"H'wag ka nang umiyak, Avy..." Pagpapatahan sa akin ng kaibigan kong si Lizette.Sinamahan ako ni Liz sa CR, nagpaalam kami sa Guro namin. Gusto ko lang naman na ilabas ang lahat ng naipong luha ko mula pa kanina. Sobrang sakit ng mga ipinagsasabi at ipinangalandakan pa niya sa mga kaklase namin.
Alam ko naman na isa akong ampon. Matagal ko nang alam 'yon at matagal ko na rin namang tanggap iyon, pero sa sinabi ni Aivan kanina na wala akong kwenta at pabigat lamang ako sa kanila at lahi pa ako ng walang kwenta ay iyon ang pinaka-hindi ko matanggap.
Hindi ko alam ang iba pang pagkakakilanlan ng Nanay ko pero, alam ko naman sa sarili ko na mabuti siyang tao. Lagi kong ipinapaalala sa sarili ko na kahit na iniwanan niya ako ay mahal na mahal pa rin naman niya ako.
"Avygail.... Kinakabahan ako sa'yo, Kumalma ka lang!" Ani Liz na tila kabado sa tabi ko.
Sa pag-iyak ko ay unti-unting bumibilis ang paghinga ko. Alam ko na ang sintomas ng nararamdaman ko ngayon, Inaatake na naman ako ng asthma.
"T—Teka lang! T—Teka lang! Dadalhin kita sa Clinic!" Naaalarmang sabi ni Liz pero hindi ko na iyon inalintana pa dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko.
Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may humahawak sa kamay kol kaya iminulat ko ang mata ko at tinignan ko kung sino ang taong humahawak sa kamay ko.
"Mabuti at gising ka na! Gaga ka talaga! Iyak ka kasi ng iyak kaya ka inatake ng hika!" Ani Lizette sa akin. "Nandito kanina ang adviser natin, nalaman kasi ni Ma'am Ramiro na ang pinagmulan ng lahat ng ito ay si Aivan! Kaya hayon at ipinatawag niya ang magulang niyo." Sabi pa niya.
Naalarma ako nang marinig ko ang sinabi niya, "Paano nalaman ni Ma'am Ramiro? Sinumbong mo ba si Aivan?" Tanong ko.
"Gaga! Syempre hindi! Alam ko naman na gusto mong isikreto na lang yung ginagawa sa'yo ng baliw na iyon. Ang nagsumbong lang naman ay walang iba kung hindi ang mga epal na kaklase natin. Narinig kasi nila ang lahat ng mga sinabi ni Aivan kanina." Sabi pa niya.
Excuse na sana ako sa klase pero pinili ko na lamang na pumasok sa susunod na klase dahil okay na naman ang pakiramdam ko, si Lizette naman ay pumunta na sa pwesto niya habang ako ay gayon din ang ginawa.
Saglit akong napabaling ng tingin sa kinape-pwestuhan ni Aivan pero nakayuko lamang siya, Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya kaya nagkibit-balikat na lamang ako. Sana naman ay matauhan na siya sa lahat ng mga pinagsasabi at pinaggagawa niya sa akin.
Nang matapos ang klase ay agad akong nagpaalam sa kaibigan ko dahil gusto ko na talagang makauwi para makapagpaliwanag kina Tita Cassie at Daddy Blake. Gusto ko lang na linisin ang pangalan ko sa nangyari kanina.
Pagdating ko sa Car Park ay nakita ko na ang sasakyan at si Kuya Ryan. Hindi ko naman kasabay si Aivan sa tuwing ako ay papasok o di kaya naman ay pauwi na, may sarili kasi siyang service, minsan nga ay siya na ang nagmamaneho ng sasakyan kapag wala si Daddy at Tita Cassandra.
Pag-uwi ko sa bahay ay naroon na si Tita Cassandra, "Good afternoon po." Sabi ko at nagmano ako sa kanya.
"Mabuti at okay ka na, may natanggap akong tawag kanina galing sa teacher mo at nalaman ko na inaway ka na naman ni Aivan..." Sabi niya sa akin habang ine-examine ako, doctor kasi si Tita Cassandra, "Pupunta sana ako kanina kaso may operasyon ako. May inoperahan ako kaninang pasyente..."
"Okay lang po iyon, Okay na naman po ako." Sabi ko.
Lumapit siya sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya, "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Aivan.... Wala naman akong naiisip namdahilan kung bakit hanggang ngayon ay galit na galit siya sa'yo.... Kaya ako na ang hihingi ng patawad para sa kanya, Huwag kang mahihiyang magsumbong sa akin o sa Daddy Blake mo."
Napatango ako. "O—Opo, sorry din po.."
Wala pa si Aivan, marahil ay may practice na naman siya ng basketball habang si Daddy Blake naman ay pauwi na pala galing sa business meeting. Dapat ay sabay sila na uuwi ni Tita Cassie ang kaso lamang ay may set na schedule si Tita sa hospital ngayong araw. Si Daddy Blake ay susunod na lamang sa pag-uwi mamaya.
Pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay siya namang pagdating ni Daddy Blake kaya agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango ako, "Opo, ayos na po ako."
Ngumiti siya at pagkatapos ay pinantayan ako ng taas at saka ako hinalikan sa pisngi, "May pasalubong ako sa'yo, H'wag mo na lang ipaalam sa Kuya Aivan mo dahil baka kunin niya na naman 'to sa'yo.."
Tumango ako sa kanya at saka din bumukas ang pintuan at pumasok si Aivan, Lumapit siya kay Daddy para magmano pero nanlaki ang mata ko nang hilahin ni Daddy ang kwelyo ni Aivan kaya kinabahan ako.
Tinignan ko ang paligid para sana tawagin ko si Tita Cassandra ngunit natandaan ko na bumalik pala siya sa hospital kani-kanina lamang.
"Ano na naman 'tong ginawa mo kay Avygail, huh?! Inatake na naman siya ng hika nang dahil sa kalokohan mo! Hindi ka ba nahihiya sa pinaggawa mo? Maraming nakakakita at maraming nakakaalam sa ginagawa mong kalokohan kay Avygail!"
Nanlaki ang mata ko nang suntukin ni Daddy si Aivan kaya lumapit ako sa kanila para umawat, mabuti na lang at medyo kumalma na si Daddy.
"Sa susunod na malaman ko na pinaiyak mo na naman si Avygail, malilintikan ka na talaga sa akin!" Aniya at pagkatapos ay pumunta namsa kwarto niya.
Naiwan kaming dalawa ni Aivan, at nang mapabaling ang tingin ko sa kanya ay masama na pala ang tingin niya sa akin.
Nagulat ako nang hilahin niya ako patungo sa may hardin ng bahay, Huminto kami sa harap ng pool at nakita kong nakatitig lang sa hawak kong karton si Aivan, kaya kinabahan ako at huli na para itago iyon dahil kinuha niya sa akin ang karton at binuksan para makita ang laman.
Napatawa siya nang makita ang lamang ng karton, "Iphone 7 plus.. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal 'to, ha?" Aniya habang ipinapakita sa akin ang cellphone.
Hindi na lamang ako naka-react nang ilagay niya sa bulsa niya ang cellphone na bigay sa akin ni Daddy. Napayuko ako para itago ang nagbabadyang mga luha ko.
Hinawakan ni Aivan ang baba ko para itaas ang paningin ko sa kanya, "Tumigil ka sa pag-iyak mo, bubwit. Hindi ako naaawa sa'yo, kahit na bugbugin pa ako ng paulit-ulit ni Papa.... Lagi mong tatandaan na sampid ka lang dito, ampon ka lang. Iniwan ka ng malanding Nanay mo dahil wala kang kwenta, dapat sa'yo binebenta!" Aniya at marahas na binitawan ang baba ko at saka umalis.
Habang ako ay naiwang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."