Mission 22

680K 19K 2.4K
                                    

Mission 22


Troy Ferell 


Patay na ako, patay na kami. Ubos ang lahi ng mga Ferell. At dito na nagtatapos ang kwento.


"Aray!" isang malakas na batok ang tumama sa aking ulo. Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko, pakiramdam ko naalog na ang utak ko.


"Ouch!" maarteng sabi ni Owen.


"Damn" mura ni Tristan.


"Masakit" sabi naman ni Aldus.


"Magtatanda na kayo?" tanong sa amin ni LG pagkatapos kaming batukan na apat.


"Opo" sabay sabay naming sagot. Napapangiwi na lang ako sa sitwasyon naming magpipinsan, para na kaming mga tuta dito na puro nakayuko ang ulo sa kanilang matapang na amo. Walang makapagsalita sa aming magpipinsan.

Hindi naman pala kami balak patayin ni lolo, tinatakot lang kami pero talagang natakot ako. Bangin 'yon, nakamamatay.


"Bakit si Nero walang batok? Siya itong nagwala kanina?" kunot noo akong sumulyap kay Nero na payapang natutulog. Samantalang kami dito ay nakailang dasal na ng aba ginoong maria at nagkahika na sa takot. Masyado namang sinuswerte ang natutulog na ito.


"Lolo kung sawa ka na sa buhay mo, wag mo na kaming isama" sabi ni Tristan na nakapagpalaki sa mata naming tatlo. Tang ina mo Tristan, ang lakas ng loob mo. Baka lalong mag init ang ulo ni LG.


"May sinasabi kay Tristan?" nanunubok na tanong ni LG. Dahil nga nasa driver's seat si LG hindi niya kita ang nangyayari sa likod. Agad naming dinambahang tatlo ang gagong si Tristan. Bakit kung ano ano pa ang sinasabi nito? Ayaw na lang manahimik.

Hawak hawak ni Aldus ang bibig ni Tristan habang si Owen naman ay akma na itong susuntukin. Nanlilisik na ang mata ko sa antukin kong pinsan. Gago talaga.

Muling pinaandar ni LG ang sasakyan naming at halos sabay sabay pa kaming napabuntong hiningang apat samantalang si Nero ay masarap pa rin ang tulog.


"Tss"


"Tss"


"Tss"


"Tss"


"Tss"


Limang beses na nag 'Tss' si lolo.


"Tss?" tanong ko.


"Kayo ba mga apo magaling sa math? O wala talaga kayong alam sa buhay kundi mambabae?" tanong niya sa amin. Ano namang isasagot namin sa kanya na hindi hahantong sa suicide ang resulta? Pag nagsinungaling kami baka italon na niya na kami sa bangin. Pag nagsabi naman kami sa kanya ng totoo baka naman bigla na namang mawalan ng preno ang sasakyan at mag stop over na kami sa langit.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon