"Are you really sure na hindi ka na galit sa akin?" He's asking me that question over and over again.
I rolled my eyes, "Alam mo.. Sobrang kulit mo."
Nakita ko naman ang pagkamot ni Aivan sa ulo n'ya. "Sinisigurado ko lang naman hindi ka na talaga galit sa akin. Para naman mamayang gabi, makatulog ako ng maayos."
Katatapos lang ng last subject ko, at kasalukuyan kaming nasa library dahil nagpapatulong si Aivan sa akin dahil exam na nila bukas sa integral calculus. Hindi ko nga masigurado kung ano ba talaga ang ipinunta namin dito sa library— mag-aaral ba, o magke-kwentuhan lang.
In the end, naturuan ko na rin naman siya ng tungkol sa subject niya. Sabi niya sa akin ay medyo nahihirapan daw siya sa integral calculus pero nang maturuan ko siya ay agad rin naman niyang natutunan ang nga topics. Madali lang naman siyang turuan kung magseseryoso talaga siya.
Saglit na lumukot ang noo ko nang may maalala ako, "Oo nga pala... Nakausap ko si Zach kanina, sabi niya... Tinitipid mo raw ang baon mo? Pinapa-alis ka na rin daw ng land lady sa inuupahan mong bahay? Totoo ba?" I asked him.
He blinked many times, para bang pinag-iisipan niya kung ano ba ang isasagot niya sa akin. "Ahh.. Hindi ah!" Aniya ay iniiwas pa ang tingin sa akin.
I nodded. Si tinagal-tagal kong nakasama si Aivan, kahit nasa amerika siya ay kabisadong-kabisado ko pa rin ang ugali niya. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at kung kailan naman siya nagsasabi ng totoo.
Napahinga naman ako ng malalim, "Sabihin mo na sa akin ang totoo."
Napayuko naman siya, at napahigpit pa ang hawak niya sa notebook niya. "Malapit na kasing maubos 'yung ipon ko.."
"Kaya hindi ka na kumakain tuwing break time?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga kasabay ng muling pagtango niya, "Kasi naman.... Hindi ko alam kung bakit anong dahilan at ayaw mong ipaalam kila Daddy na narito ka na pala sa Pilipinas, eh di sana... Hindi ka nagigipit ngayon."
Hindi naman siya sumagot kaya muli akong nagsalita, "Magkano ba ang utang mo sa land lady? Ako na muna ang magbabayad."
"'Wag na!"
"Bakit ba ayaw mong——"
"H'wag na! Akong bahala sa sarili ko, kaya ko na 'to." Sabi pa niya sa akin, "H'wag mo na akong alalahanin."
Hindi na ako nagpumilit pa, dahil baka pag-awayan pa namin kung magpupumit pa ako sa kanya na ako na lang ang magbayad ng renta niya sa bahay. Ayaw naman niya at ayoko namang magalit siya sa akin dkung ipipilit ko ang sarili ko na tumulong sa kanya.
Pauwi na kami sa dorm ko ngayon. Napag-usapan kasi naming dalawa na sa unit ko siya matutulog ngayon, at talagang pinaghandaan niya ang pagtulog sa unit ko dahil kumpleto ang dala niya na nasa bag niya.
Nakasakay kaming dalawa sa jeep pauwi sa dorm ko nang maramdaman ko ang braso niyang dumantay sa balikat ko. Hindi na ako naka-imik pa sa ginawa niya, Hindi ko alam... Basta pakiramdam ko, safe ako kapag kasama ko siya. 'Yun lang.
"May sasabihin ako sa'yo." Bulong niya sa tainga ko.
"Ano 'yon?" Tanong ko sabay lingon ng tingin sa kanya, "May kasalanan ka na naman ba?" Tanong ko pa.
Kaya naman pala naglalambing sa akin ng ganoon dahil may ginawang kasalanan. Pero hindi ko pa naman kung tama nga ang hinala ko, baka kasi nagkakamali na naman ako.
"Nakita ko si Cheska kanina..."
Napatigil ako, "Ano nangyari?" Tanong ko, bahagya pa akong napayuko habang hinahantay ang susunod na sasabihin niya.
"Wala lang... Tinanong lang naman niya ako kung okay lang ako.."
"Ano sinabi mo?"
Napa-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko naman ang pagngiti niya, "Eh di sabi ko masaya.... Kasama naman kita, eh."
"Paano kung hindi?"
Bigla namang lumalim ang tingin niya sa tanong kong iyon, para bang sineseryoso niya ang tanong ko. "Paanong hindi? Aalis ka ba? Iiwan mo ako?"
"Hindi." Kinurot ko ang matangos na ilong niya, "Ang ibig kong sabihin... Paano kung hindi tayo magkasama? Ano naman kayang mararamdaman mo?"
Hinayaan naman niyang pisilin ko ang ilong niya, "Eh di malulungkot ako.." Sabi niya at pansin ko rin ang paghaba ng nguso niya, "Malungkot pa ako sa malungkot pag hindi tayo magkasama.... Kaya ikaw, 'Wag kang aalis.... Kasi iiyak talaga ako kapag iniwanan mo ako."
I smiled, "Bakit naman kita iiwanan?"
"Kasi..." Napatawa ako nang pisilin niya naman ang ilong ko..
"Kasi ano?" Tanong ko pa.
"Kasi.... Makulit ako?"
Mas lalo akong napatawa, "Sanay na ako sa kakulitan mo, Aivan.. Ikaw pa ba? Eh mas makulit ka pa sa kapatid mong si Allen." Natatawang sabi ko, "Baka nga, ikaw pa ang mang-iwan sa akin kapag nagkataon."
"Why would I?" Agad na tanong niya sa akin, "Hangga't gusto mo na narito ako sa tabi mo... Hindi ako aalis."
I could feel my heart beating so fast. Hindi ko alam ang nararamdaman kong ito, "Kaya huwag mo akong iwan."
"Yup."
"Eh paano kapag nagka-girlfriend ka na? 'Yung seryoso?" Tanong ko pa.
Minsan, naiisip ko rin kung paano na lang kaya kapag nagkaroon na ng girlfriend si Aivan. Baka siguro, sisimulan na niya akong iwasan kapag nagkataon.
"Iniisip mo ba na kapag nagka-girlfriend ako, iiwanan kita?" Tanong niya.
Tumango ako.
Huminga naman siya ng malalim bago muling magsalita, "Kung sakali man na magkaroon ako ng girlfriend, sisiguraduhin ko na ikaw lang 'yon... Para hindi kita iwan."
In that moment, napahawak ako sa puso ko, "Joke joke joke!"
Agad kong nasampal sa inis si Aivan, "Gago ka talaga!" Pinahiya ako ng loko, "Akala mo ba maniniwala ako sa'yo? Excuse me! Tanga lang ang maniwala no." Sabi ko pa kahit na namumula ang pisngi ko.
Oh gosh! Akala ko totoo na, kalokohan na naman pala ni Aivan.
"Napaka-seryoso mo naman kasi. Hahahaha!" Walang ibang ginawa si Aivan kung hindi ang matawa.
Sa inis ko ay paulit-ulit ko siyang binatukan. Hindi nga namin namalayan na nalampasan na pala ng jeep ang daan patungo sa unit ko.. Bumaba na kami ng jeep at habang naghihintay ulit ng panibagong jeep para naman masakyan pabalik ay inakbayan muli ako ni Aivan.
"Pero seryoso... Kung sakali man na magka-girlfriend ako.. Sisiguraduhin ko munang papayag ka, para hindi unfair sa ating dalawa... At ikaw naman, dapat ipapakilala mo muna sa akin kung may nanliligaw man sa'yo.. Para naman masampolan ko ng kamao ko ang gagong susubok na manliligaw sa'yo."
"Ang hard mo talaga!"
Ewan ko ba kung bakit bigla siyang napatawa, "Oo kanina pa siya matigas." Sabi niya sabay turo sa.... What the hell?
"Bad trip ka! Bahala ka nga sa buhay mo." Kainis!
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."