Chapter 4

101 4 0
                                    

Celestine's POV

Sumakay kami ng tricycle papunta sa Mansion ng Montelijo. At syempre hindi nila sinagot ang pamasahe ko. Mabuti na lamang at may natitira pa akong pera.

Pagpasok ng gate ay napanganga ako sa ganda ng mga decorations. Eleganteng-elagnte ito. At parang nakakatakot galawin. Ang galing naman ng  party planner nila!

"Hi, Celestine!"  Napatigil ako nang tawagin ako ni Wacks. Ngumiti lang ako at sumunod kay tiya na deretso lamang papalapit sa isang table.

Umupo sila kaya umupo din ako. Napayuko ako ng mapansing pinagtitinginan ako ng mga bisita ni Senyora. May mali ba sa existance ko dito?

Umayos ako ng upo ng mapansing papalapit si Senyora sa aming deriksiyon.

"Tingnan mo mama, lalapit si Senyora dito!"  Bulong na tili ni Vina. Ang babaw naman ng kaligayahan nya.

" Magandang gabi po Senyora"  Magalang kong sabi. Hindi nakawala ang sa paningin ko ang pag-irap ni Vina. Nakakagalit ba ang pag bati ko?

"Magandang gabi Celes at sa inyo ding mag-ina. Vina and Celes dun kayo sa isang table andun si Wacks at Shintaro, kasama ang mga pinsan pa nila."  Sabi nito. Agad namang tumayo si Vina. Excited itong nauna sa akin. Kaya nagkibit balikat akong sumunod sa kanya.

Si Senyora naman ay naupo sa table namin kanina. Katapat ni Tiya.

" Hi, Celes upo ka "  Saad ni Wacks. Ngumiti lang ako at naiilang na umupo sa tabi ni Vina na kanina pa pala nakaupo. Masyado na ata akong lutang.

Nanliit ako ng makitang nga naka elegant dress and suit sila at ako'y mukhang gagala lang sa park. Tama pala si Vina. Pero hanggang ngayun nagtataka pa din ako bat siya nag lingerie.

"Hi! I'm Vina You're Shintaro right?"  Napaangat ako ng tingin sa lalaking kanina pa pala seryosong nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin ng makaramdam na naman ng kaba.

Inilahad ni Vina ang kamay nya. Tinitigan lang ito ni Shintaro kaya naman napapahiyang ibinaba nya iyon.
Ang sama naman ng ugali niya. Hindi man lang niya tinanggap ang kamay ni Vina.

"Hi, Vina I'm Wacks"  Ngiting sabi ni Wacks. Alam kong ginawa nya iyon para hindi tuluyang mapahiya ang pinsan ko. Ngunit imbis na sagutin ay umirap lang si Vina.

Teka? Diba dapat maging thankfuk sya kasi may sumagip sa kanya from being embarrassed. haist bat ko ba sila pinoproblema.

Muli kong sinulyapan si Shintaro. Nanuyo ang lalamunan ko  makitang nakatingin ito sa akin. Agad kong kinuha ang glass na nasa harap ko.

"It's a hard drink you might get drunk" Biglang sabi ni Shintaro.  Parang napaso ko itong ibinaba. Napahiya ako dun ah! Akala ko tubig,

" ah eh akala ko kasi tubig. May tubig ba kayo?"  Tanong ko pero hindi kay Shintaro kundi kay Wacks. Nakarinig naman ako ng mahihinang bulong ng mga tropa nya, pero hindi ko maintindihan.

'Teka, si Shintaro paba itong kasama natin?'
'Oo nga eh,   8 words wow! first time in a history'
'Hoi wacks may nangyari ba habang wala kami dito'
'Wow binilang talaga huh'.
'Syempre ngayun ko lang narinig si coz magsalita eh'

Para silang mga bubuyog.
"Hi Celestine My name is Yanna pinsan din ako ni Wacks and Shintaro"  Saad ng isang babae. Ngumiti lang ako. Akala ko dalwa lamang ang apo ni Senyora tatlo pala. Or tatlo nga lang ba?

"Hi Yanna ako si Vina pinsan ni Celest" Sabat ni Vina nang magsasalita na ako. Kaya nagkibit balikat na lang ako.

"Mag pinsan kayo? weh di halata"  Saad naman ng isa pang lalaki na hindi ko alam kung ma o-offend ba ako o hindi.

"Yah madami na ding nagsabi nyan mabuti na lang at ayus lang kay Celest. Pero minan naiisip ko din na paano nga kung na sasaktan sya dilang nagsasabi"  Sagot ni Vina. Nanatili akong walang imik. Gusto ko sanang sabihin na.

'Hello andito pa ako!'  Ngunit tumahimik na lang ako.

"Ahh baliktad ata pag kakaintindi mo–hmmmpp" Saad ni Yanna na agad namang tinakpan ni Wacks ang bibig.

'May pagka slow si Vina  no'  Bulong nung isa pang babae na hindi ko na naman naintindihan. Sa pagkakaalam ko siya si Alexa pinsan din daw. Andami pala nilang magpipinsan.

Shintaro's Obsession (Montero series #1)Where stories live. Discover now