?"

"Wag mo sabihing magsisinungaling ka pa?! Pumunta ako sa bahay n'yo kagabi dahil gusto ko sanang tabi tayo matulog pero 'yung gagong Gabriel na iyon pala ang kausap mo?! Ipinagpapalit mo na ba ako sa kapitbahay n'yong supot?"

My god!

"Si Gabriel? Kaibigan ko iyon! Nagbigay lang siya ng handa nila kagabi sa amin dahil birthday ng kapatid niya. 'Yun pala ang ikinagagalit mo?"

"At pagkatapos anong pinag-usapan niyo? Ngingiti-ngiti pa 'yung gagong iyon tapos pinisil pa niya ang pisngi mo? Hindi mo ba sinabi sa supot na iyon na may boyfriend ka nang pogi? Macho at tuli na? Gusto mo bang awayin ko 'yon ha? Baka isang suntok ko lang don sa patpatin na 'yon, mahimatay na 'yon!"

Pinitik ko na naman ang matangos na ilong niya, "Ang O.A mo.. Binigyan lang niya kami ng handa nila, 'yon lang iyon. At saka pwede ba? Bawas-bawasan mo 'yang kayabangan mo. Baka kasi bigla na tayong hanginin dito."

"Tss..." Umiiling na sabi niya at pagkatapos ay saka ako niyakap ng mahigpit. Napatawa pala ako.

'Yun lang pala, gusto lang niyang ilabas ag sama ng loob niya.

"Pumunta ka pala sa bahay kagabi tapos hindi ka pa dumiretso sa loob."

Napakamot naman siya sa ulo niya, "Eh nagselos kasi ako, eh."

Muli akong napatawa sa sinabi niya, "Wala ka naman kasing dapat na ikaselos dahil para sa akin.. Ikaw lang number one ko."

"Sure ka ah?" Nagpapa-cute na tanong niya sa akin.

Tumango ako, "Kahit hindi mo itanong. Basta mayroon kang tiwala sa akin.. Kahit na anong mangyari 'yung pagmamahal na iyon ay hindi mawawala."

"Ano bang sinasabi mo diyan? Bakit napunta sa tiwala ang usapan natin?"

"Hmmm..." Hinalikan ko ng saglit ang pisngi niya, "Paano kapag...... lumayo ako? Mamahalin mo pa rin ba ako kahit wala na ako?" Tanong ko sa kanya at pagkatapos ay napahinga pa ako ng malalim.

Napakunot naman ang noo niya at pagkatapos ay saka niya ako hinawakan sa balikat, "Bakit mo tinatanong iyan? Iiwan mo ba ako? Kasi kapag iniwan mo pa ako.... Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Eh... Paano naman kung hindi na ako bumalik?"

Hindi niya binitawan ang pagkakahawak sa balikat ko, "Eh di malulungkot ako! Iiyak ako ng iiyak. Hahanapin kita kahit saan basta makita lang kita."

Napangiti ako sabay yakap sa kanya, "I love you, sweetheart."

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Avy.. Kaya huwag mo akong iiwan ah?"

Tumango ako, "Promise."

❇❇❇❇❇❇

"Sa umagang ito, nais kong pasamalamatan ang lahat ng naririto... Sa mga panauhin, sa aking mga kamag-aral na magsisipagtapos sa araw na ito, sa mga magulang at sa mga guro....."

Natatawa ako habang pinapanuod si Aivan na nagsasalita sa harapan. Speech niya iyon. Pinagalitan ko pa nga siya kahapon dahil ayaw niyang magpraktis sa speech niya, sabi niya kasi ay kaya na raw niya iyon.

"Ang galing naman ni Kuya, Ate Avygail." Sabi sa akin ni Allen. Katabi ko kasi siya habang katabi naman ni Allen sina Daddy Blake at Tita Cassandra.

"Oo nga eh.."

"Sa mga magulang ko, maraming salamat dahil hindi niya ako sinukuan kahit na makulit ako... Kahit na hindi ako sumusunod sa inyo."

Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya, teka? Wala naman iyon sa script na prinaktis niya ah?

"Kaya maraming salamat sa Mama at Papa ko. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako dito... Sa aking kapatid na si Allen, maraming salamat sa lahat. Wag ka sanang maging makulit katulad ko. Stay put ka lang diyan kapatid, parehas naman tayong gwapings."

Hay nako si Aivan talaga! Wala naman sa script niya iyon!

"At sa aking pinakamamahal..." Ani Aivan sabay turo sa pwesto ko, nagtinginan tuloy ang mga tao sa akin, "Maraming salamat kasi dumating ka sa buhay ko. K—Kung wala ka... Baka wala din ako ngayon dito."

Napansin ko ang pagpunas ni Aivan sa mukha niya gamit ang palad niya, nagsisismula na sigurong magdrama ang loko.

"Ipapangako ko sa'yo. Pagkatapos ng graduation kong ito. Magiging successful na akong engineer tulad ng gusto mong mangyari sa akin. Mahal na mahal kita, Avy. Dahil sa'yo kaya rin ako nandito. Huwag mo kong iiwan ah? Kapag iniwan mo kasi ako hindi ko na gagawin ang pangako ko sa'yo."

Tumango ako sabay thumbs up sa kanya, "Stay put ka lang diyan, Sweetheart. Hindi pa kasi ako tapos mag speech kaya diyan ka muna."

"Ano ba 'yan si Kuya Aivan!" Ani Allen kaya natawa ako.

"Hayaan mo siya, masaya kasi siya kaya ganyan."

Matapos ang napakahabang speech ni Aivan ay nagpalakpakan kaming lahat. Sinalubongko siya ng yakap ganon din si Daddy Blake, Tita Cassandra at Allen.

"Ano? Ayos ba ang speech ko?" Aniya sabay halik sa pisngi ko.

"Oo naman.. Proud na proud ako sa sweetheart ko."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may yumakap kay Aivan. Napakunot pa ang noo ko habang tinititigan kung sino ang babang yumakap kay Aivan.

Napatingin din ako kay Aivan na ngayon ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa babae, "S—Stacey... Bakit ka nandito?"

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon