Ilang beses akong napalunok habang nakatingin ako sa babaeng kasalukuyang nakayakap kay Aivan.Maganda ang babae, at malaki rin ang hinaharap na alam ko naman na iyon ang kahinaan ni Aivan.
Halata na rin ang umbok sa tiyan ni Stacey, tanda na nagdadalang tao nga siya. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay nagpipira-piraso ang puso ko dahil sa hindi maipaliwanag na sakit kong nararamdaman.
"Babe naman.... Can't you see? Nandito ako para i-congratulate ka... Sayang lang at hindi ko na naabutan ang speech mo, pero alam ko naman na inspired ka sa akin kaya narating mo 'yan." Ani Stacey kay Aivan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang paunti-unting yumuko. Naramdaman ko sa tabi ko si Allen na hinawakan ako sa braso, "Ate... Mauna na daw tayo sabi ni Papa."
Nagawi ang tingin ko kay Aivan na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin.. Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip niya, basta ramdam ko na gusto niya akong kausapin sa mga oras na ito.
"Sige. Nasaan sila Daddy?"
"Nasa parking lot na po sila, Ate.. Hinihintay na nila tayo."
Tumango ako at sumabay nang maglakad kasama si Allen.
Nang makarating kami sa parking lot ay doon ko nakita sila Tita Cassandra at Daddy Blake na seryosong nag-uusap. Naantala lamang ang usapan nila nang makita nila ako.
"Avygail... Salamat at pumunta ka sa graduation ni Aivan... Tiyak ako na tuwang-tuwa ang lalaking iyon dahil napanuod mo ang graduation niya." Sabi sa akin ni Tita Cassandra nang makasakay ako sa sasakyan.
"Papa hindi ba natin hihintayin si Kuya?" Tanong ni Allen kay Daddy Blake nang paandarin na nito ang sasakyan.
"Sasabay na muna siya kina Stacey. Uuwi rin naman ang Kuya mo mamaya." Sagot naman ni Daddy.
Napahinga ako ng malalim at kasunod non ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino aamg tunatawag at nakita kong si Aivan iyon. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya pero pinili ko na lang na i-reject ang tawag niya.
"Daddy... Inaway ka ba ng Papa ni Stacey? Nakita ko kasi kayo kanina sa may likod... Parang inaaway ka nung Papa ni Stacey." Tanong ng katabi ko na si Allen.
"Hindi naman, anak. Nag-usap lang kaming dalawa pero hindi naman kami nag-away?"
"Ganun po ba? Para kasing inaaway ka niya."
"Hindi baby... Paano aawayin ng Papa ni Stacey ang Papa mo? Eh diba, good boy naman si Papa mo?" Ani Tita Cassandra.
Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila pero alam ko naman na hindi sila nagsasabi ng totoo kay Allen dahil ayaw nilang mag-alala pa si Allen para sa kanila.
Sa tingin ko ay totoo naman ang sinabi sa akin ni Daddy Blake na pinagbabantaan ang buhay nila. Dahil nang makita ko pa lang ang Daddy ni Stacey ay masama na ang tingin niya kina Daddy Blake. Mukha rin itong hindi mapagkakatiwalaan.
Nang makauwi kami sa bahay ay saka ko muling kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko para mag-text kay Papa na mamayamaya pa ako makakauwi.
Nang buksan ko ang cellphone ko ay doon ko nakita ang 12 missed calls at 32 messsages at lahat iyon ay nagmumula kay Aivan. Nai-silent ko kasi ang cellphone ko kanina matapos kong i-reject ang incoming call niya.
Binasa ko ang ilan sa mga text ni Aivan.
SWEETHEART NASAN KA?
SAGUTIN MO ANG KOL KO PLZ
SWEETHEART ANSWER MY CALL
DAMN.
I LOVE YOU.
Sa halip na mag-reply sa kanya ay binura ko na lamang ang lahat ng mga texts niya. Nag-text na rin ako kay Papa na mamayamaya pa ako makakauwi.
Pinilit kong binura sa isip ko ang nakita ko kanina.
Kung paano yakapin ni Stacey si Aivan kanina.. Ngayon pa lang sobrang nasasaktan na ako, lalo na sa tuwing naiisip ko na magkakaroon na sila ng anak.
Sumasagi rin sa isip ko kung tama pa ba itong ginagawa ko, tama pa ba na ipagpatuloy namin ang relasyon naming dalawa?
Hindi ko naman pinangarap na magsira ng buhay ng ibang tao lalo na ng mga bata, at kung ako ang dahilan para mawalan ng ina ang anak ni Aivan ay pipiliin ko na lamang na masaktan kaysa ipagpatuloy ang pagmamahal ko.
Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa kama ko.
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang marinig kong may kumakatok sa pintuan kaya papungas-pungas akong tumayo at binuksan ang nai-lock ko palang pintuan kanina.
Nang buksan ko ang pinto ay sumalubong sa akin si Aivan na akma pa akong yayakapin pero napalayo ako sa kanya habang nakakunot noong tinititigan ang sugatan niyang mukha.
"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Tuluyan na akong lumapit sa kanya at inalalayan siya para makaupo sa kama ko.
Ngumuti naman siya at saka ako niyakap ng mahigpit, hindi ko alam pero sa puntong ito ay kinakabahan ako.
Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin, sa maaari pang magyari sa aming dalawa sa mga susunod pang mga araw.
Habang yakap niya ako ay naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat niya at sa pagkakataong ito ay alam kong umiiyak nga siya.
Napatahimik ako. Wala ni-kahit na isang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"M—Mahal mo naman ako di ba?" Umiiyak na tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Nananatili lang akong tahimik.
"Ano, sagot?!" Tanong pa niya matapos bumitiw sa pagkakayakap, "Mahal mo ako di ba?"
Napayuko ako, "Oo." Mahinang sagot ko.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko para mapatingin ako sa mukha niya, "Tumingin ka sa akin... Sabihin mo na mahal mo ako.."
Nananatili lang akong nakatitig sa sugatan niyang mukha, napalunok ako. "A—Aivan... Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa niyang mga sugat mo sa'yo?"
Umiling naman siya at saka niya hinawakan ang kamay ko, "Wala 'to.. May nakaaaay lang ako diyan sa kanto."
Pero hindi pa rin ako naniniwala, "Aivan... Kinakabahan ako sa'yo. Parang may itinatago ka pa sa akin."
Ngumiti naman siya, "Uhm.. Wala ah! Ano sa tingin mo ang itinatago ko sa'yo?" Nanlalambing na sagot niya sa akin.
"Anong napag-usapan niyo ni Stacey kanina?"
Kumibit balikat siya na tila walang pakialam, "Wala akong pakialam sa babaeng iyon."
"Pero Aivan....."
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang malambot na labi niya sa labi ko.
Napatigil ako habang hinahalikan niya ako, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Hinahalikan ka ng taong mahal mo.
Hindi ko na namalayan na sinasagot ko na pala ang mga halik ni Aivan hanggang sa mapahiga na ako sa kama ko at siya naman ay nakadagan sa akin.
"O—Ohhh..."
Napa-ungol ako nang naramdaman kong hinahaplos niya ang dibdib ko. Hanggang sa mapunta ang nga halik niya sa dibdib ko.
"A—Aivan..."
Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang bibig ko, "I love you, sweetheart."
Sa gabing ito, nangyari ang unang pagniniig namin ni Aivan.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."