Mission 24
Florence Almero
Nasa Oto kami ngayon ni Nero. At parang ang saya saya ng hari ng mga Shokoy may patapik tapik pa ng daliri sa manibela at may pagsipol sipol pa, akala niya naman cool na cool siya niyan? Ni wala ngang aircon ang Oto niya!
Dahil nga nagreklamo ako na mainit. Ang matalinong Shokoy binuksan ang bintana. Sabog sabog ngayon ang buhok ko, napaka cool nga naman.
Akala mo naman sports car ang ni dadrive niya Oto lang naman. May nalalaman pa siyang patapik tapik sa manibela. Mayamaya maflatan pa kami ng Oto niya tingnan ko lang kung makakatapik at makakasipol ka pang Shokoy ka.
"What are you staring at?" nakataas na kilay na tanong sa akin ng Shokoy habang nakatingin sa kalsada. At pinagtataasan na ako ng kilay ng Shokoy na ito. Anong pinagmamayabang niya ang Oto niya?
"Cool pala talaga ang Oto mo Nero, grabe ngayon ko lang naappreciate" habang patuloy ako sa paghawi sa buhok ko na sinasabong na ng hangin.
Napansin ko rin na nagoovertake ang Oto ni Nero. Ang lakas ng loob ng Shokoy makipagkarera.
"Nero mahiya ka naman may pakikipagkarera ka pang nalalaman. Ang ganda naman ng sasakyan mo. Pagnagloko ang sasakyan mong ito, ibabalik kita sa dagat na pinanggalingan mo" parang déjà vu.
No way! Nanganganib na naman ako.
"Hood mamaya mo na ako lambingin nasa daan pa tayo" Anong sabi ng shokoy?
"What?" iritado kong tanong sa kanya. Alin sa mga sinabi ko ang malambing?
"I know Hood, you missed me so damn much. Sige hahayaan kitang hawakan ang katawan ko sa kahit saan mo gusto. I'll make this car faster, hindi ka marunong maghintay" ngusong sabi niya na parang gustong gusto ko talagang hawakan ang katawan niya. Alam ba ng Shokoy na ito ang sinasabi niya? Kinikilabutan ako sa pinagsasabi niya
"Ikaw ba Nero nakainom ng gasolina?"
Hindi niya ako sinagot, dineadma lang ang kagandahan ko ng Shokoy. Hindi na lang ulit ako nakipag usap sa kanya at pinag igi ko ang paghawak sa buhok ko na sinasabong na ng hangin. Hiyang hiya naman kasi ako sa Oto niyang may aircon.
Mabilis naman ang pagpapatakbo niya sa Oto niya kaya nakarating agad kami sa kuta nila. Nasa tapat na kami ng gate.
"Saglit lang Nero" tinigil niya ang Oto niya at agad akong bumaba.
"Hood, what's wrong?" bumaba na rin siya sa Oto niya.
"That car is familiar" hindi ba kay Gio ang sasakyan na iyon? Puntahan ko kaya?
"Cheap car" comento ng Shokoy. Nagsalita ang mayamang Shokoy, Oto lang naman ang dinadrive niya...ang lakas ng loob manlait ng sasakyan. Maayos talaga siyang pinalaki ni LG.
"Hiyang hiya naman ako sa Oto mo" kibit balikat lang ang sinagot niya sa akin, sumakay na ulit siya sa pinagmamalaki niyang Oto.
BINABASA MO ANG
Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)
RomanceFormer title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secrets. Book 1 of Arms Trilogy Covers are not mine, credits to rightful owner.