Mission 3.2

835K 23.4K 3.8K
                                    

Mission 3.2


Wala akong balak umuwi ng maaga pero dahil sa kawalang hiyang ginawa ng lalaking 'yon, napagpasyahan kong umuwi na ng mansion ng maaga.


"Apo, bakit maaga ka ngayon? May nangyari ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Lolo.


"Wala naman" nagkunwari na lang akong humihikab para hindi na dumami pa ang tanong sa akin ni Lolo.


"Lolo tutulog na ako bukas na lang tayo mag usap" isasara ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang may itinanong pa siya sa akin.


"Florence, kilala kita may nangyari ba sa party?" pinakatitigan ako ni Lolo habang hinihintay ang magiging sagot ko.


"Lolo naman inaantok lang ako kaya maaga na akong umuwi, sige na wag ka ng mag isip ng kung ano magpahinga ka na rin" medyo bored ang paraan ng pagkakasabi ko para magpatakpan ang kaba sa dibdib ko.


"Bukas na tayo mag usap ha, Good night Lolo" sinarhan ko na ang pinto

Nakalusot na ako ngayong gabi, paano naman kaya bukas? Napabuntong hininga na lang ako, kung sakaling malaman man ito ni lolo siguradong mapapatawad niya ako. Syempre, nag iisang apo ako. Pagpasensiyahan na. Nagkibit balikat na lang ako.

Bago ako natulog ay pinili kong magbabad sa bathtub para malinis ang katawan ko na kinapitan ng mga mikrobyo. What the fuck is wrong with that creepy guy? Baka naman nakadrugs or something?

Nakahiga na ako ngayon sa aking kama habang nakatulala sa kulay puting kisame hindi maalis sa isip ko ang lalaking pahamak na hinahabol ko, kung hindi siguro siya nawala sa paningin ko hindi magkakanda letche letche ang gabi ko. Damn that guy, magsama sila ng manyak na lalaking 'yon.


--


Maaga akong nagising sa hindi ko maintindihang dahilan. Naligo muna ako bago bumaba at pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay nagdiretso na ako sa kusina para kumain.


"Good morning lolo" masiglang bati ko sa lolo ko na humihigop na ng kanyang kape.


"Good morning apo, ang ganda ng gising mo" pansin agad ni lolo ang masiglang bati ko. Oh well, paborito ko lang talaga ang Saturdays.


"Whoa! wait who's here? Dad? Wala ka bang trabaho ngayon? Bilog ba ang buwan ngayon?" may pagtingin pa ako sa bintana para silipin ang kalangitan. Anong ginagawa ni Dad dito?


"Sa totoo lang may trabaho talaga ako ngayon pero dahil sa gulong ginawa mo kagabi! Naantala ang mahahalaga kong dapat gawin!" napapikit na lang ako sa lakas ng boses niya. Oh well, just like the usual. Nasa mansion siya para sermonan ako, ano nga ba ang bago sa buhay ko?


"So, what's the deal Dad? Unahin mo muna importante mong dapat gawin kaysa sa anak mo. Sanay na naman ako" kibit balikat na sagot ko sa kanya habang kumukuha ako ng tinapay sa lamesa.


"Ayusin mo ang pananalita mo Florence Celestina Almero! Ama mo ako!" buo na naman niyang tinawag ang pangalan ko. Galit na galit na agad?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon