Chapter 2
__________
Celestine's POV"Sige iha, Ilako mo at hati tayo sa kikitain total ay mapagod ang maglako." Nakangiting sabi ni Aling Rosa. Ngumiti din ako pabalik saka nagsimulang ihanay ang mga kakanin.
"Sige po, aalis na po ako." Sabi ko Tumango naman ito. Binuhat ko ang isang bilao ng kakanin at iba pang ni luto ni Aling Rosa.
"Ah Teka pala iha, Lakuan mo din si Senyora Selena. Gustong - gusto nun ang mga paninda ko!" Pahabol nito. Agad akong tumango at tuluyang lumabas ng bahay.
Nagsimula akong maglako sa mga nadaan. Sunod ay sa bahay-bahay. Hindi na man na masyadong mainit dahil alas kwatro na nang hapon.
Medyo malayo na ang nararating ko nang makita ko si Carlo. Kinawayan ako nito saba'y ngiti. Nginitian ko din ito pabalik. Bata palang ay kaibigan ko na si Carlo.
"Celes, Tulungan na kita?" Alok niya. Nginitian ko lang siya at Umiling-iling. Trabaho ko ito kaya dapat ako ang gumawa. Hindi magandang tingnan na siya ang gumawa para sa akin
"Hindi, ayus lang. Atsaka last na bahay na ito." Tukoy ko sa bahay ni Senyora. Ito kasi ang huling bahay at dulo na din. Mula dun ay pag m-may ari na nila.
"Ah sige debale kita na lang tayo mamaya?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Nagsimula na ulit akong lumakad.
'Kunti na lang Celestine!' Nasabi ko sa sarili ng makita ang malaking gate ninda Senyora. Kunting lakad pa ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang gate.
" Tao po, Tao po! " Tawag ko nang nasa tapat na ako. Agad naman akong pinagbuksan ng bantay. Pinapapasok nila ako palagi agad dahil iyon ang bilin ni Senyora. Nagtataka na nga din ako dahil sobrang bait nya sa akin.
Malayo pa ay nakita ko nang nakaupo si Senyora sa bench ng kanilang garden. Nang mapansin ako ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at kinawayan ako.
"Magandang hapon po Senyora. Bilin po kasi ni Aling Rosa na ialok daw sayo ang mga kakanin." Magalang kong sabi ng tuluyan akong makalapit.
"Maupo ka muna Celes, Mukhang pagod na pagod kang bata ka ah. Bagong Trabaho mo ba ito?" tanong niya. Tumango ako at umupo. Nakakahiya naman siyang tanggihan baka ma offend siya.
"Opo," Tanging sagot ko.
"Napakabait mo talagang bata ka." Sabi nito bago kumuha ng isang kakanin. Hindi na ako nag abalang bilangin iyon dahil alam kong babayaran naman iyon ni Senyora.
"Ang sarap talaga ng luto ni Rosa." Ngiting sabi niya. Ngumiti lang din ako pabalik. Tunay na masarap ang kanyang luto. Paborito ko nga ito.
"Hi, Celestine! I'm Wacks!" Nagulat ako at napahawak sa dibdib ng biglang sumulpot ang isang binata. Teka? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Siya ba ang apo ni Senyora?
"Siya nga pala Celes, Gaya ng sinabi niya sya si Wacks, Magpinsan sila ni Shintaro" Shintaro? Bakit parang anime ang pangalan. Shintaro.
"Oh And here comes Shintaro the ICE" Saad pa nito. Ice? Bakit Yelo? Anong meron?
Ngayun alam ko na kung bakit tinawag siyang Yelo ni Wacks. Literal na ang lamig niya makitungo. Kinakabahan nga ako dahil sa presensya nya.
Napa iwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Automatic na yumuko ako. Bakit na kakatakot siya?
"Gusto mo ba iho?Masarap ito." Saad ni Senyora pero hindi niya ito pinansin. Hindi parin nito inaalis ang titig nya sa akin, Hindi ba niya alam na nakakatakot siya.
"Naku lola, Mukhang busog na nga eh." Natatawang sabi ni Wacks. Hindi ko naman nakuha ang ibig nyang sabihin.
"Ah Pwede ko po bang kunin itong natitira, ang ibig ko pong sabihin ay ilalako ko pa sa iba, gagabihin ako eh" Sabi ko. Sa totoo lang ang sabi ni Aling Rosa ay kahit hindi daw maubos ang paninda ay pwede akong bumalik.
Ginawa ko lang dahilan ang paglalako dahil kanina pa ako kinakabahan sa lalaking ito. Para siyang mangangain eh.
"Ah ganun ba Celes iha–We will take it all" Naputol ang sasabihin sana ni Senyora ng magsalita si Shintaro. Grabe kinilabutan ako sa paraan ng pananalita niya.
"P-po?" Paninigurado ko. Talaga bang kukunin nila lahat? Hindi naman sa ayaw ko. Pabor pa nga sa akin iyon eh.
"I'll buy it all. Now stay." Malamig nitong sabi. Napalunok ako ng wala sa oras. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo at yumuko.
Hindi ko mapigilang manginig ang tuhod sa kaba.
"Iho Celestine need to go home before 6, malayo - layo pa ang lalakadin niya. " Sa oras na ito gusto kong pasalamatan si Senyora. Kasi kung hindi ako makakauwi agad baka sermon na naman ang abutin ko.
Alam iyon ni Senyora kaya nga minsan siya pa ang nag papaalala ng oras Kapag napapasarap ang kwentuhan namin.
"Tch. Then leave" Halos manigas ako sa sinabi niya, At the same time ay
nagpapasalamat ako. Hindi ko na kailangan pang gumawa ng excuse sa kanila."O-opo," Mabilis kong sabi bago kinuha ang bilao kasama ang bayad nila.
"A-aalis na po ako Senyora, Maraming salamat po" Ngiting sabi ko kahit na ramdam ko pa din ang pag titig ni Shintaro sa akin.
Tumango lang ito. Kaya naman mabilis ko silang iniwan. Bahagya pa akong nginitian ni Mang Lucio Bago binuksan ang gate.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako. Bakit ganoun ang lalaking iyon? Eh paano ang paglalako ko dito bukas.
Hindi naman pwedeng hindi ako pumunta dito.
Siguro ay iiwasan ko na lamang siya nakakatakot siya eh.
Baka mag karoon pa ako ng sakit sa puso sa kanya.
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomantikProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...