“Ate.. Hindi ka sasama sa amin mamaya?” Tanong ni Allen sa akin.
Nasa kwarto ako ngayon at pinuntahan ako ni Allen, ayoko namang lumabas ng kwarto dahil baka makita ko na naman si Aivan. Kanina kasi nang lumabas ako ng kwarto ay nagkasalubong kami ni Aiavan sa may sala, hindi naman sinadya iyon.. Ewan ko ba pero nadadala ako sa mga titig niya, hindi ko naman masigurado sa sarili ko kung galit siya o kung ano man ang nararamdaman niya sa akin.
Ngayon naman ay iniiwasan kong lumabas ng kwarto dahil sa tuwing nakikita ko si Aivan ay mas lalo lang akong nasasaktan.
Isang araw na rin ang nakalipas nang matapos na ang relasyon naming dalawa at sa buong isang araw na iyon ay hindi ako tinantanan ng isip ko.Gusto kong maka-usap si Papa tungkol sa bagay na ito, gusto ko kasing malinawan ako sa lahat..
Ang kaso ay wala naman sa Maynila si Papa sa ngayon dahil sumama na muna siya ilang kamag-anak niya na nasa Pangasinan. Siguro ay hihintayin ko na lang ang pagbabalik niya... ‘Yon nga lang ay hindi ko pa masigurado kung kailan dahil noong huli kaming nakapag-usap ni Papa ay ‘yung araw ng libing pa ni Mama, sabi naman sa akin ni Papa ay babalik din naman daw siya kaya h’wag daw akong mag-alala.
“Ate.. Sumama ka na sa amin.” Sabi pa ni Allen sa akin matapos niyang bitawan ang hawak niyang laruan.
Napahinga naman ako ng malalim at saka nagsalita, “Hindi ako makakasama, Allen.” Sabi ko sa kanya, nakita ko naman ang paglungkot ng mukha niya kaya ang ginawa ko ay niyakap ko na lang siya.
“Basta sa susunod sasama ka na sa amin ah?” Sabi pa niya sa akin.
Tumango ako, “Oo naman.”
Ang totoo kaya ayokong sumama sa kanila ay dahil makakasama ko si AIvan. Pupunta kasi silang Batangas at dalawang araw sila doon. Gusto ko lang naman na maka-iwas kay Aivan dahil aminin ko man o hindi ay talagang nasasaktan lang ako sa tuwing tinatapunan niya ako ng tingin.
Lumabas na rin naman si Allen pagkaraan ng ilang minuto para maghanda na dahil mamaya na ang alis nilang dalawa. Ako naman ay muling humiga sa kama ko at saka natulog, mabuti nga at dinalaw ako ng antok, mabuti na ito para paggising ko mamaya ay wala na sila rito sa bahay.
Sa gitna ng pagkakatulog ko ay naalimpungatan ako nang marinig kong may kumakatok sa pintuan kaya kahit na medyo masakit pa ang ulo ko ay bumangon ako para buksan ang pinto at nakita ko si Tita Cassandra.
“Hindi ka ba talaga sasama sa amin, Avygail?” Tanong niya sa akin.
Umiling ako, “Pasensya na po, Tita.. Sa sususnod na lang po siguro ako sasama.” Sabi ko sa kanya para hindi naman sumama ang loob niya sa akin.“O sige, basta mag-send ka na lang sa amin ng message kapag may problema.” Sabi pa niya sa akin.
Sumunod naman si Daddy Blake ng matapos magpaalam sa akin ni Tita Cassandra, “Anak. Tawagan mo lang kaagad ako kapag may problema.” Sabi niya sa akin at saka humalik sa pisngi ko. Sakto namang nakita ko si Aivan na papalabas ng kwarto niya at nakita ko ang paglalim ng mukha niya habang nakatingin sa amin ni Daddy.
Teka?
Nakapambahay lang siya na damit? Kung gayon ay hindi ba siya sasama kila Daddy?
Lumingon naman si Daddy at pansin kong hindi na siya nagulat nang makita si Aivan na nakatingin sa aming dalawa, “Aivan... H’wag na h’wag kang gagawa ng kalokohan habang wala kami ng Mama mo.” Sabi niya kay Aivan na nananatili ang malalim na tingin sa akin.
Agad kong sinara ang pintuan ng kwarto ko nang maka-alis sila Daddy. Nakaramdam ako ng kaba dahil kaming dalawa lang ni Aivan ang nandito, alam kong galit siya sa akin at hindi ko naman masasabi kung sa galit niya sa akin ay mayroon pa siyang hindi magandang gawin sa akin.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."