Mission 56
For my 5th and 6th dance are my nephews na masayang masaya sa batman at spiderman nilang costume. They're so cute. Sa gilid ng aking mata napansin ko si Lina at Nally na magkasama. Sabay silang kumaway sa akin, kumaway din ako pabalik sa kanila. Umuwi talaga si Nally?
My 7th dance is LG na nakasuot ng leather boots with a fishing rod on his back. A fisherman then, he's so creative as always. Just like his grandsons. Inabot na niya sa akin ang rose na hawak niya at nagsimula kaming magsayaw.
"Happy Birthday hija" madami pa akong gustong itanong kay LG from the very start but I know this is not the right place to ask him.
"You so beautiful hija, wag mong kikindatan si Nero mamaya baka bigla kang kagatin ng apo ko" natatawang sabi niya and I rolled my eyes. I never winked at him baka nga magulat 'yon pag kinindatan ko siya.
So he's here, bakit hindi ko siya makita? Inikot ko ang paningin ko sa mga taong nanunuod sa amin but even his cousins, I can't see their shadows either.
Sa pagtingin ko sa paligid ang napansin ko ang magbest friend na Antonia at August kausap ang mga kabarkada ni Gio. Oh, invited din pala ang Aylip people. This part of me is quite mess up too
Oh, Gio's friends are in danger. Those Aylip girls are venomous. Muling bumalik ang atensyon ko sa 8th dance ko, si Raje na ang lumalapit na sa akin with his weird outfit.
"Happy Birthday" inabot niya na rin sa akin ang red rose na hawak niya at nagsimula na kaming magsayaw.
"Thanks. Nice outfit" ngumisi lang siya sa akin.
"I'm a quack doctor" inikot niya ako.
"Why quack? Bakit hindi na lang doctor?" natatawang sabi ko.
"Bagay daw sakin, sabi ni Gabriella" tumango na lang ako. Mukhang under pa ata itong si Raje kay Gabriella. He just hug me slightly bago niya ako iwan sa dancefloor.
Sumunod na lumapit sa akin ay ang civilian na napadaan, my abductor na kung ano ano pa ang pinagsasabi sa akin. Ang galing niyang maggawa gawa ng kung ano ano.
Jare the syndicate, ibinigay niya na rin sa akin ang rose na hawak niya. He's the 9th rose.
"Muntik mo na akong mapaniwala kanina" I rolled my eyes.
"Muntik? Paniwalang paniwala ka nga" smirk na sagot niya.
"Why are you even part of my 18 roses? Hindi naman tayo close" ismid ko sa kanya.
"Kakambal ako ng ex boyfriend mo. Don't be harsh on me Florence, hindi naman kita ibinenta sa foreigners" natawa pa siya sa sinabi niya.
"Oh whatever" tinapakan ko nga ang paa niya. Na pa 'ouch' siya. Pero walang tunog, wag niya akong awayin ipapatapon ko siya sa dagat.
BINABASA MO ANG
Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)
RomanceFormer title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secrets. Book 1 of Arms Trilogy Covers are not mine, credits to rightful owner.