Chapter 1

224 4 0
                                    

________
Celestine's POV

"San ka na naman galing?"  Nakataas ang kilay ng tiya ko nang salubungin niya ako sa pinto. Bakit andito na siya kaagad? Ang akala ko ay mamayang gabi siya uuwi.

"S-sa Hacienda po ng Montero, nanguha lang po ako ng mga bulaklak tiya"  Magalang kong sabi. Kinakabahan akong pinakita sa kanya ang nakolekta.

"Nanguha ng bulaklak? Hah! Eh kung nag abyad ka dito sa bahay huh!"  Sigaw nito. Yumuko na lamang ako. Gusto ko sanang sabihin na tapos na ang lahat ng ipinapagawa nya.

Ang kaso natatakot ako at ayaw ko nang gulo. Mas mabuti pang manahimik na lang. Ganito siya palagi sa akin at sanay na din ako. Sa kanila ni Nicole na pinsan ko.

"Palamunin na nga tamad pa!"  Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi  na rin ako nag reklamo dahil totoo namang palamunin ako. Sa totoo lang ay sa edad kong ito dapat na magtrabaho na ako.

Siguro ay baka sakaling mabawasan ang galit niya sa akin kung matutulungan ko siya sa gastusin.

"Tiya, Kung papayagan nyo po ako ay mag lalako po ako ng mga kakanin. At meryenda tuwing hapon"  Saad ko. Nagliwanag ang mukha nito.

"At saan ka naman kukuha ng puhunan aber?"  Giit niya. Tama siya. Wala akong mapapagkunan.

"Ah eh, Mag papabayad na lang po ako kay Aling Rosa, narinig ko po kasing wala na siyang taga-lako"  Sagot ko. Mas mabuting tumulong ako. Kahit papaano siguro ay maiibsan ang galit nila.

"Hay naku, mabuti pa nga!"  Napangiti ako. Dahil sa pag payag nya ay gusto ko siyang yakapin ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Last time na ginawa ko iyon ay pinahiya nya ako. Maliit pa ako nuon.

"Salamat po tiya, hayaan mo po bukas na bukas ay magsasabi ako kay aling Rosa"  Masayang ani ko. Inilapag ko ang mga bulaklak sa lamesa. Naging magandang palamuti ito doun. Umupo ako at pinakatitigan ito.

Naalala ko tuloy nung maliit pa ako. Palaging may bulaklak sa lamesa namin. Hindi pumapalya kada araw kasama ko ang mama ko para mag hanap ng mga bulaklak. Pagkatapos gagamitin niya itong pang dekorasyon sa iba't - ibang sulok ng bahay.

Sabi nga ni papa ay ginagawa naming garden ang boung bahay.
Haist Kung sana lang andito si mama at papa.

"Mama! Alam mo ba, umuwi jan ang apo ni Senyora Selena. Nakita ko siya kanina ng pumasok sila sa gate. Ang pogiiii!" Tili ni Vina, Maririnig sa boung bahay ang kanyang tinig. Apo ni Senyora? May apo pala siya?

Si Senyora Selena Montero ang pinaka mayaman sa lugar na ito. Pero kahit ganun ay sobrang bait nito. Sa kanila din ang malawak na lupain na pinagkukunan ko ng bulaklak. Sa katunayan ay nakakakwentuhan ko siya Madalas.

Sabi niya nga ay lagi daw akong mamitas dun at Huwag ng lumayo pa dahil natutuwa daw siya.

"Talaga Vina? Naku dapat makipagkilala ka! Tiyak na magugustuhan ka nun! "  Dinig kong sabi ni Tiya. Hay naku, mukhang alam ko na ang gagawin ni Vina. Hindi ko na lamang sila pinakinggan at pumunta sa kusina upang magluto ng hapunan.

Shintaro's Obsession (Montero series #1)Where stories live. Discover now