Kabanata 10

129K 2.7K 299
                                    


Yes, gago si Aivan at matagal ko nang alam ang bagay na iyon.

"So...." Nang muli kong itaas ang paningin ko sa kanya ay nakangisi pa rin siya, habang tila may lumalarong kalokohan sa isipan niya, iyon kasi ang pakiramdam ko. "Will you let me to fuck you?"

And second passed, hawak-hawak na ni Aivan ang sarili niyang pisngi habang masama ang mga matang nakatingin sa akin, "What the hell is that for? Bakit mo ako sinampal?!"

"Gago ka kasi! Kung anu-ano lumalabas sa bibig mo!"

Hinawakan niya ang kamay ko nang mariin, "Ouch! Ano ba?!" Umiiwas ako pero mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Kailan ka pa natutong magmura ha? Iyan ba ang natututunan mo habang wala ako rito?"

Inis kong tinaboy ang kamay nya, "Eh ano naman?! Ikaw nga, inam kung magmura! Saka hello?! Totoo naman sinabi ko ah? Gago ka!"

"Hindi ka ba nakakapick-up ng joke?" Naiinis na tanong niya.

Umiling naman ako, "Kahit joke iyon, nakakabastos pa rin iyon. Babae ang kausap mo, at hindi rin naman ako katulad ng mga babaeng naikakama mo lang sa kung saan at pwed mong bastusin kahit kailan. "

Akala niya matatakot ako sa kanya? Excuse me! Mali naman talaga siya, eh! Matapos niya akong bastusin, hahayaan ko na lang ba iyon? Siyempre hindi noh! Hindi ko hahayaang tapakan ng iba ang sarili ko.

Bago pa ako makalabas sa comfort room ay nilingon ko pa siya at sinimangutan pa.

"Manyak!" Bwisit!

Akala niya masisindak niya ako sa mga masasamang tingin niya?!

Pagdating ko sa classroom, naroon na ang professor namin. "Dela Cruz, Avygail Mira. You're 15 minutes late.." Sabi sa akin ng aming Professor.

"Sorry po, Ma'am."

Kasalanan kasing lahat ito ni Aivan!

Habang nagtuturo si Prof ay lumilipad ang isipan ko. Ang walang hiyang Aivan na iyon!  Simula nang bumalik rito, nagulo na naman ang tahimik na buhay ko! At talagang ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin ang bagay na iyon ah?!

Ano akala sa akin ni Aivan? Katulad ng mga babaeng nakakasama niya?! Hindi noh! Isang malaking hindi, dahil hindi naman ako katulad ng mga naging babae niya.

Sa buhay ko; ngayon lang ako sinabihan ng isang lalaki tungkol sa bagay na iyon. Wala ba talaga siyang preno sa bibig niya? Ganoon ba talaga siya sa mga babaeng nakakasalamuha niya?

Nakakainis lang kasi pero sobrang mali na siya.

Pagtapos ng klase ay nagpaalam na kaagad sa akin si Lizette, mayroon din kasi siyang kailangan pang puntahan habang ako naman ay inaayos pa ang mga gamit ko.

Pero paglabas na paglabas ko pa lang ng classroom ay nakita ko si Aivan na nasa may hallway lang at tila mayroong inaabangan. Gusto kong matawa nang makita ko ang rekasyon ng mukha niya na tila inip na inip na.

Sino naman kaya ang inaabangan nito? O baka naman may panibagong aawayin?

Naglakad na ako at hindi na siya pinansin pa pero bago pa ako makalayo ay may humila na sa braso ko at paglingon ko ay si Aivan na naman.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon