Mission 1.2

1M 32.7K 13.6K
                                    

Mission 1.2


Kung kanina ako ang dinalaw ng mga Shokoy sa classroom ko. Ako naman ang dadalaw sa kanila ngayon.

First time kong pumunta sa kung nasaan silang sulok ng university na ito. I don't mind them at all, hindi ko tuloy akalain na dadating ang panahon na ako mismo ang lalapit sa kuta ng mga Shokoy na ito sa university.

Napakalaking effort na ang ginawa ko, maiwasan ko lang sila dito. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko para maging normal ang buhay paaralan ko pero hindi siguro mangyayari 'yon hanggat may nabubuhay na Shokoy dito sa GyroNella.


"I heard they're from section B?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako sa may corridor.

Second section pala sila, parang hindi ko matanggap. Mas mataas pa sa akin? Parang gusto ko na yatang magpumilit lumipat sa 1st section. Ayokong maungusan ng mga Shokoy na iyon sa kahit anong larangan, parang hindi ata katanggap tanggap iyon. Nasa pangatlong section ako dahil wala ng slots sa first section kaya sa chandelier ako pumatak at ewan ko kung saan binase ang pangalan ng mga secton dito. I find it damn corny.

Dumiretso ako sa 4-BlueRose at agad kong tinanong ang propesor dito.


"Miss pwede po ba sa mga Ferell?" ngumiti ako nang napakatamis sa propesor na nasa harapan ko.


"Oh Si Ms. Almero. Ferell ba?" napansin ko nagsalubong ang kilay ni Miss, bakit kaya?


"Hindi dito ang section ng mga Ferell" what? Naligaw ba ako?


"Ano po Miss?" medyo litong tanong ko. Hindi ba at sa second section ang mga Shokoy na 'yon?


"V sila hindi B, Victory ang section ng mga Ferell" maiksing sagot sa akin ng propesor.


"Sabi ni Troy---?" pero hindi na natuloy ang dapat kong sasabihin. Bakit ba ako magtataka, si Troy nga pala 'yon? Hindi nga pala 'yon matinong kausap. Oo nga naman, ang mga Shokoy section B? asa, letter V pala. Napapailing na lang ako.

Kaya mabilis akong nagpunta sa classroom ng Victory. Katulad nang una kong ginawa, itinanong ko agad kung nasa loob ang mga Ferell.


"Sir pwede po ba sa mga Ferell?" katulad din ni Miss kanina nagsalubong din ang kilay niya. Don't tell me na mali na naman ako.


"Mga Ferell may dalaw kayo! Si Ms. Almero" sigaw ni Sir sa mga Shokoy. Agad akong napangiwi sa paraan ng pagtawag niya sa mga Shokoy, parang may dalaw lang sa preso.

Hindi ko tuloy mapigilan na bahagyang sumilip kung nasaan ang mga Shokoy. At napaismid na lang ako sa posisyon nilang lima. Nakataas ang kanilang mga paa sa table sa kanikanilang maangas na paraan. Estudyante pa ba ang mga yan?

Sa pagtawag sa kanila ni Sir, bahagya lang silang sumulyap sa may pintuan. Mabilis kong inalis ang pagkakasilip ko sa kanila.


"Pamilyar siya" pakinig kong sabi ni Owen, kahit apelyido ko hindi nila matandaan. Kasi naman kung ano ano ang itinatawag nila sa akin.


"Narinig ko na 'yan kanina" sagot naman sa kanya ni Aldus. Bakit ang lalakas ng usapan nila? Ang lakas lakas nilang magsalita, sa kanila ba ang buong classroom?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon