Chapter 9

100 3 0
                                    

First day.

___________
Celestine's POV

"Ano? wala ka nang trabaho!?"  Singhal ni Tiya. Napapikit na lang ako bago bumongtong hininga.

"Pero huwag po kayong mag-alala tiya. May bago na po ulit."  Ngiting sabi ko. Kumunot ang nuo nito.

"Ano naman yon aber."  Malditang sabi nito.

"Maid po nila Senyora"  Hindi ko sinabing Personal maid ni Shintaro dahil baka lalong magalit si Vina.

"Yun naman pala eh, lumayas ka nga sa harap ko. Nakakabanas ka"  Asar nitong sabi. Agad akong lumayo sa kanya. Ngayun ang first day ko sa pagiging personal maid kay Shintaro.

"Sige po tita aalis na po ako"  Paalam ko. Maaga kasi akong nagising kaya kanina pa ako ready.

"Yeah whatever"  Mataray namang usual ni Vina habang nag m-make up. Ako na ang naaawa sa mukha nya. Hindi ba naiirita ang balat niya?

Ipinilig ko ang ulo at nagsimula nang maglakad. Dala ko ang iilan sa gamit ko dahil iyon ang bilin ni Senyora. I-t-text na lang daw ni Senyora si Tiya.

Hindi pa ako nakakalayo ay may humintong kotse sa gilid ko. Biglang bumalik sa alaala ko ang kotseng humabol sa amin. Sino kaya iyon?

*peep*

Napatalon ako sa gulat ng bumusina ang kotseng katapat ko pala. Nanlaki ang mata ko nang bumungad ang seryosong mukha ni Shintaro sa loob.

Anong ginagawa nya dito? Sinundo nya ba ako? Naku Celes huwag kang assuming! Baka nagkataon lamang.

Pilit ko itong nginitian na siyang ikinatigil nito.
Pero maya-maya ay tumikhim ito.

"Get into the car"  Tanging sabi nito gamit ang malamig at baritonong boses. Hindi na ako nag atubiling tumanggi dahil baka magalit siya. Nakakatakot pa naman siya.

Tahimik akong umupo sa back-seat. Ngunit hindi niya ito pinaandar.

"Do i look like a driver to you?"  Seryosong usal niya. Napamaang naman ako nang ma realize ang gusto niya. Kahit labag sa loob ay lumabas ako ng back-seat at dumiretso sa passenger seat kung saan katabi ni Senyorito.

Senyorito na ang itatawag ko sa kanya dahil anak sya ni Senyora ? Huh? Does it makes sense? Ay ewan ko ba basta Senyorito ok na yun!

Tahimik lang kami boung byahe hanggang sa makarating kami sa Mansion nila. Nauna siyang lumabas kaya naman sumunod ako sa kanya.

Mahirap na baka sungitan ako eh.
Sumunod lang ako sa kanya maging hanggang sa pagpasok. Hindi na bago sa akin ang ambiance ng lugar.

Dahil Madalas akong inaaya ni Senyora dito. Hindi ko din alam kung bakit.

"Oy Couz, Woaahh Sinundo mo si Celes? Angas ah"  Nakangising sabi ni Clyde.

Hindi umimik si Boss at dumiretso lamang sa hagdanan. Should i follow him? Huwag na kaya baka sa kwarto nya ang punta.

"Tara Celes sasamahan kita sa kwarto mo dali!" Tili ni Yanna. Wala akong nagawa ng higitin nito ang braso ko kaya nag padala nalang ako.

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa amin ang malinis at organzies na kwarto. May pagka Aesthetic din ito, Ang iba sa mga gamit ay gawa sa matibay na kahoy.

Napangiti ako. Ang aliwalas naman! Ang ganda! Doble ang laki nito sa kwarto ko!

"Pasok na dali!"  Tili pa nito at bahagya akong tinulak. Halos mapanganga ako. Hindi kaya kami nag kamali ng pinasukan? Eh kasi mukhang hindi pang maid.

"Y-yanna nagkamali yata tayo ng pinasukan"  Nag aalinlangang saad ko. Tumawa lamang ito.

"Siya ang pumili ng kwarto na toh para sayo kaya sige na ilagay mo na ang gamit mo dun"  Sabi niya. Teka sino daw ang pumili?

Baka si Senyora. Alam na alam ang pangarap kong kwarto! Ang ganda!

Shintaro's Obsession (Montero series #1)Where stories live. Discover now