Prolouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulaklak na kakaiba sa kanyang paningin kaya hindi niya iniwan iyon. Samantalang sa hindi kalayuan ay nakatitig dito ang binata. Mula sa glass wall ay nakikita nya ang kabuoan ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit kanina pa siya nakatitig dito. Gayung wala siyang interes sa mga babae. There's something on her that he can't explain. He want to mark her as his. He is Shintaro Montelijo. Kakadating nya lang upang mag bakasyon sa kanyang lola. "Eh lola sino naman ang dalagang iyon.?" Tanong ng kasamahan nito. Well he ask it on purpose. Nagtaka kasi siya dahil hindi maalis ang mga mata ni Shintaro dito. Na tila ba ayaw nya itong mawala sa paningin. "Siya si Celestine Monroe. Ulila na ang batang iyan,kaya sa kanyang tiyahin na siya nakatira. Medyo malayo-layo ang bahay nya dito, ngunit hilig nya parin ang tumabay dito tuwing ganitong oras." Napa tango-tango ang binata. 'Kung ganun bakit ganito makatitig si Shintaro eh wala naman siyang interes sa mga chix?' Napaisip siya. Ngumisi siya ng maka isip ng kalokohan. " Wala po ba siyang boyfriend? Ang ganda nya kasi eh balak ko sanang ligawan" tanong nito. Bahagya nya pang nilakasan ito na para bang sinasadya nyang iparinig ito kay Shintaro. *BLAG* Napatalon sila sa gulat ng hampasin ni Shintaro ang kawawang lamesita. Agad napalunok ang kaibigan at bahagyang ngumiwi. "S-sabi ko nga. Wala akong balak" Saad nito. Hindi niya Alam kung bakit naging ganuon ang reaksyon ng kaibigan. Kadalasan ay wala itong pake sa paligid niya. Kaya naman nakakagulat na bigla na lang ito nagka interes sa dalaga. [I hope y'all like it]