Mission 64

446K 13.9K 3.7K
                                    

Mission 64


Anong ibig sabihin ni Nero? It can't be. It can't be.



"Nero..nagbibiro ka lang diba? Nagbibiro ka lang? Nandyan naman si Dad.. nakaligtas rin siya diba?" halos manlumo ako nang mahinang umiling sa akin si Nero.



"Nero..please nagbibiro ka lang.." wala na siyang ginawa kundi punasan ang nag uunahang luha sa mga mata ko. Bakit hindi na ito matapos tapos?



"Sorry..your Dad helped me" hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Help him?



"Your Dad sacrificed his life for me. Sorry Florence.." my Dad...



"I'm sorry Florence... I was about to let go..bibitawan ko na sana ang tali dahil hindi kami kakayanin ng Daddy mo pero pinigilan niya ako. Siya ang bumitaw...Sorry Florence.." lalong nagpatakan ang mga luha ko. Marinig ko lang ang salitang bumitaw, nanghihina ako. Hindi ko man lang nasabi kay Dad ang mga pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Hindi ko man lang nasabi sa kanya na nagsisisi na ako sa lahat ng mga ginawa ko sa kanya. I'm damn pathetic, ngayong wala na saka ko pa naisip ang matagal ko ng dapat ginawa.



"Thanks to your cousins..they save me" my cousins? They're guarded in the lower deck. Papaanong? Marami pa akong gustong itanong at sabihin kay Nero nang marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko.



"Florence!!" naramdaman ko na lang ang yakap ng mga kaibigan ko mula sa likuran ko. Aira and Camilla. I'm glad they're fine. Humarap ako sa kanila at sinalubong ang kanilang yakap.



"Si Daddy..." ito na lang ang tangi kong nasabi habang yapos yapos sila.



"What happened to Tito?" tanong sa akin ni Camilla.

Sumulyap silang dalawa sa taong nasa likuran ko. At mabilis nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila.

Seeing the look on their faces, they knew the answer.



"Oh, Florence..we're here" halos maiyak na sabi sa akin ni Aira. Sabay nila ulit akong niyakap. Napahagulhol na lang ako nang iyak. Wala na si Dad..wala na siya..

Nagtagumpay si Samuel. Kinuha niya sa akin ang mga magulang ko. Sinira niya ang pamilya ko. Napakasama niyang tao.



"Florence..." kumalas sa aking pagkakayakap ang dalawa kong kaibigan nang marinig nila ang boses ng isa sa mga pinsan ko.

And there, I saw my cousins standing behind my friends. Basang basa rin sila katulad ni Nero. Hindi na nagsalita pa si Kuya Nik at mabilis niya akong niyakap.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon