Black mens.
_________
Celestine's POV[3 weeks later]
Nakatulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana ko. Nagbabakasakali na sa pagkurap ko ay masilayan ko siyang muli.
Tatlong Linggo, Tatlong linggo na simula nang umalis siya. Hanggang ngayun ay wala kaming balita ni Senyora. Hindi kami nakaka tanggap ng kahit text or message. Wala ding nagpapadala nang sulat.
Sa tatlong linggong iyon ay utay-utay akong nawawalan nang pag-asa. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. At bakit siya natagalan.
I've been longing for his presence. Nag o-overthink na din ako dahil ang pangako nya ay isang linggo lamang. Ano bang klaseng business ang ginagawa niya?
Napabuntong hininga ako, sa tingin ko ay panglimang beses ko na itong buntong hininga ngayung araw. Malamlam pa ang panahon at palaging umuulan. Panahon na nang tag-ulan ngunit wala pa din siya.
Nakaramdam ako nang lungkot dahil sa sobrang pag-iisip kung nasaan na kaya siya.
Naramdaman kong mag naglagay ng kung ano sa likod ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Senyora iyon. Hinawakan ko naman ang blangket na siyang ipinatong nya sa likod ko.
"Iha, Hindi ko alam kung bakit siya natatagalan pero magtiwala ka babalik siya" Saad ni Senyora. Inilapit niya ang kamay sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
Pinahid nya ang luhang tumutulo sa mata ko. Para akong batang nangungulila sa kalinga.
Hindi ko mapigilan na umiyak nang umiyak kasabay nang panahon. Ganito ako tuwing may isang taong malayo sa akin. Natatandaan ko pang ganito din ako nang mawala ang mga magulang ko.
"Tahan na. Baka sa ibang bansa ang business trip niya kaya siya natagalan diba?" Saad niya. Patuloy lang ako sa pagsinghot. Bakit ba ako nag iisip na baka hindi na niya ako balikan?
*BOGHSS*
Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marahas na bumukas ito. Para bang tinulak nang malaking pwersa na siyang ikinatanggal nito.
Kasabay nito ang pagpasok nang mga di pamilyar na mga bulto. Nakasuot sila nang kulay itim na kasuotan at itim ding maskara. May hawak silang mga baril na sa tingin ko'y hindi basta-basta.
Nakaramdam ako nang takot lalo na nang makita ang mga hawak nilang armas. Sino sila? B-bakit?
"Sino kayo!A-anong" Singhal ni Senyora sa kanila. Ako naman ah nanginginig na napatayo. Anong gagawin nila sa amin?
"Tch. Dakpin sila. Sila nga ang hinahanap natin." Saad nang isa. Humakbang naman ang inuutusan nito kaya naman nangapa ako maaaring ipang sanggalang.
"H-huwag kayo lalapit" Kinakabahang sabi ko. Anong kasalanan namin at kailangang mangyari ito!?
Napalunok ako nang wala akong mahanap na pwedeng ipanglaban. Masyado silang madami, Isa pa ay babae kami.
Napaatras ako nang lumapit sila, Bago pa man kami makatakbo ni Senyora ay Nahawakan na kami nang mga ito. Masyado kaming mahina para sa kanila.
"Bitawan nyo kami! Ano ba!" Sigaw ko nang mas humigpit ang pagkahawak nya sa amin. Ramdam kong bumaon ang kuko niya sa braso ko.
"m-masakit! Bitawan nyo ako!" Tili ko. Bahagya ko pa siyang siniko ngunit nahawakan nya iyon kaya naman lalo lang akong nasaktan.
"B-bakit nyo toh ginagawa!?"
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...