________
Celestine's POVKASALUKUYAN akong naglalakad habang hawak muli ang isang Bilao ng kakanin. Ito ang pangalawang araw ko nang pagtitinda ng mga luto ni Aling Rosa. At sa kasamaang palad ito nandin pala ang huli.
Aalis kasi patungong Manila si Aling Rosa at mawawalan ako ng trabaho. Tinawagan kasi siya ng anak nya na kailangan niya ito duon kaya naman hindi siya nakatanggi.
Syempre miss nya na din ito. Kaya naman bukas ay kailangan ko ng bagong trabaho.
"Celes Iha papasok ka ba?" Nabalik ako sa ulirat ng mapagtantong nasa tapat na ako ng mansion ni Senyora. Napapahiya akong ngumiti at bahagyang tumango. Kanina pa kaya nila ako pinagbuksan?
"Ah opo,Andiyan po ba si Senyora?" Magalang kong tanong. Tinuro nya naman si Senyora na nakaabang sa sala set nya.
"Kanina ka panga niya hinihintay." Ngumiti lang ako at nag patuloy sa paglakad. Dahan-dahan akong lumapit kay Senyora.
"Magandang hapon po Senyora" Ngumiti ito at tumango
Ibinaba ko sa lamesa nya ang bilao gaya kahapon."Naku, Ang sasarap na naman siguro niyan, mabuti pa iha ay palagi mo akong dalahan" Sabi nito. Napakamot ako sa sentido.
"Ah eh Aalis po si Aling Rosa kaya naman ito na po ang huling tinda ko dito." Alanganing sabi ko. Tumagilid ang ulo niya at napanguso. Minsan iisipin mo talagang hindi halatang mayaman siya.
"Ah ganun ba, eh paano ka? Wala ka nang trabaho" Saad niya.
"Oo nga po, Maghahanap nalang po siguro ulit ako ng iba" Sabi ko. Ngumiti naman siya at umaktong nag - iisip. Hinawakan nya ang baba.
"Ano kaya kung sa akin ka na lang mag trabaho" Napatingin ako sa kanya. 'Oo nga no!'
"Talaga po? May bakante pa?" tanong ko.
"Oo naman, Pwede kitang gawing P. A ko" Saad nito. Magandang ideya iyon! At mabait pa ang amo ko. Huwag ko lamang makakasalamuha ang Shintaro na iyon.
"Talaga po?" Paninigurado ko. Ngiti naman itong tumango. Na paayos naman ako ng upo nang magsidatingan ang mga apo niya.
Lahat sila,
"Hi Celes! Andito ka pala." Bati ni Alexa. Nginitian ko lang ito."Wow, ansarap naman niyan, lagi Kabang nag titinda nyan?" Saad ni Yanna at umupo sa gitna namin ni Senyora. Agad nyang nilantakan ang mga kakanin na tinda ko.
"Apparently last na tinda nya na toh. I'm going to take Celes as my Personal Assistant" Sabat ni Senyora. Napatigil naman silang Lahat. May masama ba sa sinabi ni Senyora.
"Hehe alam mo Mamila Madami ka nang katulong why not sakin na lang Celes" Sagot ni Yanna.
"No sa akin na lang!" Tili ni Alexa sabay kagat ng bibingka.
"Sa akin kaya?" Suhistyon ni Wacks.Mga wala ba silang katulong.
"Hmmmm Mahihirapan sya kung madami kayong pamimilian nya. I suggest kay Shintaro nalang." Saad naman ni Clyde. Isa pang pinsan nila. Ngumisi ito sa akin na para bang may ibig-sabihin.
"Naku, Si Shintaro? Eh ayaw nga nyan ng may Maid siya–I'll take her as my personal maid." Napatigil kaming lahat ng magsalita si Shintaro na pumutol sa sasabihin ni Alexa. Nangilabot ako.
'Bakit sa kanya? ayaw ko nga'
"Payag ka ba iha" May choice pa ba ako? Pwede bang kay Senyora na lang? Napalunok ako. Dahan-dahan akong tumango.
Ayos na iyon kesa wala. Hindi ko na lang siguro siya kakausapin.
"Yun! Everything is settled, you'll work for shintaro Starting tommorow"
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...