Mission 21
Troy Ferell
Nakangisi na ako habang pinapanuod ang mga pangyayari ngayong gabi. Wala na sa katinuan si Nero ngayon dahil sa nawawalang si Doll, baka naman nasa banyo lang. Hindi ko 'yan pinsan. Si Aldus naman ay hindi ko alam kung nasaan habang si Tristan naman ay baka inabot na nang antok sa kung saang sulok.
Sino na lang ang nasa tamang katinuan ngayon? Walang iba kundi ako, ang pinakamatalino at hot sa lahat. Naiiling na lang ako sa aking sarili, bakit ko pa masyadong iniisip ang umaapaw kong kakisigan? Ako lang ang mahihirapan sa kaiisip dahil alam kong wala itong hangganan.
Kung tatanungin ako sa nakaraang audio porn? Well, hindi naman ako ang salarin. Madalas nga akong mahuli ni LG kung may mga kalokohan ako, pero sa pagkakataong ito hindi ako ang nahuli.
Si Owen. Muntik pa akong mapapalakpak nang narinig ko ang boses ng dakila kong pinsan. Kulang na nga lang ay sumigaw ako nito, 'Tang ina! Pinsan ko yan! Idol!'
Pero hindi ko tinuloy ang aking pagsigaw dahil alam kong nandito si LG. Batukan pa ako ng matandang 'yon, wag na lang. Kaya pinili ko na lamang magkunwaring hindi ko sila kilalang lahat. Isa akong other guest, hindi nila ako kasama.
Hindi talaga ako makapaniwala, audio porn star pala si Owen bakit inilihim niya pa sa akin? Susuportahan ko naman siya.
Kasalukuyan nang nagkakagulo ngayon habang ako naman ay nakaupo sa isang tabi. Bahala sila sa buhay nila, other guest nga ako. Katatapos ko lang magnilay sa isa sa mga kwarto at sinamahan ako ni pink girl, nakalimutan ko na ang pangalan niya basta ang tanda ko maganda ang suot niya, nakakalinaw ng mata. Ano ba ang dapat gawin sa magagandang kwarto ng hotel na ito kung hindi gagamitin ng gwapong katulad ko?
Nagwawala ngayon si Nero na parang tanga. Kung wala sa banyo si Doll, baka naman nauna nang umuwi. Kapag tinanong ako kung kakilala ko ang isang 'yan, siguradong tangging pakamatay ako. Bakit sa aming magpipinsan ako lang ang lumabas na matino? Tsss. Naaawa talaga ako sa mga pinsan ko.
Hindi na ako nakikiawat sa mga guard bahala sila sa buhay nila. Matigas pa naman din ang ulo ng pinsan kong 'yan.
Nakita ko na rin si Aldus na parang balisa na rin.Tang ina, hindi ko rin siya kilala. Si Tristan? Hindi ko alam, hindi ako tanungan ng nawawalang tuta. Siguro ay palaboy na naman ang antukin kong pinsan.
Pero ang nakakatawa! Hila hila ngayon ni na pulang pula na sa galit ang tenga ni Owen na nakangiwi na. Hindi ko na napigilan ang pagtawa, tang ina ka Owen. The best ka pinsan!
"Ouch! Lolo...let go of my ear. LG, nakakahiya ka na" reklamo ni Owen.
"Shut up" seryosong sabi ni LG. Tang ina, kailangan ko nang umalis dito. Masama na ang timpla ng mukha ni LG, madadamay ako nito.
"Garpidio! Paninindigan ng apo ang apo ko" galit na sabi ni Don Leandro. Apo pala ni Don Leandro ang biktima niya, bakit naman kasi ni audio pa niya? Tanga lang.
"No way! Walang nangyari sa amin" angal ni Owen. What the fuck? Niluhod na siya ng babae. Damn, mabuti malinis akong gumawa ngayon. Tanga talaga nitong si Owen.Pakinig ng nang lahat, tanggi pa siya. Ferell ka nga Owen, goodluck.
"Oo, paninindigan niya" madiing pagkakasabi ni LG. Hinila niya na ulit si Owen sa tenga.
Ako na ngayon ang napapangiwi sa paraan ng paghila ni LG sa tenga ni Owen. Hindi ko napansin na napahawak na rin ako sa tenga ko. Masakit 'yon panigurado.
![](https://img.wattpad.com/cover/21175063-288-k802270.jpg)
BINABASA MO ANG
Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)
RomanceFormer title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secrets. Book 1 of Arms Trilogy Covers are not mine, credits to rightful owner.