Some chapters of this story are marked private by wattpad due to it's content. To read private chapters, you must be following me. I'm sorry for the inconvenience of this may have caused you.• • • • • •• • •• • •
"Gonzales, Aivan! Anong gulo na naman ang pinasok mo at nakipag-away ka na naman sa section c?" Tanong ng aming Guro na kapapasok lang sa classroom.
Napalingon naman ako sa pwesto ni Aivan sa may bandang likuran, Katabi niya ang kaibigan niyang si Eric at Zach.
"Sorry, Ma'am.."
Bago magsimula ang klase ay napakahabang sermon ang ini-lecture sa amin ng aming guro, Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras dahil sa mahabang sermon niya ay time na pala.
Breaktime kaya niyaya ako ni Lizette sa canteen, "Gusto kong masubukan 'yung KeriMoto! Masarap daw kasi 'yon!" Sabi ni Liz sa akin.
Sumama naman ako sa kanya, at saka kami pumila para bumili ng fries. Habang nasa pila kami ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa pwesto nila Aivan sa may bandang gitna ng canteen, nakaupo siya sa isang pahabang bench na katapat ng isang pahaba din na mesa habang may ka-akbay na babae na sa tingin ko ay nasa junior pa lang.
Wala ako sa sariling napa-iling, Araw-araw kong napapansin ang paiba-iba niya ng mga girlfriend. Hindi kaya siya nagsasawa sa mga ginagawa niya?
Nang nakabili ng fries ay saka naman kami naghanap ni Liz nang mape-pwestuhan, at sa kamalas-malasan nga naman ay nasa may bandang gitnang bahagi din ng canteen ang natitirang bakanteng pwesto kaya no-choice kami ni Liz at doon na lang pumwesto.
Habang kami ay sabay na kumakain ni Lizette ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko, at nang mapabaling ako ng tingin ay halos mamilog ang mata ko sa gulat nang makita ko si Aivan na nakangising nakatingin sa akin.
Nang makita ko ang mukha niya ay napansin ko ang bakas ng dugo at sugat na natamo niya mula sa pakikipag-away kay Patrick.
Nakangisi pa rin siya hanggang ngayon kaya ako ay kinabahan, iba kasi ang ngiti niya at mukhang may binabalak.
Kukunin ko na sana ang fries at shake ko na nakapatong sa mesa nang kunin niya ang mga iyon sabay tayo at dinala ang pagkain ko sa mesa nila.
Puro tawanan lang nila ang naririnig ko.
"Pre, ibalik mo na lang 'yan kay Avy... Kawawa naman." Sabi ni Eric na tila natatawa sabay tingin sa akin.
Hindi ko na sila pinansin, sa halip ay ibinaling ko sa ibang bagay ang aking atensyon.
"Peste talaga 'yang Aivan na 'yan! Pati ba naman pagkain mo kukunin niya?" Pabulong na sabi sa akin ni Liz.
"Huwag mo nalang patulan. Liz... Dahil ayoko rin namang patulan pa ang mga ginagawa niya sa akin."
Pagkatapos naming kumain sa canteen ay nagpaalam na muna ako kay Lizette na pupunta na muna ako sa comfort room.
Habang naglalakad ay naramdaman kong may sumusunod sa akin pero hindi ko na pinansin pa iyon, Papasok na sana ako sa comfort room nang may humila sa akin at saka ako diretsahang pinapasok sa comfort room.
"A—Aivan....." Pabulong na sabi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa malalim na mga mata niyang nakatingin sa akin.
Sinandal niya ako sa pader kaya mas lalong nilukob ng kaba ang nararamdaman ko, "Nagpapa-cute ka ba kay Eric?" Aniya sa baritonong boses niya.
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at pagkatapos ay paulit-ulit na umiling. "H—Hindi naman..."
"Eh, bakit parang iba ka kung makatingin sa kanya? Tapos ngingiti-ngiti ka pa?" Tanong pa niya.
Hindi ko alam kung nasaan na ang utak ni Aivan, parang nawawala na kasi siya sa tamang katinuan dahil kung anu-ano na ang naiisip niya.
May itsura si Eric, pero kahit kailan ay hindi naman ako nagpapakita ng motibo sa kanya para magustuhan niya ako, at isa pa ay hindi naman talaga lovelife ang habol ko sa paaralang ito kung hindi mag-aral.
"H—Hindi naman...."
Sumimangot siya at mas lalong inilapit ang mukha niya sa akin, "Anong hindi? Kitang-kita ko kanina! Tinignan ka ni Eric pero umiwas ka ng tingin! Akala mo hindi ko napansin iyon? Bakit? Naiilang ka ba sa kanya dahil gusto mo siya, ha?"
Hindi niya inalintana ang mga babaeng pumasok sa loob ng comfort room. Nasa comfort room kasi kami ng mga babae, may naririnig pa akong bulung-bulungan pero si Aivan ay tuloy-tuloy pa rin.
Alam naman ng mga kaklase at schoolmate namin na hindi kami tunay na magkapatid ni Aivan. Ampon lang ako ng Papa niya — ang apelyidong ginagamit ko nga ay apelyido pa ng Mama ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita.
"W—Wala naman akong gusto sa kanya.. at hindi ko naman nakaka-usap si Eric." Mahinang sabi ko.
Napa-igting ang panga niya at muling nagsalita, "Sa susunod na makita kong tumingin ka sa kanya. Hindi ako magdadalawang-isip na bugbugin ang gagong iyon. Kahit sino pang lalaki at kahit kaibigan ko pa." Sabi niya at pagkatapos ay medyo lumayo na sa akin ng kaunti, pinakatitigan niya ako kaya bahagya akong napayuko. "Sa akin ka lang titingin at makikipag-usap. Sa akin lang, maliwanag ba?"
Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa baba ko para mapatingin sa kanya, "Bakit ba hindi ka makatingin sa akin?" Aniya pagkatapos ang ngumisi.
Sa pagkakataong iyon ay nilabanan ko na ang pagkakatitig niya sa akin. "Ayan na.. Nakatingin na ako sa'yo.." Sabi ko.
Pero agad ko ring iniwas ang paningin ko dahil nakaramdam ako ng pagka-ilang.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at pagkatapos ay sinundot niya ang pisngi ko, "May practice game ako mamaya... Manuod ka, gusto ko ay ikaw ang maging cheerleader ko."
Teka?
Si Aivan ba talaga 'to?
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."