Mission 63

436K 14.1K 4.1K
                                    

Mission 63


Sana magising na ako sa bangungot na ito. Sana panaginip lang ang lahat na ito. Ayoko na.



Iginapos ako ng mga kasama ni Samuel at hinila sa lugar kung saan niya itatapon si Nero at si Dad. Panay ang piglas ko sa kanila habang hila hila nila ako. Demonyitong Samuel!

Ngayon lang ako nakadama ng ganitong pakiramdam, suklam na suklam ako sa hayop na Samuel na ito! Sukdulan na ang galit ko sa kanya na halos isipin ko na sana may pumatay na sa kanya. Kung pwede lang akong pumatay ay siya ang kauna unahan kong papatayin.

Hindi ko akalain na dadating ang araw na may gugustuhin akong mamatay na tao.

I want him dead. I want him dead.



Pakinig ko ang pagtawag ni Lolo sa akin habang hinihila ako ng mga tauhan ni Samuel, ganun din ang kambal na Cortez. Wala na akong naririnig na boses ng mga Ferell.

They're still alive Florence. Buhay pa sila. Ferell sila Florence. They're tough.



Tumigil sila sa paghila sa akin nang makarating kami sa lugar na gusto nila. Nakahanda na anumang oras ang mga kasama ni Samuel sa utos niya. Hawak na nila si Nero at si Dad. Ganito pala ang pakiramdam ni Dad para sa akin kanina. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ayokong masaksihan ang anumang mangyayari ngayon. Hindi ko kakayanin.



Binuhusan ng tubig ang mukha ni Nero. Ginigising siya gamit ang baril, pinilit kong makalapit sa kanya pero pinigilan ako ng mga tauhan ni Samuel. Please, wake up Nero. Wake up.



Nang marinig ko siyang bahagyang umubo. Lalong umapaw ang mga luha ko. He's safe.



"Nero!!" sigaw ko sa kanya.



"Florence!!" pinilit siyang tumayo sa kabila ng tama niya at bugbog sa katawan. Ang sakit pala ng ganito. Nasa harapan ko na siya pero hindi ko man lang siya mahawakan. I want to hug him, I want his warm, I want to be on his side and I want to kiss him for the last time.



"Sinakatan ka ba nila? Are you hurt? Florence, I love you" halos magwala siya pagpupumiglas sa mga lalaking pumipigil sa kanya.



"I'm scared Nero"



"Tama na yan. Ang drama nyo, itapon nyo na si Romeo" walang nagawa ang pagmimiglas ni Nero dahil naitulak siya ng walang kahirap hirap.



"Nero!!!"

Napatakbo ako sa lugar kung saan nila itinapon si Nero kung hindi nila ako marahas na pinigilan ay nakatalon na rin ako.

He can't die. He can't die. Hindi ko makakaya.


Napakalakas ng alon, mahina na ang katawan niya. He can't survive on those waves for God sake!

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon