Kabanata 19

96K 2.2K 191
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko sa tuwing kasama ko si Aivan, ewan ko... Basta ramdam ko na kapag kasama ko siya para na akong dinadala sa langit, masaya.

Ilang linggo at araw na rin ang mabilis na nakalipas, okay naman. Walang problema, puro saya lang.

Sa tuwing may test si Aivan ay nagpapatulong siya sa akin, "Avy! May test ako bukas sa sociology! Boplaks pa naman ako don! Baka mangopya na lang ako kay Zach."

Mabilis kong tinapik ang braso niya, "Ayan ang h'wag na h'wag mong gagawin, Aivan. Masamang mangopya. Magreview ka, tutulungan kita." Linyang palagi ko na lang na sinasabi sa kanya.

Natuturuan ko naman siya, in fact ay madali nga siyang matuto basta't makinig lang siya ng mabuti sa mga sinasabi ko. Okay naman, nakakatuwa nga dahil kapag tinuturuan ko siya pakiramdam ko ay gustong-gusto niya na may nagtuturo sa kanya.

Kinabukasan, hinatid niya lang ako sa classroom ko at pagkatapos naman ay dumiretso na si Aivan sa klase niya. Simula kasi nang magising siya kanina ay wala na siyang ibang bukambibig sa akin kundi ang test sa sociology. Sisiguraduhin niya raw kasi na hinding-hindi siya mangongopya dahil tinuruan ko na siya, baka nga siya pa raw ang magpakopya sa mga kaklase niya, loko talaga.

Nasa ika-apat na subject na kami sa klase ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag-text sa akin pero nang mabasa ko kung sino ang taong iyon ay awtomatikong sumilay ang ngiti ko sa labi ko.

From: Aivan

94% ako sa test.

Nang mabasa ko ang mensahe niyang iyon ay napahawak rin ako sa dibdib ko. Ewan ko ba, pero hindi ko maipakiwanag na saya ang nararamdaman ko, sa ganitong pagkakataon, bakit ba pinapaalam pa sa akin ni Aivan, kahit na score niya sa test.

Hindi na ako nag-replya dahil baka hindi na niya ako tantanan sa kaka-text, pero mayamaya pa ay muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Aivan

Nakikipagbalikan si Cheska sa akin. Anong gagawin ko?

Napalunok ako nang mabasa ko ang text niyang iyon sa akin. Para bang nawalan ako ng gana sa nabasa ko, magtitipa na sana ako para sa irereplay ko nang mag-text muli siya.

From: Aivan

Nandito kami ni Cheska sa canteen. Breaktime niyo na ba? Pasensya ka na kung hindi kita masasamahan, nagpapasama kasi si Cheska.

Napangiti ako nang mapait nang mabasa ko ang mensahe niya. Heto na ba iyon? Magbabalikan na ba sila?

Nag-type ako sa cellphone ko.

To: Aivan

Okay lang. :)

Napaka-plastik ko naman. May pa-smile-smile emoji pa ako pero heto naman ako at nasasaktan at nalulungkot.

Hindi na ako nireplyan ni Aivan. Siguro dahil masaya na siya kay Cheska, baka kasi kapag nireplyan pa niya ako ay magreplya pa ulit ako sa kanya at isipin p niyang maging abala pa ako para sa kanilang dalawa.

Napahinga ako ng malalim at bahagyang napayuko.

Breaktime na namin, hindi ako sumama kay Liz dahil may sarili na siyang lovelife kaya dapat ay hindi na ako makigulo pa sa kanya. Boyfriend niya na kasi si Zach, mabuti pa sila, nagkaaaminan na.

Nasa canteen ako para bumili ng paborito kong pizza. Pilit kong idinederetso ang paningin ko pero sadyang makulit talaga ang mata ko dahil tumama ang pangingin ko sa kinapepwestuhan ni Aivan at ni Cheska. Nagtatawanan sila, sobrang saya nila. Bagay na hindi ko pa nakikita kay Simula pa noon. Oo, tumatawa nga siya, ramdam kong masaya rin naman si Aivan sa tuwing magkasama kami, pero iba ang nakikita ko ngayong kasama niya si Cheska, alam kong masayang-masaya siya.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon