Mission 46

560K 15.4K 1.2K
                                    

Mission 46


Nagsisimula na akong maguluhan, kanina lang masayang masaya akong nakikipaglaro sa kambal. Nakikipagtawanan sa mga kalokohan ng magpipinsang Shokoy, nagugulat sa mga kakaibang naiisip at pakanani Troy. Napapairap sa kayabangan ni Owen, napapaismid sa basta nang makagalaw na Tristan, si Aldus na lagi na lang wala. At ang walang katapusang kalandian ni Nero Ferell.

Iba't ibang emosyon na ang naramdaman ko ilalim ng mansion ng mga Ferell. Saya, lungkot, takot, excitement, gulat, kilig at syempre ang pagkainis na halos araw araw na lang. Marami na akong naranasan at natutunan kasama sila, hindi ko man aminin talagang naging masaya ako sa pagtira sa mansion nila.

Oo noong una nahirapan akong pakisamahan sila, pero ganun naman talaga sa simula diba? Talagang mahirap makisama, lalo na kung puros Shokoy pa ang pakikisamahan mo.

Sa una ko palang pagkakita sa kanila sa loob ng magulong kwarto, akala ko sila ang tipo ng mga lamang dagat na basta nalang nahinga o kaya basta nalang nakapatong ang utak sa ulo pero hindi ko man aminin, talagang matatalino at nag iisip din naman pala sila kahit hindi halata, may nagagawa din naman pala silang matitinong bagay sa hindi mo inaasahang pangyayari at napapahanga na lang talaga ako sa mga ginagawa nila sabuhay.

They even made ways to make me feel happy when Nero was away. I felt warm and comfort under their roof. They treated me like a family, they made me feel that I'm not just a lost and a runaway girl. They treated me like one of their cousins too, that I belonged to them. Pinaramdam nila sa akin na hindi ako sabit sa kanilang magpipinsan. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nag aalala din naman sila sa akin kahit papaano. At alam kong may kani kanila silang sariling paraan ng pang aasar para pagaanin ang loob ko sa tuwing wala ako sa mood at badtrip sa mga pangyayari.


Ang mansion ng mgaFerell, kung saan ako naligaw at napadpad. Kung saan may nakilala akong naggwapuhang mga lamang dagat na may konting sayad. The place where I've met the guy who made my life upside down. Or should I say the guy I love and hated the most?

Nagsisimula nang manlabo sa paningin ko ang lugar na kumupkop sa akin. Sa bawat pagtakbo ng kotseng sinasakyan ko unti unti nang nawawala sa aking mga mata ang lugar kung saan ko nakilala ang lalaking minamahal ko.

Walang humpay ang pagpatak ng luha ko nang tuluyan na kaming nakalayo sa mansion ng mga Ferell. Nagsisimula na naming sumikip ang dibdib ko.

The place where I've met those wonderful jerks. I still can't accept that I'm leaving their mansion this early. I'm not even prepared.


Well, I think. This is the end.


What now?


Bahagya kong pinunasan ang mga mata ko.Malayo na kami, malayo na kami sa mga Ferell. Malayo na ako sa kanila, malayo na ako sa kanya.


"Damn! Princess don't cry. Bakit parang pinaparamdam mo sa akin na kontrabida ako dito?"


Frustrated na tanong sa akin ni Kuya Nik. Hindi ako nakasagot sa kanya, tama naman kasi siya na hindi naman talaga ako dapat nasa poder ng mga Ferell. Kung pwede naman akong tumigil sa kanila, bakit sa ibang tao pa daw ako titigil?

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya, dumiretso na ako sa kwarto ko at inayos ang maleta ko. Dahil may punto naman kasi ang mga sinasabi niya. Why still staying there? If he has a place to offer for his cousin?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon