"Tol, dinala sa clinic si Avygail." Sabi ni Eric sa akin.
Napayuko ako at napahawak sa sentido ko, "H—Hindi ko naman sinasadyang sabihin na ampon lang siya.. Hindi naman talaga siya naging pabigat sa bahay... Nadala lang ako ng galit dahil sa ginawa ng Mama niya sa Mama at Papa ko." Sabi ko kay Eric.
"Eh, pre... Kung ano man ang naging kasalanan sa'yo ng Mama ni Avygail. Huwag mo na sanang idamay si Avygail lalo na at wala naman siyang alam sa nagawa ng Mama niya." Ani Eric.
Mariin akong napapikit bago muling magsalita, "Magpraktis na nga lang tayo ng basketball tol!"
Member ako ng varsity team ng school namin. Hindi naman sa pagmamayabang pero ipagmamayabang ko na rin.
MVP ako, two times. At kahit na hindi pa ako inilalaban sa Mr. University ay maraming girls na ang dead na dead sa akin.
Mayroon akong girlfriend, pero nakalimutan ko na ang pangalan niya.
Ah, basta. May girlfriend ako pero hindi ko naman talaga siya sineseryoso. Pampalipas-oras ba?
Nang makauwi ako galing sa practice game namin ay namataan ko na kaagad si Papa na kausap si Avygail.
Hindi nila namalayan na nandito lang ako sa may pintuan.
Narinig ko pa ang sinabi ni Papa kay Avygail, "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Papa kay Avygail.
Tumango naman si Avygail, "Opo. Ayos na po ako."
Ang sweet nilang dalawang tingnan. Para silang tunay na mag-ama. Lalo na nang pantayan ni Papa si Avy nang taas. "May pasalubong ako sa'yo.. Huwag mo na lang ipaalam kay Kuya Aivan mo dahil baka kunin na naman niya ito sa'yo."
Ibinigay ni Papa kay Avygail ang isang karton. Buti pa si Avygail, may regalo.
Hindi ko na natiis kaya pumasok na ako sa loob. Nang makita ako ni Papa ay nilapitan niya ako at kinwelyuhan.
"Ano na naman 'tong ginawa mo kay Avygail, Huh?! Inatake na naman siya ng hika nang dahil sa kalokohan mo! Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?! Maraming nakakita at maraming nakaalam sa ginawa mong kalokohan kay Avygail!"
Napa-aray na lamang ako nang maramdaman ko ang kamao ni Papa sa mukha ko.
"Sa susunod na malaman kong pinaiyak mo na naman si Avygail, malilintikan ka na talaga sa akin!" Sabi ni Papa at umalis na rin.
Naiwan kaming dalawa ni Avygail na ngayon ay umiiyak na. Wala na, balak ko pa naman sannag mag-sorry sa kanya kaya lang nagsumbong na naman siya kay Papa.
Sa inis ko ay hinila ko siya papunta sa hardin ng bahay. Huminto kaming dalawa sa harapan ng pool at napatitig ako sa hawak niyang karton.
Kinuha ko iyon sa kanya at binuksan ang laman ng karton. "Iphone 7 plus. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal 'to, ha?!" Ipinakita ko sa kanya ang cellphone.
Ngumisi ako at inilagay na ang cellphone na hawak ko sa bulsa ko.
Hinawakan ko ang baba niya, "Tumigil ka sa pag-iyak mo, bubwit. Hindi ako naaawa sa'yo kahit na paulit-ulit pa akong bugbugin ni Papa... Lagi mong tatandaan na sampid ka lang dito, ampon ka lang! Iniwan ka ng malanding Nanay mo dahil wala kang kwenta! Dapat sa'yo binebenta!" Sabi ko at pagkatapos ay iniwan ko siyang umiiyak.
NARAMDAMAN ko ang pagtapik ni Papa sa balikat ko, "You are not young anymore. Because you are having your son." Sabi ni Papa sa akin.
Yumakap ako sa kanya, "Kahit na magkakaroon na ako ng anak. Ako pa rin ang baby n'yo ha? Kami ni Allen." Sabi ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Prince Of The Womanizers (Completed)
Romance"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto kitang maging masaya, kaya ipapangako ko na isa sa mga araw na ito, makakakita ka na ulit."