Kabanata 34

75.5K 1.9K 105
                                    

Paggising ko pa lang ay agad ko nang naalala ang ginawa sa akin ng Aivan na iyon! Hanggang ngayon kasi, pakiramdam ko ay kumapit sa balat ko ang..... Hay nako!

Bumangon ako at nagtungo na sa banyo ng kwato ko upang maghilamos at nagtoothbrush, ginawa ko na rin ang everyday routine ko tuwing umaga.

Pagkatapos ay saka naman ako lumabas ng kwarto para sana kumain pero pababa pa lang ako ay narinig ko na ang boses ni Aivan at sa tingin ko ay hindi siya nag-iisa.

"Shit! Ang sarap!"

Namilog ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon ni Aivan! Malakas din ang kutob ko na mayroon siyabg ginagawa. Kaya naman nagtago ako para naman hindi niya kaagad ako nakita.

"Ahh! Ganyan nga!"

Napatakip ako sa bibig ko at ewan ko ba dahil magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko nang marinig ko iyon.

"Oo, tol! Ganyan dapat, lagyan mo ng kaunti pang magic sarap para mas masarap na 'yang niluluto mo."

Napakunot ang noo ko sa narinig.

"Tikman mo nga ulut kung masarap, pre."

Sumilip ako ng kaunti sa may pinanggagalingan ng ingay at nakita ko mula sa kinaroroonan ko si Aivan na nakatalikod sa akin habang nakaharap sa niluluto niya, mayroon rin siyabg suot na apron.

Bahagya tuloy akong napatawa.

Nakita ko naman sa tabi niya si Zach na panay ang turo kay Aivan kung paano ang tamang pagluluto.

Kaya naman pala, nandito pala si Zach at tinuturuan pa niya si Aivan sa pagluluto.

Ano naman kayang naisipan ni Aivan at nagluto siya?

"Oo pre! Masarap nga! Siguradong matutuwa si Avygail niyan sa'yo."

"Siguraduhin mo lang tol ah? Kailangan masarapan si Avy dito....." Napatigil si Aivan at napatingin sa lamesa, "Naka-ready na pala ang lahat... Umalis na ka na pre, tatawagin ko na kasi si Avy. Huwag ka na babalik ah?"

Nang marinig ko ang sinabi ni Aivan kay Zach ay agad na akong bumalik sa kwarto ko. Humuga agad ako sa kama ko at nagkunwaring tulog.

Pero deep inside, sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko tuloy, hindi kami tunay na magkadugo ni Aivan... Pero hindi lang naman kasi pakiramdam eh, malakas na malakas ang paniniwala ko na hindi kami tunay na magkapatid.

Kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan ko nang makausap si Papa. Para naman mabigyan nang kasagutan ang lahat ng mga tanong sa isip ko.

Ilang saglit pa ang lumipas ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa kwarto ko.

Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko, at ilang sandali pa ay may dumamping labi sa noo ko, pero nagkunwari pa rin akong tulog.

"Ang ganda mo talaga....." Mahinang sabi niya ngunit malinaw ko pa ring narinig iyon.

Hindi ko na kayang magpigil kaya kunwari pa akong humikab, agad namang inalis ni Aivan ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.

Napatingin ako kay Aivan at nakita kong kamot-kamot niya ang batok niya na tila ba nahihiya.

"Uhmm... Gising ka na pala." Aniya

Kunwari pa akong nag-stretch, "Bakit ka nandito?"

"Kasi...... May niluto ako." Napatigil siya sa pagsasalita at bahagyang napayuko, "Diba sabi mo sa akin dati, turn on ka sa mga lalaking nagluluto?"

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon