________
Celestine's POV"Ano Kumusta na ang pakiramdam mo" Tanong ko dito nang mag mulat ang kanyang mata. Umaga na at andito na din sinda tiya. Pinaglitan nga nila ako ng makita si Carlos sa sofa.
Alangan namang pabayaan ko siya diba? Haist minsan talaga hindi ko maintindihan sinda tiya.
"A-ayus na ako." Nakangiwing sabi nito. Umaga na siya nagising at hanggang ngayun ay nag-guilty pa din ako. Alam kong malakas ang impact nuon dahil tinudo ko para siguradong tulog.
Hindi ko naman kasi inaasahan na si Carlo pala iyon.
"Pasensya ka na talaga" Sabi ko dito. Paano na lang kung hindi na siya nagising?
"Ayos lang, Don't worry kaya ko toh." Sagot nito at ngumiti. Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Lalo na nang subukan nitong tumayo.
"Tch. Huwag nga kayong magl*ndi*n dito. At ikaw Celestine bakit hindi ka nagpaalam na uuwi ka na pala kagabi huh!" Napapikit ako ng mariin nang magsimulang mag sermon si tiya.
Hindi na ako nakapag paalam dahil maiistorbo lamang siya sa pakikipag kwentuhan.
" Sorry po " Mahinang sabi ko. Binaling nito ang tingin kay Carlo na ngayun ay masama ang tingin sa kaniya.
"Oh anong tinitingin-tingin mo diyan!? Lumayas ka na nga dito!" Sigaw ni Tita. Wala akong nagawa kundi hayaan syang tumayo mag - isa. Nang makalabas siya ay sinulyapan nya ako. I mouthed 'sorry' Sa kanya. Tumango ito at nag 'ok' sign.
"Anong tinutunganga mo diyan!? Maghanda ka nang almusal bilis!" Dagdag pa niya. Agad kong sinunod ang utos niya. Bakit tila yata mainit ang ulo ni tiya.
'Sabagay palagi naman' Sabi ko sa sarili. Ipinilig ko ang ulo at naghanda ng mga kape nila. Pagkatapos ay kumuha ako ng harina, itlog at iba pang kasangkapan sa pag gagawa ng pan cake.
Pagkatapos mailuto ay inihain ko ito sa lamesa. Dumiretsa ako sa salas ay natagpuan kong nag uusap ang mag-ina.
"Hindi niya ako pinansin mama, Kasalanan ito ni Celes! Bida-bida talaga siya kahit kailan!" Napailing ako sa sumbong ni Vina. She is always like that. Throwing bad words and rants about me.
Sanay na din ako sa masasakit na salita na ipinaparatang nila. Total ay sampid lang ako dito. Hindi ko nga din alam kung bakit sa kanila ako napunta.
Ang sabi ni tiyo nung nabubuhay pa siya ay madami kaming kamag-anak ngunit nasa malalayo ito. Tanging sinda Tiya lamang ang kilala ko sa lahat ng kamag-anak namin.
Nagtataka nga din ako kung bakit walang pagkakahawig ang mama ko sa tiyo ko. Samantalang sila ay magkapatid. Madami silang pagkakaiba gaya ng mga mata nila. Malamlam na kulay brown ang mata ng mama ko na siyang namana ko.
"Bakit pinahiya mo si Vina kagabi!?" Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain ng magsalita si Tiya. Taka ko siyang tiningnan. Pinahiya? Wala naman akong natatandaang may ginawa ako kagabi bukod sa pagpipigil ng antukin.
"P-po? Wala po akong alam sa sinasabi ninyo." Magalang kong sambit.
"Sinasabi mo bang Sinungaling ako!?" Singhal sa akin ni Vina. Pabagsak nyang ibinaba ang kutsara na kanina'y gamit niya.
"Hindi naman sa ganu–Aba't sumasagot Ka pa!" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Tiya. Bakit nga ba ako sumasagot wala din naman akong mapapala.
"Alam mo mas mabuti siguro kung lumayas ka dito!" Singhal ni Tiya. Natameme ako. Bakit ganito sila sa akin? Ganito ba talaga ang dapat na trato sa kapwa pamilya?
"T-tiya" Tanging nasabi ko. Wala akong mapupuntahan kung papalayasin niya ako. Ayaw ko namang maging palaboy.
Kaya nga pinagtitiisan ko ang ugali nila kahit nakakapagod na. Ang sabi nang mama ko, Huwag akong magtatanim ng sama ng loob sa Isang tao. Dahil ako din ang aani nito.
"Huwag mama, mawawalan tayo ng katulong diba?" Nang-aasar na sabi ni Vina sabay tingin sa akin. Iniinsulto na naman niya ako.
"Tama ka, Oh sige iligpit mo na itong pinagkainan namin, Munting Cinderella AHAHAHAHHA" Napayuko ako ng sabay silang tumawa. Ginagawa na naman nila akong katatawanan. Napakagat labi ako ng maramdaman ang pag-init ng mata ko.
Bakit ba kasi ang hina hina ng loob ko eh! Marahan kong pinunasan ang luha ko.
'kaya mo yan Celes!' Bulong ko sa sarili bago mapait na ngumiti. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko. Hindi dapat ako magpa apekto sa kanila.
"Halah mama, umiiyak na si Cinderella baka magalit ang kanyang prinsepe" Dinig ko pang pang - iinsulto niya. I just shrug my head. Hahayaan ko na lang sila.
Sila lang ang meron ako.
[TYSM FOR READING]
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
Roman d'amourProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...