Business trip?
__________
Celestine's POVNAPAMAANG ako ng makita na nag gagayak si Shintaro. H-he's leaving? Iiwan nya na ba ako? Babalik na ba siya sa Syudad? Nasasawa na ba siya sa akin?
'Huwag kang mag Overthink Celes!' Turan ko sa sarili. Nakita kong nag i-impake si Shintaro ng bagahe.
Hindi niya ako nakikita dahil nasa madilim na parte ako ng kwarto, Nakatayo habang pinagmamasdan siya. Aalis din pala siya, akala ko dito na sya mananatili.
Mali ba ang desisyon ko? Napasinghot ako at pinunasan ang mata dahil nanunubig na pala ito. Kaya pala nanlalabo ang paningin ko.
"Are you crying?" Nagulat ako nang bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha niya. Umiling ako at ngumiti.
"Ako? Hindi ah, n-napuwing lang ako" Gusto kong sampalin ang sarili sa pag kautal.
Lumapit siya at may pinahid sa pisnge ko.
"You're Crying." Sabi niya. Napahikbi ako. Bakit ba napakaiyakin ko? Napakababaw ng luha ko. Kahit kunting bagay iniiyakan ko, I hate my self for being soft hearted." A-aalis ka?" Mahinang tanong ko. Imbis na sagutin ako ay narinig kong tumawa ito ng mahina bago ako hinikit. Kinulong nya ako sa braso nya at hinaplos ang buhok ko.
Mukha akong batang pinapatahan ng kanyang papa.
"Don't Cry, I'm gonna go for business trip ok? I'll be back. D*mn baby you're crying because of me leaving is Heartmelting." Mahinang saad niya kasabay ng kaunting tawa. Inilayo ko naman ang sarili ko sa kanya at bahagya siyang hinampas sa braso.
"B-b*liw" Usal ko kahit sumisinghap dahil sa pag-iyak.
Business trip lang naman pala ang pupuntahan nya. At hindi ako makapaniwala na iniyakan ko ang bagay na iyon. Nakakahiya!
"I'll be back ok? I promised" Saad nito at bahagyang itinaas ang kamay. Tumagilid ang ulo ko dahil sa ginawa nya. Ano bang ginagawa nya?
"I Shintaro Montelijo making promised to my one and only baby and wife, that I'll be back within a week." Ngiting usal nito. Kahit papaano ay napa tawa ako sa ginawa nya.
Iba na talaga ang nararamdaman ko. Lalo na kapag tungkol sa kanya.
"B-basta babalik ka huh." Saad ko kahit na nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko. This is not me. Hindi ako basta-basta makapag sabi sa isang tao, Introvert ako afterall.
"I will."
********
Maaga akong nagising para makita ko ang pag - alis niya. Dali-dali akong bumaba ng hagdan upang makita pa siya.
Halos madapa ako ng nasa huling baitang na ako.Para akong si Naruto kung tumakbo para lang maabutan siya.
Nang makarating sa salas ay hinihingal akong tumigil. T-teka? Nasan sila? Nangunot ang nuo ko ng wala akong matagpuan kahit sa parking lot.
Umalis na kaya siya?
"Iha?" Napalingon ako ng marinig ang tinig ni Senyora. He's standing Behind my back. Pilit akong ngumiti, Umalis na ba siya?
"Kung hinahanap mo si Shintaro kanina pang madaling araw sya umalis, Sumama na din ang mga pinsan nya dahil baka daw hinahanap na sila sa kanila." Saad nito. Napawi ang ngiti ko at bagsak balikat na bumuntong hininga.
Hindi ko siya naabutan. Bakit ba kasi Hindi ko naisip na baka madaling araw siya umalis!?
Sigurado akong tatagal siya dun ng isang linggo at hindi ko alam kung kakayanin ko ba iyon. Nasanay na akong palagi siyang nandiyan.
Natatakot din ako na paano kung may makita siyang mas better sa akin? Ipagpapalit niya din kaya ako gaya nang mga napapanuod ko?
Paano kung hindi na siya bumalik. Napasinghot ako ng naramdamang naluluha na naman ako. Para akong bata!
"Iha Babalik din siya." Mahinahong Saad niya at hinagod ang likod ko. Somehow i feel better pero hindi ko pa din mapigilang lumuha. I can't take it. Hindi ko kaya.
Bakit ganun? Para akong nagiging kulang?
[OPS Magkalayo na sila - evil grin appeared on author's lips. HAHAAHAH TYSM FOR READING!]
YOU ARE READING
Shintaro's Obsession (Montero series #1)
RomanceProlouge : "Ceslestine. Doon tayo sa banda roon manguha ng bulaklak" Suhistyon ng babae sa kaibigan nyang kanina pa naghahanap ng mga bulaklak. She smiles at her and nooded. "Sige susunod ako," Ani nito. May Napansin kasi siyang maliit na bulakla...