Mission 7

881K 22.6K 3.9K
                                    

Mission 7


"She's...... she's holding a gun!" sabay sabay nilang sigaw na halos wala ng kulay ang mga mukha nila.

Nagsisimula na akong masiyahan sa mga nangyayari dahil sa nakikita ko. Halos pagpawisan na silang lahat nang ilabas ko ang baril na hawak ko. Hindi ba ang hindi pagpapawisan ng malapot kapag tinutukan ng baril? Ginagawa ko lang naman ito para ipamukha sa kanilang hindi ako ordinaryong babae na kaya nilang paglaruan at kayankayanan na lamang. Sino ba sila? Mga camera shy lang naman sila.

Pero hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo ko sa ginagawa nila ngayon. Ang lalaking nagdadart, ang natutulog kanina at 'yong isang topless ay nagpunta sa likuran ng lalaking humalik sa kamay ko. They're simply amusing. Human shield huh?


"What the---? Anong ginagawa nyong tatlo?" iritadong tanong ng pangahas. Kung hindi ako nagkakamali, Troy ang pangalan niya. Lumipat agad siya ng posisyon pero agad pa rin siyang sinundan ng kapwa niya may kulang sa turnilyo. Napairap na lang ako sa hangin. Bakit parang ang tatanga nila?


"Shield bahala ka sa buhay mo! Harangan mo ang bala tutal kasalanan mo naman to!" sigaw sa kanya ng isa pang topless. Bakit ba walang damit ang dalawang 'yan? Agad akong napasulyap sa bundok na damit sa tagiliran. Oh well, tinanong ko pa ang sarili ko.


"Ako ata ang nauna sa likod ni Troy! Move! Baka tamaan ako" sabi naman nang nagdadart kanina. Wait naaalala ko ang pangalan nito. Al..?dus. Aldus nga ata.

Kasalukuyan na silang nagtutulakan sa likuran nang tinatawag nilang Troy. Napapabuntong hininga na lang ako sa napapanuod ko.


"Just don't move Troy, I can't be hit" simpleng sabi ng lalaking natutulog kanina. Why so cool? Umarko na naman ang kilay ko. I guess, I need to speak up. Nakakasawa na rin silang panuorin.


"Kahit anong tago nyo, matatamaan kayo" mas itinaas ko pa ang baril ko sa kanila. Gusto ko nang tumawa sa nakikita ko. Sabay sabay lang naman silang napalunok sa sinabi ko at dahan dahan silang umaatras palikod. Naniniwala ba talaga silang babarilin ko sila? Hindi nga pumuputok itong baril na hawak ko. Haist.


"Miss, sorry na" nagpapanic na sabi ni 'Troy'. Siya ang may kasalanan ng lahat kung hindi siya nangahas halkan ako, hindi mangyayari ang dramahang ito. Damn.


"Pag usapan natin ito" sabi naman ni 'Aldus' na agad din namang nagtago sa likuran ng kapwa niya kulang sa turnilyo.


"Ayoko pang mamatay" umiiling na sabi ng lalaking topless


"Hindi pa ako nakakapagpadami ng lahi" napangiwi ako sa sinabi ni Troy. Grabe, sa dami ng pwedeng isipin. Nagkunwari na lang akong humikab pero sa totoo lang nag eenjoy na ako sa mga kalokohan nila.


"Pumapayag na kami. Dito ka na tumira" lumipad ang paningin ko sa lalaking natutulog kanina. Atleast someone here knows what the transaction is.


"Anyway, isa lang naman ang sasabihin ko sa inyo. I will live here with or without your approval. So whether you like it or not dito talaga ako titira and you should know my rules. Clear?" mabilis na sabi ko na may kasamang pagtaas ng kilay.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon